16: HER TRUE SELF

193 15 4
                                        

Chapter 16: Her True Self

MALALIM ANG iniisip na lumabas ako sa kwarto ni Lori.

Umiiyak ba talaga siya? Well, pwede rin namang sinisipon lang siya. Pero... hindi siya sinisipon kanina. Kung tama nga ang iniisip ko, bakit kaya siya umiiyak?

"Oh, Jobs, anong nangyari? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" takang tanong sa akin ni Mami V. Napansin siguro niya ang mukha kong parang binabagabag.

"Malamang pinagalitan na naman siguro siya ni Queen dahil sa katangahan." natatawang sabi ni Jing na ikinatawa naman ni Gina. As what I've always observed, palaging sila-sila lang ang sasalo sa kanilang mga ibabatong salita tapos sila-sila lang rin ang tumatawa.

Kawawa. Ang babaw ng kaligayahan nila.

At dahil sanay na ako sa pag-uugali nila, hindi ko nalang sila pinansin at umupo nalang ako sa sofa.

Seryoso ko lang silang tiningnan isa-isa. "I think, Lori is crying." sabi ko sa kanila. Lalo silang nagtaka sa sinabi ko. Hindi ko alam kung tama bang sasabihin ko sa kanila pero I think they deserved to know.

"Why? Did you see her crying? So far, hindi pa namin siya nakikitang umiiyak. She's strong, just so you know." saad ni Gina in a matter-of-fact tone.

"Pero hindi porke't malakas ang isang tao ay hindi na siya umiiyak. Maybe it is just her mask—to be strong. Pero hindi natin alam na malambot rin pala siya." Regliah spoke, opposing to Gina's statement. She's looking at us seriously while holding her two piercings on her right ear.

Somehow, I agree to Regliah. We all have masks that serve as our hideout for our true self. We tend to show them what they want us to be rather than what we truly are; that we are strong, even though we're really not.

"I think, nalulungkot siya dahil parang hindi espesyal ang birthday niya ngayon." sabi ni Blyth, blinking her long eyelashes many times. Kung sino man ang mas kilala si Lori ay siya iyon. Mas siya ang palaging malapit kay Lori dahil siya ang taga-gising at taga-tingin kung maayos ba ang suot ni Lori. Parang kino-konsider siya ni Lori bilang Personal Assistant.

Nakita kong ngumiwi si Gina. "Hmm... hindi naman siya siguro ganun ka childish na iiyak dahil wala siyang cake sa birthday niya." she said, slowly laughing.

"Hindi natin alam. 'Di ba nag-walk out siya no'ng sinabi mo sa kanya na nakalimutan natin na birthday niya ngayon?" sabi naman ni Rosy na nagpapabigay linaw sa akin.

Tama. Maybe iyon ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon.

"Teka, are you blaming me kung bakit umiiyak si Queen?" nakapameywang na tanong ni Gina.

"'Wag mo nga'ng pairalin ang pagiging maldita mo ngayon. Hindi bagay sa 'yo," diritsahang sabi ko sa kanya. Nakita kong pinigilan siya ni Regliah no'ng tinangka niyang sumagot pero sa huli ay inirapan niya nalang ako. "I think she's sad right now dahil walang nagbigay importansya sa birthday n'ya. It's unusual to see her crying and sad. Nakakalungkot rin naman talagang isipin na parang walang pake ang mga tao sa paligid mo sa iyong birthday."

Hindi na kami umimik pa dahil biglang lumabas si Lori sa kanyang kwarto at tiningnan kami ng mariin. Halata sa kanyang mata na galing talaga siya sa pag-iyak.

"Rosy! Ikuha mo ako ng tubig." utos niya kay Rosy. Agad na sinuot ni Rosy ang kanyang salamin at saka sinunod ang utos ni Lori.

Papasok na sana ulit si Lori sa kanyang kwarto kaso biglang nagtanong si Gina. "U-Umiiyak ka ba, Queen?"

"You don't care!" pagtataray nito at saka pumasok sa kwarto.

Nagkatinginan muna kami at pagkatapos ay nagsipasok na lang kami sa aming mga kwarto para maghanda mamaya.

THE CHESS GAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon