Valeen's POV
ISANG linggo lang ang nakalipas at agad naman akong nakalabas. Kahit papano'y maayos naman ang pag-aalaga ni Erroze sakin habang ang magulang ko'y umuwing Canada dahil madami pa daw sila kailangang asikasuhin about sa company ni dad.
Dito kami sa bahay ni Erroze dumiretso dahil sabi niya dito daw kami tumira noon. Maayos naman ang pagsasama namin ni Erroze ayon lang at hindi parin mawala ang hiya ko kapag may pagkakataong nahuhuli ko siyang nakangiting nakatitig sakin kahit pa asawa ko na siya.
Napaka buti niyang asawa. Mayroon lang isang bagay na hindi ko maintindihan kung bakit blinock ako ni Jaya. Nung nasa hospital palang ako, binuksan ko ang messenger ko para batiin sana siya dahil kaarawan niyang nung araw na iyon at nagtaka na lang ako dahil sa mga nabasa kong masasakit na salita galing sa kanya.
Pagkatapos nun ay blocked na ako sa kanya, nasaktan ako pero hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lamang ang galit niya sa akin na halos isumpa niya na ako na sana daw mamatay ang magiging anak namin ni Erroze.
Minsan natatanong ko si Erroze kung anong buong kwento pero iniiba niya lang ang usapan kaya hindi na ako nangulit. Baka kasi iyon pa ang magiging dahilan ng away namin.
"Okay lang ba asawa ko?" malambing na tanong ni Erroze tsaka ako niyakap ng mahigpit.
"Oo naman. Sino sila?" tanong ko sa kanya. Tinutukoy ko ang mga lalaking nasa sofa na nakikita mula dito sa kusina.
"Ahm friends?" sagot nito. Tumango na lamang ako tsaka kumalas ng yakap at umupo.
"Manang pasuyo naman po ng medicine kit" saad ko. Inabot ko naman ang salamin na nasa gilid tsaka pinagmasdan ang mga galos sa mukha at mga braso ko.
Dinig ko ang paghinga ni Erroze ng malalim tsaka umupo sa tabi ko sabay hawak sa braso kong may gasgas.
"Sana ako na lang" malungkot na usad nito.
"Ano kaba, okay lang yan" pagkatapos kuhanin ni manang ang iniutos ko'y maayos niya itong inilapag sa harapan ko. Bubuksan kona sana upang linisin ang sugat ko'y agad itong hinawakan ni Erroze.
"Ako na kaya ko naman" sabi ko.
"Hmm, alam kong isang maganda't mahusay na doctor ang asawa ko pero mas mahusay ata ako" sagot nito sabay hagikgik. Napatawa na lamang ako tsaka hinayaan siya. Mula nang makauwi kami, siya na tumayong doctor ko.
Na maski pag-ihi ko sa gabi kailangan gisingin ko daw siya para alalayan ako. Kung tutuusin kaya ko naman dahil hindi ako baldado kaso mapilit siya kaya kapag iihi ako nasa harapan ko siya.
Nung una nahihiya ako kaso sabi niya huwag na daw ako mahiya dahil pagkagaling ko makikita niya na daw lahat sa akin sabay hagikgik na parang bata ang tarantado. Hanggang sa nasanay na din ako.
"A-ahm Erroze" bigla kong tawag sa pangalan niya.
"Hmm?" malambing niyang sagot.
"May nangyari na ba sa atin?" maski ako nagulat sa tanong ko. Napakurap-kurap na lang ako nang marinig ang sariling tanong ko.
Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis tsaka ako kinindatan, agad akong namula tsaka umiwas ng tingin. Ano bang klaseng tanong yan! Syempre oo, asawa niya ako ano pa bang inaasahan ko?
