30: CLOSE TO END (End Move)

125 13 10
                                    

Chapter 30: Close To End (End Move)


Shing!

"Uggh!"

THEN EVERYTHING in my sight went black after I chose to close my eyes for me to not able to see what happened next.

Bago totally makagalaw si Lovely kanina, I immediately stabbed her in the stomach causing her to groan in pain. Napapikit ako pagkatapos no'n at napaluhod sa lupa.

Alam ko'ng natalsikan na naman ng dugo ang aking katawan.

"Check!"

After I heard the host's voice, I opened my eyes while slowly standing up. Doon ko lang nakikita ang kalagayan ni Lovely, ignoring who's under check this time. Nakapukos lang ang paningin ko sa kaniya. Her body is shaking while her hands are touching her bloody stomach. Sumusuka pa siya ng dugo at umaagos ang kaniyang mga luha.

That was the first time I saw that emotion in her. Halos piniga ang puso ko no'ng masaksihan ko iyon.

Ilang saglit, I saw her hands reached for her Katana on her left side. I know that she's already in a weak state pero still, I prepared myself dahil baka bigla nalang siyang aatake.

Trembling, she gripped her Katana while her other hand is on her stomach that is endlessly flowing red fluids.

I just stared at her, waiting for her next move. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.

Still half-lying on the ground, bigla na lamang niyang itinaas ang kan'yang katana. And what caused my mouth left open is that itinuon n'ya iyon sa kan'yang sarili!

"Ahhhh!!!" she shouted in a very loud, firm tone before she thrusts her katanta to her left chest, to where she wanted to end her life.

Her whole body fully slammed on the ground. Napatulala lang ako habang nakatitig sa hindi gumagalaw na si Lovely. I immediately ran to her direction at hinugot ko ang Katana na nakatusok sa dibdib n'ya. Blood splattered on the ground after I did that.

And then, a magnetic sensation fill my whole system. I am panting because of what I felt. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"The Blacks are also Queenless!"

After that announcement, I saw how Lovely's lifeless body rise. Pumapatak pa nga ang kan'yang dugo sa lupa. Natuluan rin ang ulo ko but I just don't mind it.

Then something pops up on my mind.

My view right now is sideward. So, I can glance on both sides of the chess field except from my back. I remember what the host announced earlier kaya una akong napatingin sa kaliwang bahagi ko kung nasaan ang direksyon ni Joaquin, three squares away from me. Nagkatinginan kami and there's no sign of him telling that he's under check. The area around him is clear.

Iniwaglit ko ang paningin ko sa kanya at malalim na bumuntong hininga. If not him, then it means...

Awtomatiko akong napatingin sa gawing kaliwa ko. Halos tatalon ang puso ko sa nakita ko. Halos malalagutan ako ng hininga.

Nakita kong biglang tumalon ang lalaking may dalang axe papunta kay Josh! But what relieves me is that nagawang umiwas ni Josh sa atake sa pamamagitan ng pagtalon diagonal to his position. He chooses to avoid fighting with that man.

Napansin kong pareho silang hindi makagalaw. Hindi ko makikita ang reaksyon ni Josh dahil nakatalikod siya sa akin. Only that man's reaction ang makikita ko na ngayon ay parang nagulat sa nangyari.

Suddenly, napatakip ako sa aking bibig no'ng bigla akong may nakitang tumalon papunta sa lalaking sumugod kay Josh kanina. Nanlaki ang mga n'ya pagkakita n'ya nito. Napaawang ang bibig n'ya at gustuhin n'ya mang igalaw ang kan'yang paa ay hindi n'ya magawa.

Seems like everything happened between the three is already planned. Ang pagtalon ng lalaki papunta kay Josh, ang pagtalon ni Josh para maiwasan ang lalaki. At dahil hindi na makagalaw ang lalaki, sumugod agad si James. Imagine the cycle between them?

Gusto ko'ng mamangha sa naging strategy nina James at Josh pero parang hindi sasang-ayon ang sistema ko lalo na no'ng nakita kong naputol ang kamay ng lalaki pagkarating ni James sa direksyon niya!

The man's arm roll on the ground together with his axe—so he is a Rook just like James.

"Urrrgghh!" From my place, I heard the man's cry.

Standing, his body is trembling. Parang gusto n'yang humiga sa lupa to ease the pain but the magnet is still activated. His cry together with his action—na parang dusang-dusa siya—makes me turn my back. I can't take it.

And that's when I realize na makagalaw na pala ako. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Joaquin on the end line. Others on different squares, wiping their sweats away. Others are treating their own wound sa pamamagitan ng pagtali ng tela sa kanilang damit.

Nagsimula nang lumiit ang aming bilang. Base sa nakikita ko, tanging ako, si Blyth, si Ren, si Benedict, si James at Josh nalang ang natitira. Six out of 16. Sampu ang nalagas. And those are all heartbreaking on my part.

As of the moment, mas lamang ang bilang ng mga Blacks kontra sa amin—base sa malaking screen na makikita malapit sa stage.

Hangga't hindi pa natatapos ang larong ito, hindi pa rin matatapos ang patayan. Malalagasan pa rin kami.

I jumped one square forward.

'Ika nga, dapat tatapusin ang nasisimulan na. But do you think that statement suits our situation right now? In the very first place, hindi naman dapat ito sisimulan kaya hindi dapat ito tatapusin.

I wiped away the tear that escaped from my eye.

This is really too much. The situation becomes worst. Naging pula na ang kanina'y malinis na chess field. The people's cheers and boos ay lalong lumakas lalo na't parang malapit nang matatapos ang laro.

I glanced at my right side and there, I saw Ren who is looking at me. Ahead ako ng isang square sa kan'ya, siguro dahil marami siyang nakalaban base sa mga sugat n'ya sa mukha at braso. He then nod at me meaningfully.

Sa kaliwang bahagi ko naman ay nakita ko si Blyth na nakatingin diritso kay Joaquin. Mas ahead rin ako ng isang square sa kan'ya. No'ng napansin n'yang nakatingin ako sa kan'ya, she smiled genuinely at gaya ni Ren, she nodded at me meaningfully.

I grip my sword tightly. At doon ko lang napagtanto na dalawang sandata pala ang hawak ko ngayon. One is my spear and the other one on my left hand is... Lovely's Katana Sword.

Napatitig ako saglit doon. I remember na hinugot ko ito kanina mula sa dibdib ni Lovely at pagkatapos no'n ay hindi ko alam na hindi ko pala nabitawan kaya hindi nasama sa pagkuha kanina. So pwede pala ito, huh?

Then something comes in my head. What I am holding right now is a Queen's Sword...

At dahil dito, napatingin ako sa aking harapan. Ngayon ko lang napagtanto... I am now one square away towards the end of the chess field...

Ito ba ang dahilan kung bakit binigyan ako nina Ren at Blyth ng isang makabuluhang tango? I swifted my gaze to the two of them who is seriously wandering their gaze around.

Can I do this? Do I deserve to be promoted?

Before my mind could answer, I take another one square forward causing me to face the last unoccupied square, ang position ni Lovely kanina bago magsimula ang laro.

THE CHESS GAME

VOTE AND COMMENT!

Aarjicii (R.G.C)

THE CHESS GAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon