Chapter 10

1.7K 43 4
                                        

Author's NOTE:

HINDI KO KASI ALAM KUNG PAANO I DESCRIBE YUNG MAGIGING WEDDING GOWN NI VALEEN SO ITO NA LANG. HINDI AKO MAGALING MAGDESCRIBE NG DESIGN NG GOWN AT PARA HINDI KAYO MALITO IPAPAKITA KO NA LANG KUNG ANO TO, NYAHAHAHA! LOVE YOU ALL!


Valeen's POV

DUMATING nga ang araw ng kasal. Lahat ay masaya maliban sa akin na kung kaya kong ibalik ang kahapon matagal ko ng ginawa. Wala akong ideya kung anong mangyayari sa araw na ito.

"Masayang-masaya ako para sayo anak" naluluhang usad ni mommy tsaka ako niyakap.

Masaya ako dahil ikakasal ako sa lalaking mahal na mahal ko pero nasasaktan din dahil yung lalaking yon ay pagmamay-ari ng mismong kaibigan ko.

Paano na lamang kung aattend siya? Paano na lamang kung ipahiya niya ako? Sumbatan?

"Tara?" tanong ni mom tsaka ako hinawakan sa braso at inantay ang pagbukas ng pinto ng simbahan. Hindi ko alam kung sino-sinong mga tao ang nasa loob at sigurado akong nasa loob din si Jaya.

"Mom" tanging sambit ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Agad itong pinunasan ni mommy tsaka ako hinalikan sa mukha.

"Magiging okay din ang lahat anak. Wala kang kasalanan, desisyon ito ng ama ni Erroze kaya hindi ikaw ang dapat sisihin ni Jaya" saad nito.

Napabuntong hininga na lang ako tsaka naglakad. Agad naman akong sinalubong ni daddy tsaka dahan-dahang naglalakad patungong altar.

Napapaiyak na lang ako sa bawat hakbang ng aking mga paa. Gusto kong umatras pero natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakatayo sa harap ni Erroze na naluluhang nakangiti at nakatitig sa akin.

Agad itong yumakap kila mommy at daddy tsaka inabot ang aking kamay at hinalikan sa likod nito. Dahan-dahan niya akong hinila palapit sa upuan sa harap ng altar.

Nagsimula ang serimonyang puno ng kaba at takot na baka biglang sumulpot si Jaya.

"Maari mo ng halikan ang iyong asawa" utos ng pari. Hinawakan ni Erroze ang aking mukha tsaka tinitigan sa mata pababa sa labi.

Pumikit ito tsaka ako dahan-dahang hinalikan kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso.

Matapos ang mahabang seremonya at palabas na kami ngayon ng simbahan kasama si Erroze at ang aming magulang.

Napakalaki naman kasi ng gown na suot ko kaya heto hirap na hirap ako sa paglalakad. Napatingin ako sa harap kung saan nag hihintay ang isang mamahalin at magarang sasakyan para samin, para sa aming honeymoon.

Binuksan ni Erroze ang pinto para sakin ngunit isang malakas at mahigpit na paghawak ng tao sa aking braso. Agad akong napatingin at kinabahan na agad ding napaiyak.

Isang malutong na sampal at mura ang natanggap ko galing kay Jaya.

"Ang landi mo, mang-aagaw! Kaibigan kita Valeen!" umiiyak at galit nitong sigaw sa akin tsaka ako muling sinampal. Agad namang pumagitna si Erroze tsaka ako niyakap nang gusto akong muling saktan ni Jaya.

"Jaya ano ba?!".suway ni Erroze.

"Ano? Naglalandian kayo habang wala ako? Paano niyo nagawa sakin to?" galit at iyak niyang tanong.

Hindi ako halos makapagsalita dahil sa takot, kaba at hiya dahil sa tinginan ng mga tao.

"Jaya tumigil kana. Walang kasalanan ang anak ko, desisyon ko to" sulpot ni daddy.

"Jaya sa bahay na lang tayo mag-uusap" Erroze.

"Jaya-" tawag ko sa kanya ngunit

"Huwag mo akong kausapin! Simula pa lang nung una alam ko ng may gusto ka sa boyfriend ko. Kunwari kapang ayaw mokong umalis ng bansa pero sa loob-loobin mo gustong-gusto mo nang makapagsolo kayo ng boyfriend ko? Ang lakas ng loob mo!" iyak nitong sigaw.

"Jaya magpapaliwanag ako-"

"Ano pabang ipapaliwanag mo? At kayo" turo nito sa magulang ko.

"Salamat ha? Salamat sa pagturing sa akin bilang isang anak. Tatanawin ko ito bilang isang UTANG NA LOOB sa inyo pero wait, siguro naman bayad na ako no? Sa sakit ba naman ng ginawa niyo?" baling niya sa magulang ko.

"Jaya ano ba? Nag eeskandalo kana dito, umuwi kana" singhal ni Erroze.

"Wow ha? So ano? Legal na kayong mag-asawa? At ako? Ako na ang lumalabas na kabit? A-ang saya" hagulgol nitong saad tsaka tumakbo paalis.

"Jaya" tawag ko sa kanya tsaka siya sinundan.

"Valeen!" tawag nila sa akin ngunit hindi ako nakinig at hinabol si Jaya.

Wala akong pakialam sa bigat at laki ng gown na suot ko ang importane ay makapag explain ako kay Jaya.

"Jaya magpapaliwanag ako" hagulgol kong usad sa kanya ngunit hindi ako pinakinggan.

Tumakbo ito patawid kaya sinundan ko. Napatigil na lang ako at nabato nang isang malakas na busina ng sasakyan ang palapit sa akin.

Wala akong ibang maramdaman at nakikita kundi ang kalangitan kasabay ng hiyawan ng mga tao.

"Valeen!/ anak!" huling rinig ko tsaka tuluyang nagdilim ang aking paningin.

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon