Chapter 18

1.6K 44 2
                                    

Valeen's POv

MATUTULOG na sana ako ng mag ring ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha. Number ni manang na katulong ni Erroze ang tumatawag sa akin. Nagtataka man ako pero sinagot ko ito.

"Hello po?"

"Po manang" sagot ko

"Ahm maam si ser po" pauna nito.

"Bakit ano po bang nangyari?" alalang tanong ko

"maam mas mabuti kung puntahan mo na lang po sana dito ngayon" tanging sagot nito.

Huminga na lang ako ng malalim tsaka nagmadaling umalis. Nagdrive na lang ako mag-isa dahil tulog na ang driver ko.

Nang makarating ako dito sa tapat ng gate nila Erroze nang maabutan si manang na naghihintay na para bang balisa kaya mas lalo akong kinabahan.

"manang-"

"maam si ser po" alalang usad nito tsaka binuksan ang gate.

Agad kong binigay kay manong ang susi ng kotse upang siya na bahala habang nagmadali naman akong pumasok ng bahay.

Kita ko ang nagkalat at sira-sirang gamit sa sahig. Ganon na din ang mga katulong na nagtutulungan sa paglilinis. Ang mga tauhan ni Erroze na may hawak na basurahan na lagayan ng mga salamin na nabasag mula sa bintana at pinto.

"maam nasa taas po si ser" usad ni manang.

"ingat lang po dahil madaming basag na salamin ang nagkalat sa sahig" paalala ng mga tauhan ni Erroze.

"Anong nangyari?" tanong ko

"lasing pong umuwi maam tsaka madami pong sugat at pasa. Pilit ko pong ginagamot pero nagwala lang po" sagot ng isa sa katulong dito.

"sige ako na bahala, pakilinis na lang ng mabuti yan. Salamat" sabi ko tsaka umakyat sa taas at tinungo ang kwarto ni Erroze.

Tahimik ito dahil nakaawang ng konti ang pinto kung saan tahimik mula sa loob.

Dahan-dahan ko itong binuksan at bumungad sa akin si Erroze na nakayukong nakaupo sa sahig hawak ang isang bote ng alak. Naluha ako sa hitsura ng asawa ko. Bakit ba siya nagkakaganyan.

Naglakad ako tsaka umupo sa harap niya kasabay ng pagtulo ng luha ko. Miss na miss ko na siya. Napansin niya ako kaya agad itong nagtaas ng tingin.

Sunod-sunod na tumulo ang luha mula sa aking mga mata ng makita ang mukha nitong puno ng pasa.

"Erroze" banggit ko sa pangalan nito ngunit nanatili itong tahimik at sa aking mga mata nakatingin ng diretso

"A-akin na yan. Lasing kana" pangiiba ko ng usapan. Kinuha ko ang bote ng alak tsaka inilagay malayo sa kanya.

"bakit ka nandito?" mahina at humihikbi nitong tanong. Tahimik kong kinuha ang medicine kit sa lamesa tsaka muling umupo sa harap niya.

"Bakit ka umiiyak?" muling tanong nito sa akin habang nililinis ko ang sugat nito.

"Umiiyak ako dahil sa pinaggagawa mo sa sarili mo. Bakit ba nagkakaganyan ka?" hikbing tanong ko.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon