Valeen's POV
KINABUKASAN
kinakabahan ako habang naghihintay dito sa loob ng office ko. Hinihintay ko ang pagdating ni mommy.
Hindi ko alam ang posibleng pwedeng mangyari. Pabalik-balik, palakad-lakad at pigil hininga lang ang nagagawa ko sa oras na ito. Paano kung niloko lang ako tapos kasama pala ni mom si dad?
Napatigil ako nang may kumatok sa pinto ng office ko. Maaring si mommy na yan kasama si daddy.
"C-come in" takot kong usad sa kumatok. Dahan-dahang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang ina ko.
Sandali kaming nagkatitigan. Bigla na lang nanggilid ang luha sa kanyang mga mata kasama ng pagkasabik sa kanyang mga mata.
"Valeen anak ko" sabi nito tsaka isinarado ang pinto't naglakad palapit sa akin. Niyakap ako nito ng mahigpit tsaka napaluhod habang yakap parin ang bewang ko.
"M-mom ano pong ginagawa niyo?" tanong ko tsaka pilit pinatayo.
Pinaupo ko ito sa sofa tsaka hinayaan siyang umiyak at yakapin ako. Nasasaktan ako para sa ina ko. Pero wala akong magagawa kung kailangang humantong sa ganito.
"M-makipag ayos kana sa daddy mo please anak ko. Hindi ako masaya sa nangyayari sa pamilya natin. Hindi ito ang gusto ko para sa inyo ng daddy mo lalo na ikaw na nag-iisang anak ko. Mahal na mahal ko kayo ng ama mo" umiiyak nitong sabi sa akin.
"Mom gustuhin ko sana kaso po hindi pwede. Nasasakal na ako, palagi niya akong kinokontrol na gawin ang mga bagay na labag sa kalooban ko. Mom sa tingin ko tama na yun. Im sorry mom, pero hindi ko na kaya. Ang sakit-sakit na" sagot ko tsaka pinigil ang luha sa mga mata ko. Ayoko ng umiyak.
"Pero anak-"
"mom"
"Pwede tayong magkita ano mang araw. Darating din ang araw na magkakaayos kami ni dad. Mahal ko si daddy, at kahit hindi kami maayos sa ngayon ay siya parin ang pipiliin ko kahit sa kabilang buhay. Utang ko sa inyo ang buhay ko" sabi ko.
Ilang oras pa kaming nagkwentuhan ni mommy hanggang sa kailangan niya ng umuwi tsaka mayroon na din akong pasyenteng kailangang asikasuhin.
Pagkatapos kong icheck ang pasyente ay nakasalubong ko si Erroze sa malapit sa pinto ng office ko. Nakangiti ito habang nakatingin sa mga mata ko.
Nang lumapit ako'y mabilis akong hinila at ipinasok sa office ko sabay lock ng pinto. Ikinulong sa mga braso nito habang nakasandal sa pinto.
"Makita ka ni Jaya" sabi ko habang sa ibang direksyon nakatingin. Nagseselos kasi ako pero wala akong magawa.
"Ikaw nga diyan ang may payakap-yakap pang nalalaman eh. Bakit kaba niyayakap ng kapatid ko?" tanong nito na halata ang pagkainis. Napangiti ako. Kahit kailan talaga ang gwapo ng lalaking to.
"Selos ka?" pang-aasar ko.
"Ano sa tingin mo?" pagsusungit nito.
"Ikaw nga diyan hatid sundo si Jaya. Kaya same lang tayo-"
"Madali naman akong kausap mahal ko eh. Hatid sundo kita-"
Ipapahamak pa ako ng lalaking to.
"Wala akong sinabi. Ipapahamak mo pa ako" sabi ko tsaka akmang aalis sa pagitan ng mga braso nito ng pigilan niya ako.
"Uupo lang ako-" sabi ko
"Dito kana muna" sagot nito
"Bakit eh uupo nga ako" tanong ko.
"Gusto ko to'. Yung malapit tayo sa isa't isa. Kung saan mas lalo kong natititigan ang mukha mong napakaganda" biro nito na ikinangiti ko.
"Huwag mo akong bolahin, Erroze" sabi ko pero matamis ang ngiti't malagkit ang titig nito sa mga labi ko.
"Ang ganda mo lalo kapag ngumingiti ka mahal ko" paglalambing nito. Heto na naman ang puso kong gusto ng kumawala sa dibdib ko sa bilis ng tibok nito.
Nakatitig lang ito sa mga labi ko ng dahan-dahan itong palapit sa mukha ko. Napapikit na lang ako hanggang sa maramdaman ko ang mainit at malambot niyang labi na dumampi sa mga labi ko.
Malakas na kuryente sa buong katauhan ko at mabilis na tibok ng puso ko ang nararamdaman ko. Bumitaw ito sa halik tsaka muling bumalik tsaka ipinasok ang dila sa bibig ko.
Napapulupot nalang ako ng braso sa leeg nito tsaka lumaban sa mainit na halikan. Kapwa kami hinihingal nang mapabitaw kami sa isa't isa. Sandali itong tumingin sa akin tsaka ngumiti.
"Mahal kita" sabi nito tsaka muling idinampi ang kanyang labi sa mga labi ko.
"Mahal kita" muling sabi nito tsaka ako muling hinalikan.
Ni hindi manlang ako pinapasagot at patuloy siya sa ginagawa niya.
"Mahal na mahal kita asawa ko" sabi niya sakin tsaka hinalikan ng matagal ang mga labi ko.
"Mahal na mahal din kita" sagot ko na ikinangiti niya.
"Balik kana kay Jaya. Baka dumating siya wala ka doon" sabi ko pero lumungkot lang ang mukha nito kaya sandali kong hinalikan
"Okay lang. Naiintindihan ko. I love you" sabi ko tsaka binuksan ang pinto para sa kanya. Muli itong humirit ng halik tsaka ako kinindatan sabay ngiti at lakad palabas. Nang sundan ko siya ng tingin ay muli ako nitong binigyan ng tatlong flying kiss na ang ibig sabihin I Love You.
Nang isarado ko ang pinto napatili na lang ako sa kilig at saya. Siguro nga tama si Erroze. Panahon na para sarili ko naman ang unahin ko't hindi palaging ibang tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/212895748-288-k368999.jpg)