32: AFTERMATH

136 13 7
                                        

Chapter 32: Aftermath

"Checkmate!"

LUMAKAS ANG kabog ng dibdib ko dahil sa inanunsyo ng host. Parang hindi ko gustong ibuka ang mga mata ko para tingnan kung ano ang nangyari at sino ang panalo.

Si Joaquin ba ang namatay o si... si J-Josh?

I gulped many times, still without opening my eyes. Nakarinig na ako ngayon ng sigawan ng pagbubunyi. Hindi ko wari kung kaninong mga boses iyon galing. Kung sa mga Blacks ba or sa Whites.

See? Napo-promote nga ako pero wala pa rin akong nagawa. Nanatili lang ako kung nasaan ako kanina. Useless as hell.

Kahit na kinakabahan, I slowly opened my eyes for me to settle my mind kung ano talaga ang nangyari. At no'ng nakita ko na kung anong nangyari, automatic na bumabagsak ang mga luha ko. Kasabay ng pagpatak niyon sa lupa ay siya ring pagbagsak ng aking katawan.

N-no...

"Congratulations..." masiglang bati ng host but my mind is occupied about our memories. "...White Warriors! You win the game... again! White Community will still reign in ten succeeding years!"

Wawa...

Paulit-ulit akong napailing. P-Panalo kami... We f*cking win the stupid game. Pero hindi ko feel na magsaya.

"Joaquin! H-Hindi!!!" I then averted my attention doon sa biglang sumigaw. It's nanay Pebee, his mother... "Joaquiiin!!!" halos maglulumpisay siya sa lupa no'ng nakita niya ang sitwasyon ni Joaquin ngayon.

Shing!

Nakita kong hinugot ng lalaking malaki ang katawan ang kanyang Axe na nakatarak sa dibdib ni Joaquin. James was the one who killed Joaquin. Parang kailan lang nandoon pa siya sa kabilang dulo but then he managed to jumped higher para saksakin niya si Joaquin sa dibdib using his Axe. He ended the game.

Parang ang bigat ng katawan ko. Parang ayokong tumayo. My body is trembling.

Tumingin ako sa direksyon ni Josh at nakita ko kung paano siya hingal na hingal na nakaupo sa lupa habang si Sabastian ay tulalang nakatingin sa walang buhay na katawan ni Joaquin. Nakita ko kung paano kumuyom ang kanyang mga palad dahil sa galit pero wala siyang ibang magawa kung hindi ang lumuhod na lamang sa lupa.

The chess field has been deactivated. We already felt it. We, Chess Warriors must not make a move that can hurt the opponents. That's the rule before and after the game.

I should be happy that Josh is safe at natapos na ang laro. Nagwagi na naman kaming mga Whites but many lives were being taken.

"Anaaaaak!" Narinig ko ulit ang sigaw ng ina ni Joaquin. But this time, tumakbo na siya papunta sa direksyon nito. Gustuhin man siyang pigilan ng kanyang asawa pero hindi nagpatinag si Nanay Pebee.

Lahat ng tao ay napatingin sa kanyang ginagawa. Parang tumahimik bigla ang paligid at parang bumagal ang takbo ng oras no'ng unti-unti nang lumabas ang tali mula sa ibabaw na kukuha sa katawan ni Joaquin.

I want to run at his direction. Gusto ko siyang hawakan sa huling pagkakataon dahil aminin ko, I considered him as a friend kahit na magkaaway ang turingan ng komunidad namin.

Series of memories of him continue flooding into my mind. No'ng araw na nabunggo ko siya sa may pintuan ng mini park, no'ng araw na sinundan ko siya papunta sa bahay nila, no'ng tinulungan niya akong umakyat sa pader ng Academy, no'ng huling pag-uusap namin sa tulay.
Tears are now rolling over my cheeks, endlessly.

Nakita kong unti-unti nang umangat ang katawan ni Joaquin sa lupa at kasabay no'n ay ang pagyakap ng kanyang ina sa walang buhay nitong katawan.

"Joaquin..." iyak ng kanyang ina habang isinubsob ang mukha nito sa leeg. Joaquin's father is now also hugging him. "Iniwan na nga kami ng lolo m-mo tapos ikaw din?" I heard her say. I clearly hear what she said dahil malapit ako and that breaks my heart.

THE CHESS GAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon