Chapter 35: Seeking Help
ILANG ARAW akong nag-stay sa tinitirhan-slash-tinataguan ni Master Wilhelm dahil hindi pa magaling ang sugat ko at hindi pa agad gumagaling ang mga paa ko. Akala niya gagaling na ito agad the day after akong mahulog sa bangin pero parang malala talaga ang pagka-sprain ng paa ko.
The past days, lubos ko siyang nakilala. The way he treated me and how caring he is. Kung meron siguro siyang anak, tiyak kong sobrang maalaga niya.
Marami-rami siyang na-kuwento sa akin tungkol sa bayan noon at kung paano naging libangan noon ang Chess Game. Binuo niya kasama ang mga kaibigan niyang inventor ang Chess Field for the people of Shah to have an enjoyment. To have a unique outdoor recreation. But Herod used that field as a battle ground. As a field for a bloody game.
Today is my 5th day here at magaling-galing na ang mga paa ko. Makakalakad na ako.
"Thank you so much for everything, Master Wilhelm." sabi ko sabay yuko. I prefer to call him a 'Master' than that Herod.
I am starting to love this place because the food is directly coming from nature pero iniisip ko pa rin sina mama at papa.
"Helping is already in my vocabulary. So, you're welcome." sagot niya sabay ngiti.
"I promise, babalik ako rito. And when I came back, sisiguraduhin kong may kasama ako para sa plano natin." sabi ko sa kanya and he nodded his head slowly.
My mind is already fixed. I want to dethrone Herod for his unrightful way of handling the city. How? Pumayag si Master Wilhelm na papasukin namin ang Shah House at lusubin si Herod. Pwersahan namin siyang pababain sa kanyang pwesto para si Wilhelm muli ang mamuno. But I and Wilhelm cannot do that by ourselves only. We need accomplice. And I have people in mind to help us. I am planning to have warriors empowerment para mapasuko namin si Herod. We will not kill him. We'll just make him surrender his throne at ipasa iyon kay Master Wilhelm.
That's our plan. I hope it will work. Hindi ko na pauusbungin ang pagkamatakutin at pagiging mahina ko. I learned a lot. The bloody Chess Game taught me how to fight and be strong. Ito ang dahilan ng pagbabago ko.
"Ingat ka, hija. And make sure na walang ibang makakaalam na nandito ako maliban sa mga taong nasa isip mo." habilin niya sa akin and I nodded my head. Ako lang ang nakakaalam na buhay siya. And I will make sure that I am a worthy person to be the first one to know the truth about him.
Fortunately, pagkarating ko sa harap ng cliff, may nakita akong isang bahagi na hindi masyadong mataas. At base sa sinabi sa akin ni Wilhelm na sinubaybayan pa rin niya ang bayan, maybe ito ang ginagamit niyang daanan upang makaakyat sa cliff at makita ang Shah.
And maybe, this will also serves as my way—our way, hopefully—pabalik kay Master Wilhelm.
🏁🏁🏁
"NAKO ANAK, sobrang nag-alala kami sa 'yo. Kung saan-saan ka namin hinanap. Halos mamamatay ako kakaisip kung nasaan ka na, kung anong nangyari sayo..." mahabang litanya ni mama. Halata sa boses niya ang pag-alala.
Tapos na niya akong niyakap kanina pati na rin si papa. Halos humagulgol pa nga sila sa pag-iyak kanina no'ng bigla akong sumulpot. Well, I already expected their reaction. And I felt sorry for letting them feel that.
Nakaupo kami ngayon sa couch habang si papa ay nandoon sa kusina para kumuha ng tubig.
"Ayos ka lang? Anong nangyari sa 'yo, bakit nagkaroon ka ulit ng mga pasa?" my mother asked habang tinitingnan ang mga sugat ko. "Saan ka nagpunta?" alalang tanong niya ulit.
BINABASA MO ANG
THE CHESS GAME (Completed)
AksiHave you ever thought that a simple board game will turn out to be bloody? Witness a real-life battle of pieces in a game called Chess. Shah City has this fearful tradition. Once every ten years, 16 people of each community; the Black and White comm...
