Chapter 12: Pawn Promotion
NGAYONG ARAW ay nakakita na naman kami ng mga chess boards sa ibabaw ng mesa. Wala pa si Ms. Paz kaya agad kaming umupo sa aming mga upuan.
Pasiring akong tiningnan ni Lori. Siguro gusto niyang magsungit kaso nandito ang mga boys kaya iyan lang ang nagawa niya. Wala pala siya, eh.
Mayamaya ay dumating na si Ms. Paz dala ang isang maliit na kahon.
"Good morning," bati n'ya agad sa amin at tumugon naman kami. "Gaya no'ng nakaraang araw, maglalaro na naman kayo ng chess," sabi n'ya. "And please... treat each other as your team. Hindi kalaban." pagkasaad niya no'n ay bahagya niyang tiningnan si Lori na ngayon ay naka-smirk habang naka-crossed arms.
Lumakad-lakad si Ms. Paz sa harapan namin. "As what I've said, you are a team. You'll carry the name of the whole White Community. Help each other to grow. Walang mapatutunguhan ang galing mo sa chess kung ikaw lang mag-isa ang magaling. Dapat kayong lahat ang magaling." sabi niya.
Pagkatapos ay pinabunot n'ya na naman kami ng numero. Ilang beses kong nasambit ang Our Father at Hail Mary na sana hindi na naman kami ni Lori ang magkalaban ngayon.
And I guess... nagbunga naman ang dasal ko. Ang makalaro ko ngayon ay si Ren, ang kapwa ko Pawn.
"Hi, Jobella." nakangiting sabi n'ya pagka-squat namin sa sahig. Halata talaga sa mukha niya ang pagkamabait.
Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko'ng ang kaharap ngayon ni Lori ay si Gina. Great... nagkakalaban ang dalawang balahura. I prevent myself from laughing.
Nagsimula na kaming maglaro. Hindi gaya noong si Lori ang kalaban ko, na-enjoy ko ang paglalaro. May natutunan rin akong moves galing kay Ren. Marami siyang sinasabi patungkol sa techniques.
"It's okay. Naging magaling ka na." nakangiting lahad niya sa kanyang kamay—a congratulations shake hands—at tinanggap ko naman ito ng ngiti.
This is a good defeat. 'Yong natatalo ka nang may natutunan. Nagpasalamat naman ako kay Ren at pagkatapos ay pinalabas na kami ni Ms. Paz para mag lunch break.
To be clear, tatlo lang talaga ang subjects namin. Ang Chess, History at Training Classes. And speaking of training, dinagdagan pala ng dalawang kilos ang bagay na nasa beywang namin kaya ayun, nag-a-adjust na naman kami sa panibagong dagdag na weight.
Pero ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko papalabas ng room ay bigla akong tinawag ni Ms. Paz. "Uhm, Jobella... pakitulong nga ako nito sa pagdala doon sa room namin." sabi niya sabay turo sa mga chess boards na nasa ibabaw ng mesa.
"Ah, okay po, Ms. Paz." tugon ko at kinuha ang ilang natitirang boards sa mesa.
Sinenyasan ko naman si Mami V na umuna na sa dorm at susunod na lamang ako. She even insisted na tumulong siya sa pagdadala kaso ang sabi ni Ms. Paz ay isang estudayante lang ang pwedeng makapasok doon sa room nila.
"Ilagay mo lang diyan. Salamat." saad niya pagkarating namin sa faculty sabay turo doon sa gilid ng room.
Nandito rin sa room na ito si Ms. Alyssa na kasalukuyang nakaupo sa kanyang mesa malapit sa pintuan.
"Alis na po ako, Ms. Paz... Ms. Alyssa." pagpaalam ko pagkatapos kong mailagay ang lahat ng chess boards.
"Sige, thank you ulit." sagot ni Ms. Paz.
Bubuksan ko na sana ang pinto no'ng marinig kong nagsalita si Ms. Alyssa. "Sandali..."
Napahinto ako at tiningnan siya. "Bakit po?" tanong ko. Baka may iuutos siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/212331000-288-k952131.jpg)
BINABASA MO ANG
THE CHESS GAME (Completed)
ActionHave you ever thought that a simple board game will turn out to be bloody? Witness a real-life battle of pieces in a game called Chess. Shah City has this fearful tradition. Once every ten years, 16 people of each community; the Black and White comm...