Chapter 1: Appointed
EQUALITY MUST be given to us. Equal living and equal opportunities. But what happened in our city is very far from that word—equality.
Namulat ako na ito na ang kalagayan ng siyudad namin na tinatawag na Shah. Isang siyudad na may dalawang komunidad: ang Black, at White Community.
We, people in White community, are considered fortunate dahil marami kaming opurtunidad. We are living our lives normally. Makakakain ng tatlong beses sa isang araw at kung minsan nga ay sumusobra pa.
Pero, sobrang salungat ang buhay namin sa buhay ng mga taong naninirahan sa Black Community.
Sakay sa kotse ko, nakikita ko ang kalagayan nila ngayon. I am visiting their place right now at sobrang kaawa-awa ang buhay nila. The people here are fighting for their lives. Wala silang magandang trabahong mapagkukunan nila sa kanilang pamumuhay.
I saw a lot of children wearing worn-out clothing.
Ang mga bahay dito ay mostly gawa sa kahoy na dahon lang ang nagsisilbing silong nila sa sikat ng araw.
They totally need help from the Shah House pero wala lamang itong ginawang aksiyon para matulungan ang community na ito. Lahat ng atensiyon ng Committees na makikita sa Shah House ay nasa amin—sa White Community—lang.
Ang rason? Dahil sa laro.
Pagtuonan lamang ng Committees ang partikular na komunidad kung mananalo sa traditional na laro...
...ang Chess Game. Ito ang dahilan kung bakit naghihirap nang todo ang mamamayan ng Black Community—we call them Blacks.
When I was about to open my car para sana lumabas, bigla nalang may lumipad na putik sa harapan ng kotse ko kaya mapatigil ako. When I look where it came from, hindi lang isang tao ang nakikita kong nakatingin sa akin ngayon but almost all of the people here. Their faces are full of anger while looking straight at me.
Bahagya akong napalunok. I understand kung bakit sila gan'yan makatitig. Yes, galit sila sa amin. They blamed us kung bakit sila nagka-ganito, kung bakit sila naghihirap. Pero ang totoo, ang namamahala talaga ang dapat na sisisihin.
We only follow what is mandated by the Shah House. Naglalaro lang rin ang mamamayan namin at swerteng nanalo kami ng dalawang beses. Every 10 years gaganapin ang larong iyon. Kaya ibig sabihin, 20 years na kaming sagana samantalang sila naman, 20 years nang naghirap.
I only open the window of my car instead at inilagay ko nalang sa lupa ang dinala ko para sa kanila. Seems like the time suddenly went slow as I drop that thing on the ground. Ito ang perang pinag-ipunan ko sa loob ng sampung taon.
Kung hindi sila tutulungan ng Shah House, at least matutulungan ko sila.
Halata ang pagtataka sa kanilang mukha. Gone was their intent and scary stares. I smiled at them genuinely at saka ko pinaandar ang aking kotse pabalik sa community namin.
Isang mahabang tulay ang nagsisilbing boundary ng dalawang community. Pero hindi ibig sabihin na hindi kami maaaring lumagpas sa boundary na ito. Pero, iyon ang iniisip ng mga Blacks. Iniisip nilang hindi sila welcome sa community namin dahil noong pumunta sila sa White community para sana maghahanap-buhay, inapi lang sila at minaliit ng mga katulad kong taga-White.
The reason why Whites are acting like that ay dahil akala nila, mas mataas na sila sa mga Blacks—which I highly disagree. Ito ang isang dahilan kung bakit galit na galit ang mga Blacks sa aming taga-White community. Dahil dito, mas naging uhaw sila para manalo ngayong taon. Yes, this year is another year to play the bloody game. Ang larong pinakatatakutan kong mangyari.
What if ang Blacks na naman ang mananalo? Magiging mahirap rin ba ang buhay naming mga taga-White community?
"Anak..." bungad na sabi ni mama sa akin pagkabalik ko ng bahay. "Saan ka galing? Kahit saan na ako naghahanap sa 'yo," alalang tanong niya.
Umupo muna ako sa couch at gano'n rin ang ginawa ni mama. I sighed a bit. "Pumunta ako sa Black Community—"
"What?!" gulat n'yang usal. "Seryoso ka?" parang hangin na tanong ni mama.
"Bumisita lang ako, ma," sabi ko sa kan'ya at napahilot siya sa kanyang sentido.
She looked at me in disbelief. "Hindi ba't delikado ang iyong ginawa? P-Paano kung sinaktan ka nila doon?"
I heaved a sigh.
"Ma, hindi sila gano'ng tao," sabi ko sa kanya. Hindi ko inisip ang ganoong bagay. I believed na hindi nila gagawin ang bagay na iyon. "They are in need of help, ma. Their lives are very poor unlike in our community."
"At ano ang ginawa mo doon? Hindi ako naniniwalang bumisita ka lang doon," she muttered, as if she's really sure about it.
My mother really knows me so well. Hindi ako pupunta sa isang lugar para lang titingin. Just like when I go to the mall, hindi ako pupunta doon para lang mag-window shopping. I go there dahil may bibilhin akong importanteng bagay.
"I gave them money para may ipangbayad sila kung pupunta man sila sa Sentro," saad ko kay mama na ikinaawang ng bibig niya.
Ang Sentro ay kung saan nandoon lahat ng mga pamilihan tulad ng malls. Lahat ng nagtatrabaho doon ay ka-komunidad namin kasi kami lang ang may karapatang makapagtrabaho ng disente. As what I've said, the Blacks are living independently—walang tulong mula sa Shah House. Shah House is where the Committees and our Leader stayed.
That's how inequality really visible in our city.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin ng papa mo?" she said looking straightly into my eyes. "Anak, kung ano ang gusto mo, iyon rin ang gagawin namin. We also want to help them," nakangiting saad niya sabay haplos ng aking mahabang buhok.
I smiled. Mukhang namana ko sa aking mga magulang ang pagkamaawain. Siguro kung iba ang magulang ko, pinagalitan na ako. Or worst, hindi ako ngayon si Jobella Krista.
Suddenly, we heard three knocks on the door. Si mama na ang tumayo at pinagbuksan kung sino man ang kumatok.
"Pasok..." saad ni mama at nakita ko ang isang babae na wari ko'y nasa mid-40's na, kaedad siguro nina mama at papa.
Pumunta sila sa gawi ko. My mother sat beside me while the woman sat across.
"Ano pong sadya mo?" tanong ni mama sa babae.
The woman looked at me. "Ikaw ba si Jobella Krista?" she asked and I just nodded my head in response. "I am Nifa Loleta, a Committee," Upon hearing the last word, naging iba bigla ang kutob ko. Bigla akong kinabahan.
May inilabas siyang folder na galing sa malaking bag na dala n'ya at inilagay n'ya iyon sa mesa na nasa harapan namin.
"Uhm, you already know our city's tradition, right?" she suddenly asked. Pagkarinig namin sa tanong n'ya ay mas dumoble ang kabang naramdaman ko kanina.
My mother's trembling hand touched mine. "W-What do y-you mean?" kabadong tanong ni mama. Alam kong may ideya na siya kung ano ang ibig sabihin ng babae.
She opened the folder and my picture came into view. "Your daughter is required to be part of the White Chess Warriors for this year."
"What?!" napatayo bigla si mama. Her voice raised. "No way... hindi pwede. 'Yong iba nalang," matigas na sabi niya. Nakakita kong nanunubig na ang mga mata ni mama.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. I want to protest pero hindi ko magawa dahil parang may bumabara sa aking lalamunan.
"Mrs. Krista, you already knew that once appointed, there is nothing else we could do. You know what our Master can do," mariing sabi ng babae.
Naramdaman kong nangatog ang tuhod ko. Suddenly, biglang napaupo si mama at napahagulgol sa iyak.
♨THE CHESS GAME♨
VOTE, COMMENT AND FOLLOW ME FOR MORE UPDATES!
Aarjicii (R.G.C)
![](https://img.wattpad.com/cover/212331000-288-k952131.jpg)
BINABASA MO ANG
THE CHESS GAME (Completed)
ActionHave you ever thought that a simple board game will turn out to be bloody? Witness a real-life battle of pieces in a game called Chess. Shah City has this fearful tradition. Once every ten years, 16 people of each community; the Black and White comm...