Chapter 13: Black Community
BAKIT SIYA lumabas ng Academy? Hindi n'ya ba iniisip na hindi pwede ang kanyang ginagawa?
Pero teka...
Nakasunod ako sa kanya ngayon. Ibig sabihin ay lumalabas rin ako! Tsk. Bakit ko ba siya sinusundan?
"Hey!" sigaw ko. Kanina pa kasi siya naglalakad dito sa gitna ng kagubatan. Saan ba siya pupunta?
Napatigil siya sa kan'yang paglalakad dahil mukhang nagulat siya sa biglaan kong pagsigaw. Malayo-layo na rin kasi kami sa Academy. Lumingon siya sa akin at bakas sa kan'yang mukha ang pagtataka at pagkagulat.
"Saan ka pupunta?" tanong ko. Patuloy akong naglalakad hanggang sa nakalapit na ako sa kaniya.
"You again. Bakit mo 'ko sinusundan?" he asked in reply. Nakakunot ang kan'yang noo.
"Nakita kitang tumalon sa pader kaya sinusundan kita." sagot ko sa kaniya.
"Tsk. You better go back to the Academy." sabi niya at nagsimula ulit siyang maglakad. This time, binilisan niya na ang kanyang mga hakbang.
"Bakit, saan ka ba pupunta?" paghahabol ko sa kaniya. Hindi niya ako sinasagot at patuloy lang siya sa paglalakad. Napatingin ako sa hawak niyang plastik. Marami ito'ng lamang mga pagkain at iba't ibang groceries. "Hey... pupunta ka ba sa inyo para ibigay ang mga 'yan?" pangungulit ko sa kan'ya. Still, he did not respond.
Napabuntong hininga na lamang ako at sumunod nalang sa kanya. Siguro uuwi siya sa kanilang bahay upang bigyan ng supplies ang kanyang pamilya. Ginamit siguro niya ang card na naglalaman ng allowance namin.
Tahimik lang kaming naglalakad. Hindi ko alam kung bakit patuloy ko pa rin siyang sinusundan. Siguro dahil sa kuryusidad. O baka naman dahil takot akong bumalik mag-isa dahil madilim na ang paligid at nasa gitna kami ng gubat.
Nadaanan namin ang mga pamilihan sa Sentro at nakita kong iniyuko ni Wawa ang kaniyang ulo kaya napayuko na rin ako para hindi nila kami makilala. Alam kasi nila kung sino-sino ang kasali sa laro dahil in-announce ito sa bayan. At malalagot kami kung may magsumbong na lumabas kami.
Pagkarating namin sa tulay ay huminto siya at tiningnan niya ako na ikinabigla ko. "Bumalik ka sa Academy. Baka makita ka ng taga-rito at baka saktan ka nila." walang emosyon na sabi niya.
Kinunutan ko siya ng noo. "Kung kailan nandito na tayo, pabalikin mo ako sa academy?"
Napansin ko siyang bumuntong hininga. Halatang nagpipigil siya sa galit. "Sinabihan na kita kanina na bumalik pero hindi mo sinunod."
"Eh, hindi ka na naman nagreklamo kanina, ah?" apila ko.
"Tsk. Bahala ka kung saktan ka nila." sabi niya saka nagsimulang tumawid sa tulay.
Agad naman akong sumunod sa kanya. "Hindi naman ako naniniwalang mananakit kayo'ng mga Blacks." ani ko. Nilakasan ko bahagya ang aking boses para marinig niya.
Napahinto siya saglit pero hindi nagtagal ay nagpatuloy na siya sa pagtawid ng tulay.
Mayamaya ay may nakita na akong mga bahay na gawa sa kahoy. May maraming tao sa gilid ng daan mukhang busy sa kanilang ginagawa. 'Yong iba nagsisibak ng kahoy, may mga batang naglalaro, meron namang umiiyak dahil siguro sa gutom.
"Oh, Joaquin? 'Di ba nasa Chaturanga Academy ka? Bakit ka nandito?" bungad ng isang lalaking halatang mas matanda sa amin.
"Nabalitaan kong namatay si Lolo kaya tumakas muna ako sa Academy para makita ko siya sa huling sandali at para ibigay ito kina inay." sagot naman niya at ipinakita ang dala niyang plastik.
BINABASA MO ANG
THE CHESS GAME (Completed)
ActionHave you ever thought that a simple board game will turn out to be bloody? Witness a real-life battle of pieces in a game called Chess. Shah City has this fearful tradition. Once every ten years, 16 people of each community; the Black and White comm...
