Chapter 16

1.6K 36 0
                                        


Valeen's POV

"Ano kaba naman Valeen, bakit ngayon ko lang alam to?!" galit na saad ni daddy mula sa kabilang linya.

"Dad ano kasi-"

"Damn it Valeen! Hindi ka pwedeng makipag divorce kay Erroze. Babagsak company natin dahil diyan sa katangahan mo!" bulyaw sakin ni daddy. Pigilan mong umiyak Valeen. Hindi ka pwedeng maging mahina lalo na sa harapan ng 'yong ama.

"Isipin mo Valeen. Mag-isip ka! matanda na kami ng mommy mo kaya gusto ko nasa mabuting kalagayan ka! Hindi sa lahat ng bagay gagawa ka ng desisyon na ikakasakit mo para lang diyan sa kaibigan mo! Hindi si Jaya ang importante dito. Kinabukasan mo ang nakasalalay dito ganon na din ang kumpanya. Magmula nang ikasal kayo ni Erroze, mas lalong gumanda ang pamamalakad ng kumpanya. Hindi kaba nasisiyahan doon?!"

Nanatili na lamang akong tahimik kahit nasasaktan. Iyon ba talaga mahalaga sa kanya? ang kumpanya?

at tungkol sa kinabukasan ko, kaya ko naman ah. Kaya kong buhayin ang sarili ko. Kaya ko dahil malaki na ako.

Ang iniisip ko lang naman ay si Jaya. Para ko ng kapatid yon eh. Ang mali ko lang ay umibig ako sa lalaking iniibig din ng matalik kong kaibigan.

Ako ang bida sa kwento ng buhay ko pero bakit ganon? ako itong lumalabas na kontrabida sa love story ng best friend ko?

PAGKATAPOS  kong i check ang pasyenteng na asign para sa akin ay agad akong bumalik sa office ko. Naabutan ko naman si Renzo doon kaya napangiti na lamang ako ng may dala itong pagkalaki-laking tatlong pulang rosas.

"para saan yan?" ngiting tanong ko

"para sa babaeng pinaka paborito ko" ngiting sagot nito tsaka ako kinindatan.

Hindi sa ma issue ako pero feeling ko talaga may ibig sabihin lahat ng kabutihan ni Renzo sakin. Hayy... bakit ba kasi kay Erroze pa tumibok ang puso ko. Pwede naman kay Renzo na palaging nandiyan para sakin.

"para sakin ba?" tanong ko tsaka tumawa.

"mismo" tawang sagot nito. Inabot ko ang bulaklak tsaka ito inamoy at umupo.

"Oh so bakit ka nga naparito?" tanong ko.

"Ipapa check ko sana heartbeat ko" pagkaloko-lokong sagot nito. Suss ano to?

"Naku ikaw Renzo huwag ako pinagloloko mo ha! eh ano naman meron sa heartbeat mo?" ngiting tanong ko

"Bilis ng tibok eh. Lalo pag kasama kita" seryosong saad nito habang nakatitig sa mga mata ko.

"A-ahmm" tanging sagot ko na lamang.

"Valeen...p-pwede ba kita i-date?" utal nitong tanong na ikinataas ng kilay ko

"K-kahit sandali lang. Gusto kasi kitang makasama. Y-yung tayo lang" wala naman sigurong masama kapag papayag ako hindi ba?

Tutal bilang isang matalik na magkaibigan ang turingan namin pumayag na din ako. Nagpunta lang kami sa park at naglakad-lakad

Gusto niya sanang pumunta sa restaurant kaso busog na naman ako sa fishball at kikyam na kinain namin kani-kanina lang.

Heto ako eh, babaeng hindi mapili kahit pa pinalaki ako ni mom at dad na ikinulong sa bahay.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon