Chapter 5: Blackies and Whities
"YOU ARE all here for a purpose—and that is to prepare for the traditional game and battle called the Chess Game." The man in 80's spoke on the stage. He is Master Herod. Ang pinuno dito sa bayan ng Shah.
We are now here gathered inside the AVR. And guess what? Nandito rin ang mga taga-Black community na panay gawad ng masasamang tingin sa amin. Nasa kabilang upuan sila sa aming gawing kaliwa.
Katabi ko ngayon si Veah dito sa likurang bahagi and as expected, nasa unahan si Lori, katabi si Josh.
Kung magtatanong kayo kung kumusta kami ni Josh, all I can say is we're in good terms... I guess. That was already 2 years ago. And we are no longer teenagers na matagal maka-move on. We are mature enough to understand things.
Back to the man who spoke, siya ang puno't dulo ng mga nangyayari dito sa lugar namin. Siya ang dahilan kung bakit kailangan namin itong gawin.
"At para manalo kayo, dapat pag-igihan n'yo ang pagsasanay. Nakasalalay sa inyo ang maaaring pamumuhay ng inyong komunidad." Herod went on. "Nasa iisang paaralan lang kayo pero hindi kayo pareho ng lugar na pag-eensayuhan. Ang magtuturo sa inyo ay mula sa inyong komunidad at sundin n'yo lahat ng sasabihin nila."
Matapos niyang sabihin iyon ay may biglang lumapit sa kanyang isang lalaki at binulungan siya.
He then looked at his wrist watch at saka nagsalita. "At this moment, ibibigay ko na sa staff dito ang inyong rules and regulations. Thank you, and God bless."
Iilan lang ang pumalakpak pagkatapos umalis ni Master Herod sa stage. Kasali ako sa mga taong hindi pumalakpak. Ang taong kagaya niya ay hindi dapat papalakpakan. At walang kahit na anong sinabi niya ang karapatdapat na palakpakan. Lahat ng iyon ay purong kahibangan.
"Now, I will tell you the rules and regulations." the man in 40's spoke next. "Since nandito kayo sa iisang lugar, at alam namin na mainit ang dugo ninyo sa isa't isa, hurting each other before and after the actual game is strictly prohibited."
Well, hindi mainit ang dugo ko sa mga Blacks. Siguro ang mga kapwa ko Whites kagaya nalang ni Lori na feeling Queen talaga. Nagawa n'ya nga kaming alipinin, 'di ba? How much more sa mga Blacks.
"But, Blacks and Whites are allowed to mingle with each other. Well, nasa sa inyo naman 'yon unless walang patayan na magaganap. Dahil kapag ginawa n'yo iyon, alam n'yo na ang susunod na mangyayari." he continued. Tahimik lang kaming nakikinig. "Next, you are not allowed to go out in this Academy. You can only see your family again on a day before the game." he went on. "Sa gilid ng field, may makikita kayong pintuan. Ang pintuan na iyon ay ang daan papunta sa mini park. Doon, pwede kayong mamasyal at makakabili kayo doon ng makakain o magagamit n'yo. We will give you each a card. Iyan ang gagamitin n'yo kapag bibili kayo doon. It has 20000 pesos that is good for 20 days. Yes, your training will lasts 20 days dahil kinabukasan niyan, it's battle day."
Naka-crossed arms lang akong nakikinig sa kan'ya. Siguro kung iba ang pinapasok ko ngayon ay matutuwa ako. Twenty thousand in 20 days is damn good. Pero nah, may masama kaming kahahantungan pagdating ng panahon—pagkatapos ng 20 days.
Marami pa silang mga sinasabi. Binigay na nila ang sinasabing card na may pera. They also introduces the Chess Officials ng both community. Nakilala namin ang kanilang King, Queen, Knights, Bishops, and Rooks. Tama nga si Veah. Parehong hati ang lalaki at babae.
At least dito sa larong ito, nakaramdam ako ng equality and fairness. I mean, sa standard number... not in the end process.
Pagkatapos ng ilang salita, pinalabas na kami sa AVR at hinayaan na kami sa kung ano ang gagawin namin. Sabi pa ng taong nagsalita kanina, bukas na raw magsisimula ang unang araw namin. Chess class, History class at Training raw ang mga matutunan namin.
Umunang lumabas ang Blacks pagkatapos ay sumunod naman kami. Pagkalabas namin ay bigla kaming napahinto dahil kay Lori.
"Hi, Blackies!" nakangiting tawag n'ya sa mga taga-Black.
Lahat sila ay napahinto at napatingin sa amin na pinangungunahan ng isang matangkad na lalaki—siya ang King nila. Walang ekspresyon ang mukha nito samantalang ang mga kasama niya ay parang nag-aapoy sa galit.
"What do you want, Whities?" sarkastikong sagot ng isang babae. Klaro ang mga itim na bilog sa kanilang noo. Siya 'yong Queen na ipinakilala kanina.
"Ouch, Whities? Para naman kaming mga aso," Lori responded, sarcastically.
Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko magawa dahil mukhang nag-eenjoy ang mga kasamahan ko maliban nalang kina Veah, Blyth, Rosy at... Regliah? Until now I doubted her kindness act towards me no'ng tinulungan n'ya ako.
"Eh... 'di ba, kayo naman 'tong parang mga aso?—opps, sorry." pagpatuloy ni Lori sabay takip pa ng kan'yang bibig. Nagsitawan naman ang mga kasamahan ko.
"Ab—" Aangal pa sana ang isang lalaki—ang kanilang Knight, if my memory serves right—pero pinigilan siya ng kanilang King.
"Ayaw namin ng gulo." kalmadong sabi nito.
"Hindi naman kami nanggulo. Our Queen here just stating fact." maarteng sabi ni Gina. She touched her braided hair again as what she always does.
"Right, girl... and besides," Lori spoke. "You are very fortunate that we, from White Community, rich people, are the ones who made a conversation to people from a Black Community, like you all. Right, Josh?" baling niya kay Josh at tumango lang naman ang huli.
"Fortunate? Baka unfortunate?" angal na naman ng Queen nila. "Hindi namin hinahangad na makausap kayo. Hypocrites, narcissist and egocentric people."
Sarkastikong tumatawa ang mga kasamahan ko. Nagkatinginan lang kami ni Veah.
"Well, we can't blame you for that. Hindi n'yo kasi nanamnaman ang kasaganahan ng buhay namin." nakangiting sagot ni Lori.
"At sisiguraduhin namin sa inyo na ito na ang huling taon ng kaligayahan n'yo." matigas na sabi ng kanilang Queen. Her tantalizing eyes scrutinizing us.
"Oh? Scary..." Lori responded, sarcastically. "Well, good luck then. Galingan n'yo sa pag-eensayo, ha?" then she turned around. Her bangs slightly bounced. "Let's go, Whites." then she waved her hand. "Bye, losers—ah este, Blacks pala. Bye, Blacks."
Pagkatapos ay nagtawanan silang umalis at nagtungo papunta sa direksyon ng dorm namin. I look at the Blacks first at nakita kong blankong nakatingin sa akin ang kanilang King. I smiled at him but the latter just turned his back and walk away.
I sighed at sinundan ang mga kasamahan ko.
🏁🏁🏁
HINDI KO inaakala na may roof top pala sa dorm namin.
Wala ngayon ang ibang kasamahan ko. They decided to go to the mini park. Niyaya pa nga ako ni Veah pero tumanggi ako at sinasabi ko'ng magpahinga lang muna ako. No'ng pumunta ako sa pikadulo ng aming dorm kanina, nakakita ako ng isang pintuan. Akala ko isa rin itong kwarto pero pagbukas ko ay may nakita akong hagdan papuntang itaas. Kaya ayun, umakyat ako at narating ko ang roof top.
Kaya heto ako ngayon, nakaupo dito sa roof top habang tanaw ang kabuuan ng White Community. Ang Academy na ito ay makikita sa Sentro. Imagine a triangle. The base represents the Sentro while the sides represent the Black and White community.
Probably, the Black's dorm also have roof top. Our dorms are on both ends of the Academy and so, possibly, ang Black Community rin ang makikita nila.
"I thought sumama ka sa kanila."
Awtomatiko akong napalingon sa gilid ko. And there, I saw a man who is standing right after the other stair. His long hair swayed as the wind passed by him.
Si Josh.
♨THE CHESS GAME♨
BINABASA MO ANG
THE CHESS GAME (Completed)
ActionHave you ever thought that a simple board game will turn out to be bloody? Witness a real-life battle of pieces in a game called Chess. Shah City has this fearful tradition. Once every ten years, 16 people of each community; the Black and White comm...
