Chapter 8: Versus
BUMALIK NA kaming lahat sa pag-upo no'ng dumating na ang next teacher namin. Bahagya pa kaming nagtinginan ni Lori. She even gave me a death glare as if naman matatakot ako.
So, hindi n'ya pala gustong makikita ng mga boys ang mga kawalang-yaang gawain n'ya? Tsk.
"Fifty years ago noong unang nagsimula ang tradisyunal na laro. Ginawa ito ni Master Herod upang matutunan ng buong mamamayan ng Shah na hindi basta-basta lang makakamit ang kaginhawaan sa buhay. Dapat itong paghirapan at pagsakripisyuhan." sabi ng guro naming nagpakilala kanina bilang si Ms. Alyssa Isabella. Sa tingin ko'y magkapatid sila ni Ms. Paz Isabella, ang Chess teacher namin.
Napakunot ang noo ko sa sinasabi n'ya. So ito ang naisip ni Herod upang maturuan kaming lahat sa kan'yang prinsipyo sa buhay? Tsk. What kind of mind he must have?
"At sa unang laro'ng iyon, nanalo ang Black Community. Pero hindi lang 10 years naghihirap ang White Community dahil nanalo ulit ang mga Blacks sa pangalawang pagkakataon." Ms. Alyssa went on.
Ibig sabihin, 20 years ring naghihirap ang White Community noon? Kung tutuusin pala, pareho lang pala kami ng sitwasyon noon.
"The people in the White community had suffered too much. Minamaliit sila ng mga Blacks noon. Inalipin at inalipusta. But look at the situation right now. The table now really turned." she looked at us. "Twenty years ago, naputol ang paghihirap ng mga taga-White. They won the battle—we won the Chess Game. Now," she is now roaming around the classroom with her hands being clasps together. "If you want our community be still in this state. You must win the game."
Napa-isip kaming lahat sa sinasabi ng History teacher namin. For sure, the Blacks are now hungry to win and bring home the bacon again.
Now, I understand kung bakit ganito ang pag-uugali ng mga katulad ko'ng nakatira sa White community. Katulad ngayon, 20 years rin kaming nag-suffer noon at 'yong mga ginawa nila ngayon ay gano'n rin pala ang ginawa sa kanila noon sa kamay ng mga Blacks.
But still in my perception, hindi tamang maggantihan. We are living in one City. We should help each other and possibly, we should find a solution to end this tradition. But the question is, how? At kailan ito matatapos?
I suddenly raised my hand for an apparent reason. All their eyes were now on me. Without standing, I spoke. "Kailan matatapos ang tradisyong ito? Wala ba tayong magagawa?" I asked Ms. Alyssa.
Halata sa kan'yang mukha ang pagkagulat pero hindi iyon nagtagal ay napalitan iyon ng kakaibang ngiti. "We don't know. No one dared to try stopping this. Everyone knows Master Herod. Once na may mag-a-against sa kanyang patakaran o plano, hello death."
Napatingin ako sa sahig pagkatapos n'yang sabihin iyon. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip.
If so, habang buhay na palang magiging ganito ang lugar namin. I wonder kung mamamatay siya ay ganito pa rin ba ang magiging patakaran ng susunod na pinuno. But I guess, ganito pa rin kasi our city is not democratic. Wala kaming kakayahang pumili kung sino ang itatalaga naming mamumuno dito sa Shah. Probably, he will choose the next leader na kapareho ng intensyon n'ya.
Mayamaya ay umalis na si Ms. Alyssa. At dahil 11:30 na ng umaga, pinabalik na kami sa aming dorm upang mananghalian.
Nang bumaba na kami sa hagdan papunta sa pintuan ng aming dorm, biglang nagsalita si Lori. "Uhm, Jobigirl, 'di ba sabi ni Ms. Alyssa walang naglalakas-loob na kalabanin ang patakaran ni Master Herod?" she muttered. I didn't respond dahil panigurado akong wala na namang sense ang kan'yang sasabihin. "What if ikaw ang magpapahinto nito? What do you think?" she went on, smiling.
BINABASA MO ANG
THE CHESS GAME (Completed)
AksiHave you ever thought that a simple board game will turn out to be bloody? Witness a real-life battle of pieces in a game called Chess. Shah City has this fearful tradition. Once every ten years, 16 people of each community; the Black and White comm...