Valeen's POV
DUMATING nga ang gabi ng selebrasyon ng kaarawan ng stepmom ni Erroze at heto ako ngayon. Nag-aayos ng sarili para mamaya.
Kinakabahan ako sa meet namin ng pangalawang asawa ng daddy ni Erroze pero kahit ganon pilit parin akong aattend dahil kailangan. Ayoko din naman mapahiya si Erroze na aattend ng wala ako.
Ilang oras akong nag-ayos dahil lahat ng ayos ng buhok ko hindi ko nagustuhan kaya sa huli nilugay ko na lang ang mahaba at straight kong buhok.
Dark blue off shoulder na hanggang tuhod na nababagay sa kutis and height ko. Kumportable naman ako sa suot ko kaya naman kinuha ko na ang aking bag tsaka inilagay ang wallet, make-up, wipes at iba pang kailangan ko.
Palabas na ako ng kwarto ng masilayan si Erroze na tahimik na nanonood ng tv sa sala kaya bumaba na ako.
Nang pababa ako ng hagdan, atensyon agad ni Erroze ang aking nakuha. Naiilang man ako sa malagkit niyang tingin ay umakto akong normal kahit pa kabang-kaba na ako.
"Kanina kapa?" pambabasag ko ng katahimikan pero hindi ito sumagot bagkus ay ngumiti pa ito lalo.
"Kaya ko naman magpunta doon mag-isa. Hindi moko kailangan sunduin. Isa pa, baka kanina pa naghihintay ang daddy mo don nakakahiya" saad ko.
"Asawa kita, natural na sabay tayo pumunta. Isa pa, alangan naman na pupunta ako doon ng hindi ka kasabay" sagot nito tsaka ibinigay ang braso niya. Ipinulupot ko naman ang kamay ko dito tsaka kami sabay lumabas.
"N-nandun din pala si Jaya" saad ni Erroze habang nasa byahe kami. Napalunok na lang ako na para bang gusto kong parahin tong sasakyan at uuwi na lang ako.
Ayokong maramdaman ni Jaya na naiiba siya habang ako itong pinapakilala ni Erroze bilang asawa niya. Pwede namang ako na lang yung ipakilalang ex niya tapos si Jaya ang asawa niya. Pero hindi eh. At yun ang nakakalungkot.
Dumating kami dito sa malaki at sikat na hotel and restaurant kung saan gaganapin ang kaarawan ng bagong asawa ng dad ni Erroze at kung yayamanin ka nga naman oh.
Lahat na yata ng sikat at mahuhusay na business man/woman ay imbitado. Ako lang ata mahirap dito eh.
"okay ka lang?" tanong ni Erroze sakin habang naglalakad.
Tumango ako kahit hindi naman talaga. Madaming nakipag shake hands na hindi ko kilala kahit sinasabi nilang ninong at ninang ko daw sila dahil sa kasal namin ni Erroze.
Madami din humanga sa ganda ko daw kaya naman todo ngiti itong si Erroze. Madami din kaming kinausap hanggang sa makaharap ko na ang step mom ni Erroze.
Nakipag beso ako dito pero hindi manlang ito ngumiti bagkus ay tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. Napayuko na lang ako sa hiya at kaba na baka hindi kami magiging magkasundo nito.
"Erroze iho" tawag nito kay Erroze habang sa akin parin nakatingin. Napansin ito ni Erroze kaya naman napasalubong ang kilay nito.
"Anong trabaho ng ASAWA MO? anong kaya niyang ipagmalaki?" tanong nito'ng pinagdiinan pa ang salitang 'asawa mo'
"Nag-iisa siyang anak ni mr. and mrs. Cruz, isa sa pinaka mayaman dito sa pinas, canada at Korea. Otherwise, isa din siyang mahusay na doctor o sabihin na nating pinakamataas na doktora sa W.W.E Hospital. May itatanong ka paba?" malamig at mataas na asik ni Erroze. Napangisi naman si Erroze nang natahimik ito.
(watty world hospital)
"Valeen" tawag sakin ni Renzo kasama si Jaya.
"back off!" asik ni Erroze tsaka ako hinila palayo. Ano bang problema na naman ng lalaking ito?
Pambabastos na yon ah. Hinila niya ako dito sa harap kung saan katabi namin ngayon ang kanyang ama na nagsasalita sa mic at nakaharap sa madaming tao.
Nagpalak-pakan ang mga tao nang ipakilala ako sa lahat. Hiya at kaba ang nararamdaman ko pero basta ksama ko ang asawa ko lahat ng iyon naglalaho at napapalitan ng saya at lakas ng loob.
Ilang sandali lang nang ayain ko si Erroze upang matulog na. 12:34 pm na din kasi at ayon kay Erroze 2am daw matatapos ang seremonya para sa mga negosyanteng mga yon.
"pagod kaba?" tanong ni Jaya sakin nang matapos akong maligo.
Hindi ko alam kung paano ito nakapasok sa kwarto namin ni Erroze dahil lahat ng imbitado dito'y may kanya-kanyang room.
wala din si Erroze dito kaya naman laking pagtataka ko kung bakit si Jaya na ngayon ang kasama ko at heto kausap ko pa.
"Siguro nga pagod ka" tawang asik nito. Natahimik lang ako dahil hindi ko din alam kung ano ang isasagot ko.
"Pagod din ako eh. Pagod, nasasaktan, nag-iisa at lahat yon dahil sayo. Dahil sa magulang mong mukhang pera!-"
"Bawiin mo ang sinabi mo!" sigaw ko. Murahin niya ako, huwag lang sabihan ng kung ano-ano tungkol sa magulang ko.
"Bakit?! Hindi ba totoo?! kung hindi nasilaw sa salapi ang daddy mo edi sana walang kasalang nangyari? wala din sanang Erroze at Jaya'ng naghiwalay!" asik nito na ikinahagulgol ko.
sinisisi nga niya talaga ako sa nangyari.
