Chapter 26

1.6K 37 6
                                        

Valeen's POV

KASALUKUYAN kaming kumakain ni Claire dito sa canteen kahit late na. Ako ngayon ang magbabayad since ako naman ang nag-aya.

Nabigla na lang ako nang biglang umupo si Jaya sa tabi ko na nakangiti. Totoo ba ito?

"Hi" bati nito sa akin.

"Hi doc" bati ni Claire habang tahimik lang ako.

"Hello, anyway nagtataka ka siguro Valeen kung bakit nandito ako. Gusto sana kitang i invite sa birthday ni Erroze next week na yon. Since maayos na kami, wala na ding dahilan para magalit pa ako sayo. Punta ka ha? boracay tayo" ngiting sabi nito.

Napalunok na lang ako. Maayos na sila? ibig sabihin may relasyon na sila ulit? masakit. Ang sakit pero pipilitin ko na lang maging masaya dahil nakita ko na muli ang ngiti sa labi ni Jaya.

"Kasama ba ako diyan doc?" ngiting tanong ni Claire. Hindi manlang ako makaimik dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kung papayag ba ako o hindi dahil masasaktan lang ako.

Isa pa birthday yon ni Erroze. Panigurado akong nandoon din si mr. Valdez at si daddy ganon na din ang mga business partners nila. Tatanggi ba ako? paano na lang ang mga bagay na iniiwasan ko?

"H-hindi ako pwede eh. Pasensiya kana-"

"Huwag kang mag-alala. Sabi ni Erroze tayo-tayo lang. Wala ang daddy niya at nang daddy mo. Alam ko naman ang nasa isip mo kaya okay lang. Niyaya ko na din si Renzo para may kasama ka" ngiting sabi nito.

Sapilitan nalang akong tumango habang patuloy na kinakabahan. Anong pwedeng mangyari kung sakali?

ISANG linggo na ang nakalipas at heto na kami ni Renzo. Nakasakay sa iisang kotse habang nasa likod naman si Claire kasama ang iba pang nurse na nagiging kaibigan ko n din. Sila Vain at Mori.

"Saan na daw sila doc Jaya mr. Valdez?" kilig na tanong ni Claire na halatang may gusto kay Renzo.

"Nauna na daw sila. Tsaka tawagin mo na lang ako sa pangalan ko" ngiting sagot ni Renzo. Napatili na lang si Claire kaya napatawa kami.

"Okay ka lang?" malambing na tanong ni Renzo sa akin. Tumango ako kahit hindi naman talaga ako okay. Kinakabahan ako na para bang gusto ko ng mag back out.

Ilang oras ang byahe at gabi na nang makarating kami dito. Magkakasama kami ngayon sa iisang kwarto na pina reserve daw ni Erroze para sa aming lahat. Napakaluwang ng room na ito kung saan may tatlong maluluwang na kama para sa tatlong tao.

"Hayy nakakapagod ang byahe" sabi ni Mori sabay balibag ng katawan sa kama.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko kay Renzo na hindi umaalis sa tabi ko. Napatingin naman ako kay Erroze na nahuli kong nakatitig sa akin. Kumindat ito pero agad akong nag-iwas ng tingin.

"Ito ang gusto ni Erroze. Ewan ko ba diyan kung bakit lahat tayo dito samantalang napakaraming room dito." sagot nito. Napatango na lang ako.

"Pagod kaba?" malambing na tanong ni Renzo sabay hawak sa kamay ko. Nakikita ko si Erroze sa gilid ng mga mata ko na sa akin parin nakatingin at para hindi makahalata si Jaya ay ngumiti ako kay Renzo tsaka umiling.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon