Chapter 29: Close To End (Eager Move)
LAHAT TALAGA ng bagay ay hindi mahuhulaan. You really cannot predict what will happen next. 'Yong tipong magugulantang ka nalang at parang hindi agad matanggap ng utak mo na nangyari na ang ayaw mo sanang mangyari.
Parang bigla na lang nawalan ng lakas ang kamay ko dahilan upang mabitawan ko ang aking spear. Nakatuon ang mga mata ko ngayon sa nangyari sa aking harapan.
Napakabilis ng pangyayari. Kanina, nakatayo pa sa si Lori habang matalim na tiningnan si Lovely. Pero ngayon... nakahiga na siya sa lupa habang ang mga mata'y walang humpay na naglalabas ng luha.
"L-Lori..." halos hangin na lang na naiusal ko. Bumigat ang kalooban ko at gusto kong sumigaw pero parang hindi ko na magawa.
Napatingin sa akin si Lori. Her chest is bleeding. Sumusuka siya ng dugo na lalong nakapagpaiyak sa akin. She looked at me in the eye at ilang saglit ay nginitian niya ako nang mapait.
I even saw her diverting her eyes towards my parents kaya napatingin rin ako doon. And there, I saw how my mother looks worried. Nakikita ko na rin na lumuluha siya habang niyayakap ni papa.
"Ahhhh!"
Shing!
Agad na nagawi ang aking paningin sa harapan matapos kong marinig ang isang sigaw na uhaw sa galit at ang kalansing ng isang espada na tila tumusok sa katawan.
"Queen!!"
I averted my gaze to someone who shouts. Yes, that's not me. At isa lang ang palaging tumatawag sa kanya ng ganyan. Napatigil si Gina sa kanyang pag-atake sa kanyang kalaban. She looks so anxious dahil sa nangyari kay Lori. Oo, close na kami sa isa't isa. But I can say that Gina is the closest to Lori ever since pumasok ako. Sila na palagi ang magkakampi no'ng panahong iba pa ang pag-uugali ni Lori hanggang sa magbago ang huli. They are really partners-in-crime.
But... that 'partners-in-crime' thing will no longer be available right now.
"Whites are now Queenless!" the host announces at umingay lalo ang paligid. Boo's and Cheers prevails the area.
As what I've said earlier... nangayari na nga ang hindi ko gustong mangyari.
"D-Do you know my parents?" takang tanong ni Lori. Ngunit may nakita akong luha na namumuo sa kanyang mata.
"Y-Yes... kaibigan ko sila dito sa Academy. Gaya ng parents mo, kasali rin kami sa chess warriors." sabi ni mama. Bahagya siyang hinaplos ni papa sa magkabilang balikat.
Biglang lumapit si Lori kay mama at maluha-luhang hinawakan si mama sa kamay. "S-Simula no'ng magkaisip ako, wala akong nakikitang ama at ina. All I have is their pictures. Hindi sinasabi nina lolo at lola ang patungkol sa kanila kaya wala akong ideya kung a-anong klase silang tao..." sabi ni Lori. "Mrs. Krista... please... tell me something about them. Gustong-gusto kong malaman ang kwento nila. Kung bakit hinayaan nila ang kanilang sarili na mamatay at iwanan nila ang isang bata."
BINABASA MO ANG
THE CHESS GAME (Completed)
AçãoHave you ever thought that a simple board game will turn out to be bloody? Witness a real-life battle of pieces in a game called Chess. Shah City has this fearful tradition. Once every ten years, 16 people of each community; the Black and White comm...