11: TWO GREAT WARRIORS

212 18 0
                                        

Chapter 11: Two Great Warriors

BAGSAK ANG katawang umupo kami sa couch. Sobrang bigat ng mga katawan namin dahil sa bagay na nakakabit sa aming beywang. Some tries to detached the 5-kilo thing but to no avail. Kailangan talaga nito ng susi para matanggal.

"Jobigirl, itimpla mo ako ng kape. Gusto ko'ng matulog." mataray na sabi ni Lori at pumunta sa kan'yang kwarto.

Without any adieu, sinunod ko ang kan'yang utos—ang utos ng aming 'Queen'. Tsk. I also want to rest kaya mabuting sundin ko nalang ang kan'yang utos para wala nang maraming satsat.

Pagkatapos ko'ng magtimpla ng kape ay agad ko ito'ng ibinigay sa kan'ya and then I head straight to my room para matulog dahil halos babagsak na ang katawan ko dahil sa pagod.

🏁🏁🏁

BIGLA AKONG nakarinig ng katok galing sa pintuan ng kwarto ko kaya agad kong naimulat ang aking mga mata.

"Jobs... mag a-alas dos na. Gising na diyan," boses iyon ni Veah at kumatok siya ulit. "Jobs..."

"Opo, Mami V." malumanay na sabi ko. Nakiki-Mami V na rin ako para hindi ako maiiba sa kanila.

Agad ako'ng bumangon at bigla ako'ng napa-ungol at napabalik sa pagkahiga dahil sa nararamdaman ko. Nakalimutan ko'ng may mabigat palang bagay na nasa beywang ko!

Dahan-dahan ako'ng bumangon para ma-balanse ko ang aking katawan. At pagkatapos ay naligo muna ako bago ako lumabas ng aking kwarto.

"Ang bigat ng katawan ko, grabe..." mahinang usal ni Gina pagkalabas n'ya ng kan'yang kwarto.

Nakaupo na kaming lahat sa couch. Inaantay na lang ang ilan para magtungo na kami sa classroom.

From where I am sitting right now, tanaw ko sa labas na nagsilabasan na ang mga boys. Nasa itaas lang namin sila kaya makikita namin 'yong hagdanan nila papalabas ng kanilang dorm.

Biglang dumungaw mula sa hagdanan si Josh at 'yong ibang kasamahan n'ya. "Tara na!" sigaw niya upang marinig namin.

I was about to reply pero biglang humarang si Lori sa harapan ko. Likuran na niya ngayon ang nakikita ko at hindi na si Josh.

"Wait for us! Sabay nalang tayong pumunta sa classroom!" halatang nakangising sabi ni Lori. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ni Josh. Pagkatapos ay humarap siya sa amin at nakita ko pang inirapan niya ako. "Let's go." sabi niya at umunang lumabas sa pintuan ng aming dorm.

At dahil nasa ilalim kami, kailangan naming umakyat sa hagdan upang marating namin kung saan nag-aantay ang mga lalaki. Agad na isinabit ni Lori ang kaniyang kamay sa braso ni Josh at nagsimulang maglakad.

Nakita ko pang pasiring na tumingin sa akin si Lori na para bang nang-iinggit ngunit hindi ko iyon pinansin. As if naman maiinggit ako. Duh.

🏁🏁🏁

"THIS AFTERNOON, you will be able to get to know the people behind the triumph of the White Community. Because of these people, we experienced good life." paunang salita ni Ms. Alyssa.

Indeed we experienced good life. Pero sa kaginhawaan na aming natatamasa, mayroon rin namang naghihirap.

"I will introduce to you the people who brought the first victory to our Community," she went on. Then the picture of 16 adults flashes. "These are the 3rd Batch of White Chess Warriors na nakaputol sa sunod-sunod na pagkapanalo ng mga taga-Black."

Isa-isa n'yang pinakita sa amin ang mga iyon from King to Pawns. Hindi sila pamilyar sa akin. Pero 'yong ibang kasamahan ko ay panay sabing kilala nila.

THE CHESS GAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon