Chapter 1

5.1K 52 1
                                    

Valeen's POV

"Dad ayoko, please mom pigilan mo siya" pagmamakaawa ko kay mommy tsaka pinunasan ang luha sa aking mga mata.

"Matanda na ako Valeen, bilang na lang ang araw ko dito sa mundo kaya gusto kong makita kung sino ang lalaking pakakasalan mo!" galit na sigaw sa akin ni daddy. Napaupo na lang ako sa sahig tsaka umiyak.

"Hayaan niyo naman po sana ako na pumili kung sino ang pakakasalan ko-"

"Huwag ng matigas ang ulo Valeen! Ayaw kitang saktan kaya kung ako sayo sumunod ka sa sasabihin ko! Pakakasalan mo si Erroze at yun ang masusunod!" muling sigaw ni daddy tsaka ako tuluyang iniwan.

"Anak" tawag sakin ni mommy tsaka ako inalalayang tumayo mula sa sahig.

"Mommy, boyfriend ng kaibigan ko si Erroze at siguradong magagalit sa akin si Jaya kapag nalaman niya to. Please mommy pigilan mo si daddy" pagmamakaawa ko kay mommy. Niyakap na lang ako ni mommy habang hinahaplos ang aking buhok.

"Gustuhin ko man anak wala akong magagawa, desisyon ito ng daddy mo" sagot nito na ikinakirot ng puso ko.

"Mom please. Ayokong magalit sakin si Jaya" saad ko habang umiiyak.

Matalik kong kaibigan si Jaya, ayoko na ng dahil sa kalokohang ito mawawala lahat ng pinagsamahan namin.

Apat na taon na sila ni Erroze ngunit nasa ibang bansa si Jaya dahil sa pag-aaral niya. At ngayon, malalaman ko na lang na si Erroze na ang mapapangasawa ko? Na mismong kasintahan ng kaibigan ko?

Ni hindi manlang ako binigyan ng chance para pumili ng lalaking pakakasalan ko. Sa dinami-dami ng babae sa mundo bakit pa ako?!

Nagkulong lang ako dito sa kwarto maghapon. Ayokong lumabas at mas lalong ayokong makita si daddy habang kausap ang ama ni Erroze tungkol sa nalalapit naming kasal.

Gusto kong tumakas pero mahal ko si daddy, lahat ng utos niya sinusunod ko. Maski kursong gusto ko isinantabi ko para lang sundin ang gusto niya.

Pagiging guro ang gusto ko ngunit doctor ang nais niya kaya kahit labag sa kalooban ko sinunod ko ang gusto niya dahil sa pagmamahal ko sakanya.

Noong nag-aaral ako, siya parin ang nasunod sa university na papasukan ko and until now? Siya padin ang nagdedesisyon para sa lalaking pakakasalan ko.

Nakakasama siya ng loob. Anak niya ako, hindi alila na kung anong gugustuhin niya'y yun dapat ang masusunod. Hindi ko maiwasang hindi maiyak habang naaalala ko si Jaya.

Paano na lang kami ng kaibigan ko, ano na lang mangyayari sa amin?

"Valeen anak?" tawag sa akin ni mommy mula sa labas ng pinto. Lumingon ako ngunit agad ko din inihiga ang ulo ko at hinayaan siyang katukin ang pinto ng kwarto ko.

"Tawag ka ng daddy mo. Gusto ka daw makilala ni mr. Valdez" saad nito ngunit nanatili akong tahimik.

"Valeen anak tulog kaba?" muli nitong tanong.

Ano bang dapat kong gawin nang mapigilan naman ang pesteng kasal na ito? Ayoko nito. Isa itong malaking kalokohan!

"Valeen open the door! Nakakahiya na kay mr. Valdez kanina pa siya naghihintay sa sala" mataas na boses ni daddy. Galit siya dahil sa kahihiyan?

Eh ako? Galit din naman ako dahil sa hiya sa mismong kaibigan ko.

"Valeen buksan mo ang pinto!" galit na sigaw ni daddy sabay suntok sa pinto. Sa takot ko ay agad akong tumayo at inayos ang sarili ko tsaka binuksan ang pinto.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon