Valeen's POV
WALA na akong nagawa kundi ang sumama kay Erroze. Napaka seloso talaga ng lalaking to. Kahit pa kapatid pinagseselosan. 8:30 na nang makarating kami sa office dahil tinakpan ko pa ng make-up ang mga galos at gasgas sa mukha ko.
Sa gwapo ng asawa ko ayoko naman yata na mag mukhang katulong niya habang magkasama kami diba? Nag suot lang ako ng long sleeve white dress para na din hindi makita ang mga galos sa braso ko at mabuti na lamang walang galos sa binti ko.
"Late na tayo" usad ko habang hawak nito ang bewang ko at magkasabay na naglalakad patungong office ni Erroze.
"Okay lang mahal. Wala naman akong meeting ngayon" malambing na sagot nito. Napatango na lang ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko,
"Oh Renzo, anong ginagawa mo dito?" ngiting tanong ko tsaka inantay na makalapit ito sa amin.
"Wala, Lalo ka atang gumaganda ngayon" papuri nito sakin kaya napatawa ako, sa galing ba naman mag alaga ni Erroze.
"Dati na" sabat ni Erroze na halata ang pagkairita,
"Tsaka ano bang ginagawa mo dito? May sarili kang kumpanya naligaw ka yata dito? O sinadya mo dahil may gusto kang makita?" diretsong tanong nito.
"Paano kung oo? May gusto akong makita? Gustong makasama?" pang-aasar ni Renzo. Isa din talaga tong si Renzo, alam nang naiinis yung kapatid niya ganyan pa siya.
"A-ahm Erroze tara na sa office mo. Baka madami ka pang gagawin" pangiiba ko ng usapan para na din makaiwas sa ano mang pwedeng mangyari.
"Ito ang tatandaan mo. Akin si Valeen, isaksak mo diyan sa kokote mo gago!" galit na usad ni Erroze habang nakangisi naman itong si Renzo. ,
"Pasensiya kana ah? Sige mauuna na kami" paalam ko tsaka hinila si Erroze.
Nang makarating kami sa loob ng office agad itong padabog na isinara ang pinto tsaka ako isinandal dito.
"Ayoko sabi ng nakikipag ngitian ka dun! Sa akin ka lang ngingiti" seryoso at galit na mukha ni Erroze ang nakikita ko ngayon, hindi naman ako takot bagkus ay napapangiti na lang ako ng parang tanga.
Mas lalong gumagwapo ang asawa ko sa inaasta nito. Na para bang isang batang takot maagawan ng candy. Napataas ang kilay nito habang nakatingin sa mga mata ko.
"Ngiti-ngiti ka diyan" sabi nito kasabay ng pagkalma ng galit nitong mukha.
"Ang cute mo kasi mag selos" sagot ko tsaka napahagikgik. Napangiti naman ito ng matamis.
"Pwede ba mahal ko? Pag galit ako huwag kang ngingiti diyan" sabi nito.
"Oh eh bakit naman?"
"Mas lalo akong nahuhulog sayo" sagot nito habang matamis na nakatitig sa mga labi ko. Napalunok na lang ako nang mabilis niya akong halikan. Ibinaba niya ang halik sa leeg ko kasabay ng malakas na pag katok sa pinto.
"Bulshit!" mahinang mura nito tsaka humiwalay sa halikan namin. Mabilis kong inayos ang sarili ko tsaka bubuksan sana ang pinto nang mapansin ang bahid ng lipstick sa labi ni Erroze.
"Punasan mo nga yan" ngiting utos ko na agad niya naman ginawa.
"Ahm good morning sir. May biglaang meeting po tayo with mr. Valtolibio ngayon na po-ah g-good morning po maam. Sorry po hindi kita napansin, n-nagmamadali po kasi ako" baling ng babae sa akin, secretary ata ni Erroze. Ngumiti lang ako tsaka bumati pabalik.
Maayos na nagpaalam si Erroze at nang sekretarya niya kaya naman naiwan ako mag-isa dito sa opisina. Payapa akong nakaupo habang nagbabasa text messages ni mommy nang biglang bumukas ang pinto.
Agad akong napatingin dito na dahilan ng pagkagulat at pagkakaba ko. Si Jaya, nakangisi ito habang matalim ang tingin sa akin.
"J-jaya" tawag ko sa pangalan niya. Inirapan lang ako tsaka dahan-dahang lumapit sa akin.
"Okay kana pala ngayon matalik kong kaibigan" halata ang pangigigil ni Jaya sa bawat tono ng kanyang pananalita.
"O-oo n-naman. O-okay na ako" utal kong sagot. Bigla ko na lamang naalala ang mga pinagsasabi niya sa akin noon na hindi ko manlang alam kung bakit galit na galit sakin itong si Jaya.
"Eh kamusta ang pagiging MRS. VALDEZ?" mariing tanong nito. Bakit ba kasi ganyan siya? Ano bang kasalanan ko?
"M-maayos naman. I-ikaw kamusta ka?" balik tanong ko dito. Muli itong ngumisi tsaka nagsalita.
"Okay na okay ako huwag kang mag-alala. Oh, muntikan ko nang makalimutan, sigurado akong nagtataka ka kung bakit ako nandito diba? Simple lang, may private meeting lang ako with mr. Valdez kaso ikaw itong naabutan ko kaya siguro next time na lang. Kapag wala kana" usad nito, napayuko na lamang ako.
"Sige, aalis na ako" paalam nito na agad ko namang pinigilan.
"Sandali" saad ko. Napatigil ito tsaka humarap sa akin.
"Jaya, p-pwede ba kitang makausap? K-kahit sandali lang?" tanong ko.
"Sorry, pumunta lang ako dito para kay Erroze at hindi para sayo. Siguro next time na lang tayo mag-usap. Yung free time ako, masyado kasi akong busy para sayangin ang oras ko sa pakikipag-usap sayo" diretso at mataray nitong sagot.
Tumango na lang ako habang nakayuko, nasasaktan ako dahil pakiramdam ko galit siya sa akin. Posible kayang may malala kaming away bago ako nawalan ng alaala. Matanong nga kay Erroze mamaya.
HAPON na nang makauwi kami na puro kulitan sa byahe. Gusto ko lang ilibang ang sarili ko habang kausap ang taong mahal ko. Pero kahit ganon, hindi parin maalis-alis si Jaya sa isipan ko.
"A-ahm Erroze" tawag ko sa kanya habang magkayakap kaming nakahiga sa spongebob bed.
"Hmm?" Erroze habang nakapikit.
"Bakit ganon na lamang ang galit ni Jaya sa akin. May nagawa ba akong kasalanan sa kanya bago ako nawalan ng alaala?" tanong ko na ikinalunok niya dahil kita ko pa ang paggalaw ng adams apple nito.
"K-kung ano man yon mahal ko. Darating din ang araw na malalaman mo ang lahat, hindi pa ngayon dahil gusto ko palagi kang masaya. Yung walang problemang dala-dala. Kapag magaling kana, lahat ng tanong diyan sa isipan mo mabibigyan ng kasagutan" paliwanag nito, hindi na ako umimik at tsaka tumango
