Valeen's pOv
Years later
"Yung kasama ka araw-araw mula nang pakasalan kita, yun yung pinaka masasayang moment sa buong buhay ko kahit sunod-sunod na problema nanatili parin tayong matatag. Masaya ako dahil paggising ko na lang kinabukasan bumalik na lahat ng ala-ala ko. Bumalik sa kung saan nagsimula ang love story nating dalawa. Na yung pekeng pagmamahalan noon hindi ko inasahang magkakatotoo. Heto ako, naiiyak sa harapan ng madaming tao. Umiiyak dahil sa saya, kasi ang alam kong mala-fairytale at happy ending na love story ay sa pelikula lang makikita. Nagsimula tayo sa hindi pagkakasundo, sa pagbabangayan, napunta sa selosan at heto tayo ngayon umabot sa puntong pati buhay natin kaya na nating isugal para sa nararamdaman natin para sa isa't isa. Kayong mag-ama ko ang sagot sa mga dasal ko. Na kahit anong mangyari hindi ko hahayaan na mawala kayo sa buhay ko. Mahal na mahal ko kayo" sabi ko habang umiiyak.
Napatingin ako sa mga taong nanonood. Sila mom at dad na nakikipag-iyakan na din. Ang ama ni Erroze at ang stepmom nito.
"Salamat sa pagdating mo sa buhay mo mahal ko. Binago mo ako't nagtiwala ka kahit malabo. Binigay mo tiwala mo sakin kahit napaka gago ko. Dahil sayo nalaman ko na ang pag-ibig ay hindi lang pala ito tungkol sa saya't kilig kundi tungkol ito sa sakit, pagsasakrisyo't pagpapalaya sa taong mahalaga para sayo. Na kahit sariling nararamdaman mo, isusuko mo para sa minamahal mo. Ngayon nahanap na kita, hindi na kita pakakawalan pa" sabi ni Erroze tsaka tumingin sa anak naming natutulog sa kandungan ni daddy.
"At thank you din mahal ko, dahil binigyan mo ako ng isang cute na little Erroze kung tawagin nila." dagdag nito kasabay ng tawanan lahat.
"Ngayon, muli tayong ikakasal. Ikakasal tayo hindi dahil sa gusto ng ating mga magulang. And now, Ikakasal tayo mahal ko with love, sacrifices and patience. Mahal na mahal kita, hindi ako mabubuhay ng wala ka." dugtong nito na ikinaluha ko.
Napaswerte ko sa lalaking napili kong mahalin habang buhay. Mahal na mahal ko ang mag-ama ko.
"You may kiss the bride" sabi ng pari. Tumingin ito sa aking mga mata na may halong saya't pagmamahal.
Dahan-dahan nitong nilapat ang mga labi sa aking mga labi kasabay ng hiyawan ng lahat.
ISANG engrandeng selebrasyon ang ginaganap dito sa mansyon. Bisitang nga nagsisikatang tao dahil sa laki at dami ng kanilang kumpanya't nagsisikatang mga pangalan.
Heto ako ngayon, muling lumuluha. Lumuluha hindi dahil sa sakit kundi dahil sa saya. Mga taong mahahalaga sa buhay ko, nagkakaisa ngayon sa araw ng kasal ko.
Napatingin ako kay Jaya na hinahaplos ang pitong buwang tiyan nito habang nakangiti.
"Oh babe, may masakit ba? Manganganak kana?" alalang tanong ni Renzo kay Jaya. Agad naman nitong binatukan na ikinatawa ko.
"Baliw! huwag kang excited! Pitong buwan pa lang anak mo" sabi nito tsaka inirapan ang kanyang asawa.
"Haha. Excited lang eh, i love you" saad nito.
"Mama!" sulpot ni Kyle habang tumatakbong hubad hubad na hinahabol ng kanyang yaya.
"Anak. Magbihis ka nakikita na nila oh" Turo ko sa katawan niyang hubad.
"Maam ayaw niya po kasing isuot" sagot ni manang.
"Anak gusto mo bang si daddy na lang magsusuot niyan para sayo?" tanong ng asawa ko.
"Daddy ayaw po. Makati po kasi" magalang na sagot ng anak ko.
"Isuot mo yan! nakakahiya sa mga bisita!" sulpot ng stepmom ni Erroze. Nasaktan ako sa pagbulyaw niya sa anak ko na kailan man hindi ko ginawa ngunit pinili kong manahimik.
"Teka nga, sino kaba para bulyawan ang anak ko? Ni wala kang hirap diyan ah. Sino kaba para masunod kung anong ikakabuti para sa anak ko? Isusuot ng anak ko ano man ang gustuhin niya, anong pakialam mo doon? Ako ang ama, ako lang ang magsasabi kung tama o mali ang ginagawa niya dahil marunong akong tumingin ng tama at mali. Kung nakakahiya sa bisita ang ginagawa niya, edi umalis ka. Luwang-luwang ng pinto o. Dika invited kaso umattend ka. Alam ko balak mo Hindi ko hahayaang ikaw na sampid ang sisira sa kasal namin ng asawa ko" sagot ni Erroze. Hindi nakakibo ang stepmom nito tsaka umalis.
"Sige na manang, ibigay mo kung anong gusto niya" sabi ni Erroze.
"Ano kaba naman. dimo na dapat pinatulan" saad ko.
"Hindi pwede mahal ko. Alam kong balak niyang sirain ang gabing ito at iyon ang hindi ko hahayaan. Ayaw niya sayo at wala akong pakialam" sabi nito tsaka hinalikan ang noo ko.
"Mahal kita Erroze. Mahal ko kayo ng anak natin" sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.
"Mahal ko kayo ng anak natin. Sobra" sagot nito tsaka inilapat ang kanyang mga labi sa labi ko.
Nilasap ko ang init at sarap ng halik ng asawa ko.
Ang saya, sobrang saya.
May maganda talagang idudulot ang pagiging matiyaga't mapagpakumbaba. Hindi mo kailangang patulan ang taong umapi at tumapak sayo para lang masabing malakas at matapang ka.
Ang pagharap sa kinatatakutan mo ang siyang tunay na katapangan. Yung tipong haharapin mo kahit alam mong ikakadurog at ikakasakit mo.
Yan ang tunay na pagmamahal. Pagtityaga't pagsasakripisyo. Pagpapaubaya't pagpapahalaga.
...The End...
Author's NOTE
guys, alam kong ang iba sa inyo'y naguluhan sa kwentong ito. Ngunit salamat parin dahil mula sa una't huli'y sinoportahan niyo ako. Salamat sa inyong lahat.
Kung matatanong niyo kung ano ang next story ko.
Siguro book 2 na muna ng "Ice fantasy *The Enchanted Kingdom*" muna ang gagawin ko dahil tagal na nilang humihingi ng book 2.
Tsaka ko na gagawan ng book 2 ang "His Slave" pagkatapos.
Again, maraming salamat sa lahat-lahat.
*PrinceCubillan*
anyway... call me baby not Prince :)
