40: CHECKMATE

224 17 2
                                        

Epilogue: Checkmate


"ANAK, READY ka na?" my mother asked me.

Tiningnan ko muna sila ni papa ng ilang saglit bago ko sila binigyan ng isang mahinang tango. Ngumiti sila at pagkatapos ay pumunta na kami sa kotse ni papa.

It's been five days. Limang araw na ang lumipas matapos ang gabing iyon. Ang gabing nakapagbago ng lahat. Ang gabi na kung saan natutupad ang pinapangarap ko. I was left unconscious that time and I remember Josh held my hand for him to lift myself up to the rooftop. When I woke up the next morning, Josh was on the side of my bed. Siya ang una kong nakita. Si Josh na rin ang nag-kwento sa akin kung ano ang sumunod na nangyari. Luckily, he said that Master Wilhelm got healed. Mabuti raw at naagapan agad ang baril nito sa tiyan. He also said that some of the committees surrendered themselves after they found out that Herod is already dead.

Herod is dead...

That unrightful leader is finally dead...

Pagkatapos ay nagkaroon ng formal introduction na nangyari kung saan pinakilala sa lahat ng mamamayan ang bagong leader ng Shah—none other than Master Wilhelm Dacua. Walang pagsisidlan ang kasiyahan ng mamamayan that time. Nagsusumigaw sila sa tuwa lalo na no'ng sinabi ni Master Wilhelm na ibalik niya ang dating kaayusan ng Shah. Ang dating imahe ng bayan.

Wala na ang markang nakatatak sa mga noo namin na nagsisilbing palatandaan. Lahat ng tao dito ay pantay-pantay na. Binigyan na ni Master Wilhelm ng pera ang mamamayan ng Black Community para maisaayos muli ang buhay nila. Bumalik na sa kaayusan ang lahat. Bumalik na rin ang tunay na laro ng chess game na kung saan ito ay pangkasiyahan lamang. Sabi rin ni Master Wilhelm, he will make the Chaturanga Academy into a school for basic learning for kids—dahil noon, parents lang ang nagtuturo sa amin—and for the young ones to have another knowledge for work purposes in other places. Para makapagtrabaho na rin raw kami hindi lang dito sa Shah but as well as to the other cities.

Habang nasa biyahe kami, napatingin ako sa labas at napangiti ako no'ng nakita kong naglalaro ang mga bata na galing sa iba't ibang community. Mayroon ring nagtatawanan sa tabi-tabi. Napangiti ako sa nakita ko. This is all happen because we fought for our right.

...this is now the real checkmate!

Ilang sandali lang ay narating na namin ang aming destinayon. The gate with a name, "FUNERAL HOME FOR WARRIORS" welcomed us. May nakikita rin kaming mga tao dito na obviously binibisita rin ang kanilang kaibigan o kamag-anak na namatay dahil sa laro. Master Wilhelm also told us na ang mga namatay sa recent game na inilibing lang sa isang malaking hukay, ipapalibing niyang muli ng marangya. But those who died many years ago, magpapagawa na lang raw siya ng memorial hall.

As I stepped inside the gate, biglang bumigat ang dibdib ko. Ito ang unang beses na pumunta ako dito. Ngayon ko lang napagpasyahang bisitahin sila and I feel bad about it. Pumunta na kami nina mama at papa sa kanang bahagi kung saan matatagpuan sila.

My parents lead the way. Nakasunod lang ako sa kanila. They said na nasa iisang lugar lang inilibing ang mga White Chess Warriors na nasawi sa laro. Bumigat ang mga hakbang ko lalo na no'ng natanaw ko na ang mga pamilyar na mga pangalan. Pagkarating namin, unti-unti nang namuo ang mga luha ko sa mata.

"Go on." saad ni mama. As if on cue, bumubos ang mga luha ko habang tinitingnan ang lahat ng mga pangalan ng mga kaibigan ko. My parents caressed my back habang humagulgol ako sa iyak.

Sayang. Lahat ng nasa-isip ko ngayon ay 'sayang'. Sayang kasi hindi nila naabutan ang pagbabagong ito. Sayang kasi hindi ko sila makakasama sa pag-aaliw ng panibagong mundo ng Shah. We met in a place where I don't want to be in the first place. Pero hindi ko akalain na sa lugar na pala iyon makilala ko ang ibang taong naging espesyal na sa akin. Mga taong isa sa dahilan kung bakit napangiti at napatawa ako. Sa Chaturanga Academy, I met them. Pero sad to say... our happy moments ay nandoon lang sa lugar na iyon.

THE CHESS GAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon