21: THE GAME BEGINS

140 15 4
                                        

Chapter 21: The Game Begins

IT'S FOUR in the morning when I woke up. Bigla akong napangiti sa aming posisyon ngayon sa kwarto. Nasa gitna ako nina mama at papa habang sila ay parehong nakayakap sa akin. Parang bigla akong bumalik sa pagkabata na katabi ang magulang sa pagtulog.

Kagabi, I decided to sleep with them. Miss na miss ko talaga sila at gusto ko silang makatabi.

Napatingin ako kay papa na nasa bandang kaliwa ko. His beards and mustaches grow 'di gaya noong umalis ako sa bahay.  Humahaba na rin ng bahagya ang kulot niyang buhok. Sa katunayan, sa kanya ko namana ang pagkakulot ng buhok ko. At saka, bagay iyon sa kanya. Ang gwapo kaya ng papa ko. Siguro no'ng kabataan niya ay maraming babaeng nagkandarapa sa kanya but end up falling for my mama. Nakakakilig siguro ang love story nila. Gusto ko tuloy marinig.

And speaking of mama, I look at her at my right. A portion of her pure black hair covered her right eye kaya hinawi ko iyon. Her thin lips slightly curved.

In all honesty, my parents are good looking. Well, mga bata pa sila. They are only 40 plus years old. So iniluwal ako ni mama no'ng around 20 years old sila ni papa?

But wait, diba kasali sila sa Chess Warriors? Their age that time is qualified to be one. Now I'm starting to be wondering and interested about their love story.

Sana mabubuhay ako pagkatapos ng laro upang alamin ang love story nila. I really hope and pray.

Sumapit ang alas 5 ng umaga at tumunog ang alarm clock. Sabay na idinilat nina mama at papa ang kanilang mga mata at sabay nila akong nginitian.

I hugged them both. "Good morning." saad ko.

"Good morning, anak." sabay nilang sagot.

Nagtungo na ako sa banyo para maligo. Mga ilang minuto rin ako sa loob dahil parang sa bawat patak ng tubig sa aking balat ay parang naiibsan ang kabang aking nararamdaman ngayon.

This day is really the day. Ngayon na ang araw upang laruin ang walang kwentang laro. Pero kahit na walang kwenta iyon sa mga mata ko, magdudulot ito ng panibagong buhay ng dalawang community.

Marami ring pagbabago ang magaganap sa aming manlalaro. And I really hope na kaya naming harapin kung ano man iyon.

Protect each other. Right. That is what we should do today.

🏁🏁🏁

SAKAY ANG kotse ni papa, pumunta na kami pabalik sa Academy. Five-forty na ng umaga at kailangan kong makapunta doon bago mag alas 6 dahil iyon ang sinabi ng staff kahapon.

Kami. Yes, kami. Sinamahan rin ako ni mama. Nararamdaman ko sa kanya ang takot at pagkabahala. She kept on reminding me that I should fight and stay alive. She said many motivational statements.

"Ma," sambit ko sa kanya. Nasa passenger seat kami ni mama habang si papa ang nagda-drive. Hindi naman nagre-resist kanina si papa na magmukha siyang driver namin ni mama. Bumaling sa akin si mama. "Paano kayo nagkakilala ni papa?"

Halatang nagulat si papa sa tanong ko dahil napatingin siya sa amin. I saw that my mother give me a genuine smile. "Stay alive, I will tell you our story." 'yan lang ang sinabi n'ya.

And from that moment, I heard the most effective motivational words. I should fight and stay alive because I want to see their faces again and I want to hear their love story.

Ilang sandali lang ay narating na namin ang Chaturanga Academy. May nakita rin kaming mga sasakyan, probably iyon ang sinakyan ng iba kong kasamahan or ng mga Blacks. Pagkababa ko ng sasakyan ay sakto ring pagbaba ni Lori sa kabilang sasakyan. Nagkatinginan kami at ginawaran namin ang isa't isa ng ngiti. Gaya ko, nakatali rin ang buhok niya ngayon.

THE CHESS GAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon