Valeen's POVNAGISING ako na halos puti ang nakikita ko. Nasaan ako? Napalinga-linga ako sa piligid tsaka napag tantong nasa hospital pala ako. Napansin ko din ang lalaking nakahawak sa kamay ko habang payapang natutulog.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si mommy na pulang-pula ang mata na animo'y kagagaling sa pag-iyak. Agad ako nitong napansin kaya agad napaluha tsaka lumapit sa akin.
"Salamat anak at gising kana, akala ko mawawala kana sa akin" hagulgol ni mommy, bigla namang napaangat ng tingin ang lalaking nakahawak sa kamay ko. Namangha ako sa kagwapuhan ng lalaking ito pero sino ba siya?
"Valeen!" tawag nito sa akin tsaka ako agad hinalikan sa noo pababa sa dulo ng ilong ko. Hahalikan sana ako sa aking labi ngunit agad akong umiwas. Sino ba to? Hindi porket gwapo siya ay papayag akong magpahalik kanino man.
"Sino ka?" tanong ko. Agad itong nabigla sa tanong ko, anong problema sa tanong ko?
"H-hindi mo ba ako nakikila?" nagtatakang tanong nito. Umiling ako tsaka tumingin kay mommy na halata din ang pagkabigla.
"Hindi eh, sino kaba?" tanong ko.
"Anak, siya si Erroze. Ang asawa mo" sulpot ni daddy galing sa labas. Napataas naman ako ng kilay tsaka napatawa.
"Dad ano bang sinasabi mo? Ni hindi ko nga alam kung bakit nandito ako sa hospital tapos bigla nalang sasabihin niyong may asawa na ako?" natatawang tanong ko, tahimik lang ang lalaki sa harap ko habang seryosong nakatingin sa akin.
"Anong nangyayari, t-tumawag ka ng doctor" utos ni mommy kay dad na agad naman ginawa ni daddy.
"Pansamantala po ang pagkawala ng memorya niyo doc dahil sa lakas ng pagkabangga niyo at hindi naman po ito magtatagal" pauna ng doctor sa akin tsaka itinuloy ang kanyang sasabihin.
Tama ba ang naririnig ko? Naaksidente ako? Nabangga? May asawa ako? Kailan pa ako ikinasal? Tatlong linggo na akong tulog? At yung lalaking sinasabi nila'y si Erroze Valdez na sikat bilang isang milyonaryong tao dito sa bansa?
Nananaginip ba ako? Siya ang asawa ko? Kailan niya pa ako niligawan?
"Okay ka lang ba babe?" malambing na tanong ni Erroze sakin habang nagbabalat ng mansanas para sakin.
"Oo naman" sagot ko tsaka nakatitig sa labi nitong manipis at pagkapula-pula.
Sa histura palang napaka swerte ko na sa naging asawa ko at mukhang caring naman siya kaya siguro maayos ang kalagayan ko noong boyfriend ko palang siya hanggang ngayong mag-asawa na kami.
"Heto, dahan-dahan" usad nito tsaka iniabot sa akin ang nabalatan niyang mansanas.
Inabot ko ito tsaka kinain habang siya nakatitig sa akin, nailang ako kaya napatanong na lamang ako ng wala sa oras.
"A-ahm kailan pala tayo ikinasal?" tanong ko,
"3 weeks na nakalipas" sagot nito ng sa akin nakatingin. Bakit ba ang lagkit ng tingin nito? Ganyan ba siya dati?
"Ah ganon? E-ehh k-kailan pa naging tayo?" tanong ko, agad naman itong napahagikgik. Dagdag kapogihan uy!
"Hindi naging tayo babe. A.M tayo dahil gusto ka ng daddy ko para sakin, bukod sa kabaitan mo'y napakaganda at sexy mo pa" pauna nito na ikinapula ng mukha ko. Agad naman akong napatawa ng mahina, bolero.
"Eh saan tayo nagkakilala?" tanong kong muli, sana naman hindi makulitan to.
"Nagkakilala tayo sa inuman with Jaya ang her friends sa bar?" sagot nito,
"Ahh so kilala mo si Jaya" nagagalak kong tanong,
"Y-yeah" utal nitong sagot.
"Eh paano tayo ikinasal? Teka pwede ba magkwento ka tungkol satin?" tanong ko. Napalunok naman ito tsaka umiwas ng tingin.
"Bakit? M-may mali ba sa tanong ko?" tanong ko sa kanya.
"A-ah wala. Ahm mula nung nakita ka ni dad sa picture palang humanga na siya sa kagandahang taglay mo, dagdag pa doon ang pagkakaibigan ng daddy ko at daddy mo, natanong niya sa akin kung pasado kana daw ba sa taste ko kaya agad akong tumango. Sa ganda ba naman ng asawa ko" ngiting paliwanag nito.
"P-pero may malaki akong pagkakamali na hanggang ngayong asawa na kita pinagsisihan ko pa" usad nito, nanatili akong tahimik at naghintay ng susunod niyang sasabihin.
"Nung una Valeen...a-ahmm. Hindi naman kita gusto nung una dahil pagmamay-ari ng ibang ang puso ko. Pero sa bawat araw na lumipas na magkasama tayo, natuto akong ngumiti at sumaya dahil sayo. Yung tawa na dulot ng totoong saya?" usad nito.
"Bakit? Bakit mo ako pinakasalan kung hindi mo ako gusto?" tanong ko, hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa oras na ito.
"Magagalit kaba sa akin kapag sinabi ko?" tanong nito habang nakatitig sa mga mata ko.
"Siguro, pero pipilitin kong intindihin" tapat kong sagot.
"K-kasi... Kasi kung pakakasalan kita sa akin mapupunta ang mana. Ang naglalakihang kumpanya, nagsisikatang restaurant, naglalawakang hasyenda at milyon-milyong pera. Pagkatapos ng kasal iiwan kita at babalik sa babaeng mahal ko Pero hindi yon ang nangyari babe" paliwanag nito.
"Nakikita ko na lang ang sarili kong selos na selos kapag may kausap kang ibang lalaki. Kahit gago ako, matapang at walang sinasanto ikaw palang ang unang babaeng iniyakan ko" usad nito habang nakayuko.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Nung sinabi mong magdidivorse tayo after ko makuha ang mana ko nasaktan ako ng husto. Iyon ang plano ko dati pero hindi ko namalayan na ayaw na pala kitang pakawalan at makitang hawak ng iba" sagot nito. Nanatili akong tahimik tsaka nakikinig.
"Habang inaantay ang kasal natin in a relationship ako sa iba, pero nagdaan ang araw nakalimutan kong may girlfriend ako dahil sayo. Nakakalimutan siya kapag kasama kita. At kagaya nga ng nasabi ko kanina, iba yung saya kapag ikaw na ang kasama ko" usad nito tsaka diretsong nakatingin sa mga mata ko.
"Mahal kita Valeen. Hindi ko alam kung kailan pa. Ang alam ko lang, ang nararamdaman kong ito ay matatawag kong Unexpected Love. Hindi ko in-expect na mamahalin kita ngayon ng higit sa buhay ko. Umaasa akong mamahalin mo din ako" usad nito tsaka pinunasan ang luha sa kanyang mga mata.
Chadaaannn! Oh ayan tapos na naman heheh, nextime ulet! Paki-intindi na lang po kung may mali-mali kasi sobrang antok na ako. Thank you po Muuuaappsss
