Chapter 3: Daily Routine
"BILISAN MO, ha?" nakangiting usal ni Lori at lumabas na ako sa kwarto n'ya.
Alas 9 na ng umaga at katatapos ko lang ilagay lahat ng mga gamit ko sa drawer no'ng pinatawag n'ya ako para utusan.
I can't believe it. They took the roles seriously. What a stupid! At dahil ayaw ko ng gulo, sinunod ko nalang ang iniutos n'ya. Nagtimpla ako ng kape at pagkatapos ay inihatid iyon sa kanya.
She thanked me. But with a touch of sarcasm. Hindi bagay sa mukha n'ya ang kanyang pag-uugali. Tsk. Totoo nga'ng, "Don't judge the book by its cover." kasi siya ang living proof.
Bumalik na ako sa kwarto ko at humiga sa kama.
Lori just proved na ganyan talaga ang pag-uugali ng mga White. The people in our community have been conquered by superiority. They tend to believe that they are more powerful than the Blacks. At ngayon, dahil sa role n'ya na Queen, she sees herself as higher among us.
Mayamaya ay biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Bumangon ako sa kama at pinagbuksan ang taong kumatok.
A girl with a wavy, long hair appeared on my sight. "May ipinautos na naman ba si Queen?" I asked her, sarcastically.
She smiled and just shook her head. "Nah. Siguradong nakatulog iyon dahil sa kape. Baliktad siya, 'no? Umiinom siya ng kape para makatulog." sabi n'ya.
Baliktad talaga. Siguro dahil siya naging ganyan kasi baliktad rin ang kanyang utak. Tsk.
"Pwede pumasok?" tanong n'ya.
I stared at her for a while pagkatapos ay tumango ako. Hindi naman siguro siya mananakit, right?
She sat on my bed at sumunod naman ako. "Ano'ng sadya mo?" tanong ko sa kan'ya pagkaupo ko.
"Gusto lang kitang makausap." sabi n'ya. "Jobella, right?" she looked at me and I just nod.
Nagdududa ako sa kan'yang pakikipag-usap sa akin ngayon. Dahil kay Lori, wala na akong tiwala sa iba dito. Dapat team kami pero hindi ko ito na-feel. Hopefully, ngayon lang ito.
"Ako nga pala si Veah Reston. You can call me Mami V katulad ng tawag ng iba sa akin." paglalahad n'ya ng kamay sa akin. Tinanggap ko naman ito. "Isa rin akong Pawn." Napatitig ako ng ilang saglit sa kanya.
I am really not sure about her. Is she really kind? Hayy... Lori's personality can really make you a prejudice one.
Bumuntong hininga siya. "Kagaya mo, inuutusan rin kami ni Lori. Siya kasi ang unang babaeng napunta dito. Isa-isa lang kasi ang darating araw-araw. Noon, mga officials ang inuutusan n'ya kagaya ni Regliah na isang Knight. Until dumating ang kauna-unahang Pawn... at ako iyon."
Kaya pala sabi ng babae kanina na nandito na sila nitong mga nakaraang araw pa at ako nalang ang inantay kasi isa-isa lang pala kada araw ang darating at ako ang panghuli.
"Buong araw akong inutusan noon. Pinalaba pa nga n'ya ako ng kanyang mga damit. Nakaginhawa noon ang tatlong Chess Officials dahil ako na ang inuutasan at hindi na sila. Sa kada pawn na darating, agad iyong uutusan ni Lori. Lahat tayong mga pawn, tiyak uutusan niya. At sasali panigurado ang ibang mga Officials kagaya ni Gina."
Napailing na lamang ako. Grabe talaga. They're really stupid.
"Veah, may I ask," biglang sabi ko sa kan'ya. "Ilan tayong nandito sa dorm?" I diverted the topic. Hindi ko gustong pag-usapan ang ganyang walang kwentang bagay.
"Walo. At gano'n rin ang mga lalaki sa itaas." sagot n'ya.
"Ano-ano'ng roles ang nandito?" tanong ko ulit sa kan'ya.
![](https://img.wattpad.com/cover/212331000-288-k952131.jpg)
BINABASA MO ANG
THE CHESS GAME (Completed)
ActionHave you ever thought that a simple board game will turn out to be bloody? Witness a real-life battle of pieces in a game called Chess. Shah City has this fearful tradition. Once every ten years, 16 people of each community; the Black and White comm...