27: MIDDLE OF THE GAME (Three Squares Away)

125 12 4
                                        

Chapter 27: Middle Of The Game (Three Squares Away)

"Stop crying. I will end this."

LORI'S WORDS carry assurance. Her voice is as firm as her Katana Sword. Before, yes, masasabi kong hindi bagay sa kanya ang role na Queen kasi alam n'yo na, she took it seriously to the point na ang taas na ng tingin n'ya sa kanyang sarili. Ang kanyang pagiging Queen ang nag-uudyok lalo sa kanya para maging mayabang and superiority conquers her true personality.

Pero ngayon, na-realize ko na tama pala ang choice ng committee. She possesses the trait of being a Queen. She's strong and can manage the worst situation. What I saw her right now is the urge to save and protect us just like the real Queen does.

Matapos marinig namin kanina ang anunsyo ng host na ang black raw ay under check, agad akong tumayo at pinahiran ang mga luha kong ibinuhos sa pagkawala ni Mami V.

Ang bigat ng katawan ko. Kahit na ayaw ko na sanang magpatuloy sa laban dahil sa pagkawala ng mga kasamahan ko na sina Reynan, Ain, Jing at Mami V na naging malapit sa akin, pero paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang aking mga magulang dahilan upang magkaroon ulit ako ng lakas na lumaban.

I cannot move forward again dahil nasa harapan ko si Lori. Simula kanina, dalawang squares pa ang naapakan ko dahil palaging naunahan ako sa pag-ukupa sa square na nasa unahan ko.

I saw that Lori's eyes pinned to the direction of Joaquin. Nakita ko dahil nakalingon si Lori—three squares ahead, diagonal to her position. I guess, Joaquin and the Rook also do the castling dahil iba na ang kanilang posisyon kanina.

I also saw Joaquin's blank expression. Parang hindi siya natakot sa inanunsyo ng host na kayang-kaya na siyang patayin ni Lori. Lori just waited her timer to stop in order for her to attack him so that the game will finally end.

Bigla akong sinalakay ng kaba. I gulped many times dahil sa tensyon ng pagtitigan nilang dalawa. Seems like there is an imaginary fire in between their stares.

Mayamaya ay bigla kong nakita si Joaquin na nakatingin sa ibang direksyon. He is the one who broke the intense stare.

"I will finish this!" matigas na sabi ni Lori pagkaubos ng timer niya. She positioned herself, ready to attack Joaquin.

My body begun to tremble. I cannot imagine Joaquin will die. I wandered my gaze and there I saw his parents worriedly looking at him.

I remembered the worries that his mother told me. They hoped and pray that Joaquin will survive the game. Biglang pumatak ang isang luha ko sa mata pero agad ko iyong pinunasan. 

Nagtaka ako bigla kay Joaquin. Seems like he's really not scared that Lori will attack him. Yes, I know he can fight dahil makagalaw naman siya at may sandata siya. Pero walang bakas ng pagkabahala sa kanyang mukha. Did he underestimate Lori's capability?

Besides... he's not looking at Lori. Hindi kay Lori ang atensyon niya kung hindi sa iba. And when I glance to the direction to where he was looking at, biglang nanlaki ang mga mata ko.

Kasabay ng pagtalon ni Lori ay ang pagtalon rin no'ng babaeng tinitingnan ni Joaquin kanina! I forgot the position!

Lori and the Black's Queen are totally aligned!

"Lori!" I shouted in full worries. Parang bumagal na naman ang takbo ng oras at tanging si Lori at si Lovely lang ang nakikita kong nasa ere.

My heart beats so fast. I keep on uttering Lori's name pero mukhang huli na ang lahat...

Shing!

Bago pa man nakaalis sa pwesto niya si Lori ay nakita kong may nakasaksak na Katana Sword sa gilid niya! Sinugod siya ni Lovely.

N-No...

Nagsipatakan na naman ang luha ko. Parang minu-minuto talaga itong pumapatak.

I saw Lori lying on the ground habang hinuhugot naman ni Lovely ang espada niyang nakatarak sa gilid ni Lori. Lori's body is trembling because of the pain. Gusto kong sumugod pero hindi pwede. And Lori can't be dead!

"Lori!" I shouted again. Alam kong walang magagawa ang sigaw ko pero iyon ang gusto kong gawin para maibsan ang puot ng aking dibdib.

Nakita kong gumagapang si Lori habang nakahawak ang isa niyang kamay sa kanyang tagiliran. I saw her mouth produces blood. Umiiyak siyang nakatingin sa Katana Sword niya.

At heto na naman ako, nakatingin lang kung ano ang susunod na mangyayari. Wala akong ibang magagawa. Well, lagi naman, eh. Para akong walang silbi sa larong ito na iyak at sigaw lang ang magagawa.

Naka-dalawang abante pa nga lang ako simula kanina. See? Wala talaga akong naiambag sa larong ito.

I am such a weak one! Me being a pawn is not a question at all. Tamang-tamang talaga ang committees sa pagpili sa akin bilang Pawn. I felt again the hot liquids running down over my cheeks. Ramdam ko na ang pananakit ng mga mata ko dahil sa pag-iyak nang sobra.

Gaya ng kanina kay Mami V, Lovely put her katana sword on her shoulder waiting for Lori to stand up. I don't want to see Lori's hurtful situation. I don't want to see her suffer. Ako sana ang nandyan, eh. Inunahan niya ako sa pag-abante. That was supposedly my next move kung hindi ko lang masyadong dinibdib ang pagkawala ni Mami V. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ang sakit. At sana hindi na iyon madadagdagan pa. Sana ako nalang 'yong nasa sitwasyon ni Lori. Sana ako nalang ang mamatay!

Paulit-ulit akong humihikbi. I grip my spear tightly.

Nakita kong nanginginig na tumayo si Lori. Her face draws no worries but instead, eagerness to fight. Kahit na ganyan ang kalagayan niya, parang nasa isip pa rin niya ang lumaban.

...the thing that I envy. The thing that I supposed to have right now.

I saw the Black's Queen smirked. Nagkatitigan silang dalawa. Lori on my left view while Lovely on my right.

I saw Lori cuts a long portion of her shirt using her sword. Pagkatapos ay tinali niya iyon sa kanyang bewang kung nasaan ang malalim niyang sugat. I heard her groaned dahil sa sakit.

Habang ginagawa iyon ni Lori, tumingin sa akin si Lovely. Matalim niya akong tiningnan. Isang tingin na nakakatakot pero nagawa kong labanan. Ngunit hindi iyon nagtagal dahil nagawi na naman ang tingin niya kay Lori na ngayon ay ipinusisyon na ang kanyang sarili, handa para sa atake ni Lovely.

After Lovely flashes her victorious smirk, she then jumps higher towards Lori habang nakaamba ang matinis niyang sandata. And unexpectedly, kasabay ng pagtalon niyang iyon, may biglang sumulpot para salubungin siya.

Shing!

And the momentum stops. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala sa sumunod na nangyari.

♨THE CHESS GAME♨

VOTE AND COMMENT

Aarjicii (R.G.C)

THE CHESS GAME (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon