14: LEFT BEHIND

183 17 2
                                        

Chapter 14: Left Behind

NAPAGPASYAHAN NAMING bumalik sa Academy bandang alas 7 na ng gabi. Mukhang pinagplanuhan na talaga ni Joaquin ang kanyang paglabas ng Academy dahil may tali nang nakatali sa pader para gagamitin naming pang-akyat papasok.

"Huy... ako muna ang mauna." sabi ko no'ng napansin kong nagsimula na siyang mag-ala-spiderman sa pader gamit 'yong tali.

"Ako ang naunang lumabas kaya ako rin ang unang papasok." sagot niya naman at pinagpatuloy ang kanyang pag-akyat.

Napakamot ako ng aking ulo. "Eh, hindi ako marunong mag-ganyan." nababahalang sabi ko. Totoo! Hindi ako marunong mag-ala-spiderman o mag-ala-magnanakaw. Wala kasing pagpatungan ng paa di gaya sa puno na magaspang at may mapagpatungan ka. Tanging ang tali lang ang magsilbing paraan namin upang makaakyat.

"Káya mo nga'ng bumaba, eh. Káya mo ring umakyat." sabi niya at nakarating na siya sa tuktok ng pader. That's absurd reasoning! Mas madaling bumaba kaysa umakyat. Kainis!

"Eh, hindi nga ako marunong!" nilakasan ko bahagya ang boses ko. He looked at me in the eyes at saka pumatong sa sanga ng puno! "Huy! Tulungan mo ako!" sigaw ko. Wala akong pakealam kung may makarinig sa akin.

"Dapat bago mo ako sinundan, inisip mo muna sana kung paano ka makakabalik." sabi niya na ikinaawang ng labi ko.

Napabuntong hininga na lamang ako at napasimangot. Tama naman siya. Pinairal ko kasi ang kuryusidad ko. Tsk.

Eh, naman kasi... akala ko tutulungan niya ako! Hayy...

Lumapit nalang ako sa tali at sinimulang hawakan ito. Pero hindi ko pa nga ito nahawakan nang mahigpit ay bigla na itong umangat! Agad akong napatingin sa itaas at nakita kong hinila ito ni Joaquin. Tumalon-talon ako para abutin ang tali pero paangat ito nang paangat.

"Huy, ano ba!" inis na sigaw ko kay Joaquin. "Hindi mo ba ako paakyatin?!" Ngunit walang reaksyon ang kanyang mukha. Tuluyan na n'yang nakuha ang tali at saka hindi ko na siya nakita pa sa itaas.

Hindi ako makapaniwala sa ginawa n'ya. Hindi n'ya ba ako pabalikin sa Academy?

Napasandal ako sa pader no'ng may napagtanto ako. Shit! Ang tanga-tanga ko. Nakalimutan kong magkalaban nga pala kami sa laro. Hindi magkaibigan ang Blacks and Whites kaya wala siyang pakialam kung hindi ako makabalik sa Academy. Kung tutuusin ay malaki ang posibilidad na mananalo na sila agad dahil kulang na ng isang pawn ang mga Whites!

Plano n'yang hindi ako pabalikin sa loob kaya kinuha n'ya ang tali. Maybe I should really remind myself na galit pala ang mga Blacks sa amin at gustong-gusto nilang manalo sa laro kaya gagawin nila ang lahat upang matalo kami.

Ang bobo ko!

Kahit na hindi ko alam kung ano ang posibleng mangyayari kung hindi ako makakabalik sa Academy, malamang ang isang option ay ma-forfeit kami at panalo na agad ang mga Blacks.

So ako ang maging dahilan kung bakit matatalo kami at magdurusa ang Whites? Kung tutuusin ay wala akong pakialam kung matatalo kami pero kung matatalo kami nang dahil sa akin—na hindi bumalik sa Academy—ay ano na ang mukhang maihaharap ko sa community namin? Posibleng sila mama at papa ang puntiryahin nila!

Nako... paano na ito? Hindi ko talaga alam kung paano umakyat at makabalik sa loob. Dead end na ang magkabilang dulo ng pader kaya hindi ako pwedeng umikot sa Academy para mapunta sa main gate.

Siguro nga... tatanggapin ko na lang na malabo na talagang maging kaibigan ang Blacks at Whites. Akala ko, eh. Akala ko maging kaibigan ko si Joaquin. Nagkamali pala ako.

Naiyuko ko ang aking ulo at nakita kong may tubig na pumapatak sa lupa at napagtanto kong luha ko pala ito. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

Pinahiran ko ang aking mga luha at nag-iisip ng mga paraan pero wala, eh. Walang wal—

THE CHESS GAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon