09: THANK YOU

211 20 1
                                    

Chapter 9: Thank You

SHE'S TOO much. Sumusobra na ang ugali niya. Kung siya kaya ang nasa sitwasyon ko? Hindi porke't queen siya at magaling siyang mag-chess, ibig sabihin mataas na siya sa amin.

Tsk. Bakit ba kasi siya ang ginawang Queen? The staff really chose an abusive person.

Hindi ko akalain na sa paglakad-lakad ko ay napunta ako dito sa mini park. Walang tao pagkarating ko dito—only the vendors. Naghahanap agad ako ng mauupuan at magandang spot para pakalmahin ang utak ko.

Maybe in their eyes and mind, I am overreacting. Pero hindi ko na kasi mapigilan. Kapag kasi hindi ako umalis doon, baka ano ang magagawa ko sa balahurang si Lori na iyon. Kung hindi ako nakapagpigil, tiyak ay masabunutan ko na siya.

Nakahanap na ako ng mauupuan malapit sa puno. Agad akong pumunta doon at umupo.

"Hindi ko naman talaga kagustuhan na maparito at mapabilang sa Chess Warriors. Napilitan lang naman ako." mag-isang sabi ko.

Wala namang ibang tao rito maliban lamang sa mga tindera dito sa park kaya walang ibang mag-aakalang nababaliw na ako.

"Kung magagawa ko lang talagang makalabas at umurong ay ginawa ko na upang maging masaya siya!" dagdag ko pa. Gusto kong ilabas lahat ng sasabihin ko. "Bwesit!" Napapikit ako dahil sa pagkainis. "Kung makapag-utos, wagas! Kung makapanglait, akala niya nama'y perpekto siya." I went on, breathing continuously. "Mutangina!" sigaw ko sabay hingal.

"Can you at least lower your voice?"

Naimulat ko agad ang aking mga mata no'ng marinig ko iyon. Dali-dali kong hinanap kung saan galing ang boses na iyon. Wala naman akong nakikitang ibang tao'ng malapit sa akin. Boses iyon ng isang lalaki at mukhang malapit lang ito sa akin. Iginala ko nang paulit-ulit ang aking paningin pero wala talagang ibang tao. My god. Minumulto yata ako!

Bigla ako'ng napatingin sa itaas para sana magdasal pero nagulat ako nang may nakita akong isang lalaking prenteng nakahiga sa malaking sanga ng puno kung saan nakapako ang inuupuan ko ngayon.

Hindi siya nakatingin sa akin bagkus ay nakapikit lang ang kanyang mga mata. Alam ko'ng taga-Black siya. Specifically, he's their King—sa pagkaalala ko. I think his name begins with 'Wa'. Hindi ko na matandaan kung ano ang kasunod because I'm bad with names. Basta, I will call him 'Wawa' na lang.

"What are you doing there?" I asked him. Ano'ng ginawa n'ya sa itaas ng puno? Akala ko talaga minulto na ako kahit na ang aga pa.

"Resting, obviously." tipid na sagot n'ya, still without looking at me.

"Wala ba kayo'ng class ngayon?" tanong ko. Ibinaba ko ang tingin ko sa lupa dahil sumakit ang leeg ko sa pagtingin sa kan'ya sa itaas. Napahawak na lang ako sa aking batok.

"You don't need to know." maikling sagot n'ya na ikinakunot ng noo ko.

Okay, I get it. Ayaw n'yang sabihin sa akin kung ano ang ginawa nila ngayon. Baka magkaiba ang ginawa ng mga Blacks at sa amin. Magkalaban kasi kami kaya siguro ayaw n'yang sabihin.

Tsk. OA naman nitong si Wawa. Bakit, may ginawa ba silang kababalaghan kaya ayaw n'yang sabihin?

But I guess, may class siguro sila ngayon dahil mag-isa lang siya dito at wala ako'ng ibang Blacks na nakikita. Probably, tumakas siya sa klase kaya umakyat siya sa puno.

Hula ko lang naman ito...

Pwede rin namang nasa dorm lahat ng Blacks at gusto n'yang magpahinga at magpahangin.

Tumingin ulit ako sa kan'ya. "Uhm, can I share my thoughts with you?" seryosong sabi ko sa kan'ya sabay buntong-hininga.

Honestly, mas gusto ko pang kausap ang mga Blacks kaysa sa kapwa ko Whites. I don't know. Baka dahil sa hindi ko gusto ang ipinakitang pag-uugali ng mga Whites sa akin lalo na ngayon—si Lori. Well, except for Veah. I like her attitude. Parang itinuturing ko na siyang bestfriend-slash-mommy. Siguro dapat ko na rin siyang tawaging Mami V. Bagay sa kaniya dahil siya 'yong palaging nagko-correct at nanenermon sa akin.

But right now, I need someone to talk to. 'Yong hindi ko kakilala. Sa tingin ko kasi, mas magandang kausap ang hindi mo kakilala dahil wala silang maihusga sa 'yo dahil hindi ka rin naman talaga nila kilala. At hindi mo rin sila kilala kaya hindi ka matatakot na sabihin sa kanila ang problema mo.

Ilang segundo ang lumipas ay hindi niya sinagot sa tanong ko. And I will take that silence as a 'yes'. So I went on. "Bakit kaya may ibang tao'ng ang taas ng tingin nila sa sarili, 'no?" I muttered, looking somewhere. "Kahit na—"

"Because of the cards they are holding right now."

Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa biglaan niyang pagsagot. I am surprised. I didn't expect him to respond. Ang nais ko lang naman ay may tao'ng makikinig sa akin ngayon.

Napatingin ako sa kanya na nagpatuloy sa pagsasalita. "Akala nila, 'yong cards na hawak nila ngayon ay magtatagal habambuhay. Akala nila na ang parati nilang mabubunot ay 'yong cards na matataas ang halaga. Pero hindi nila alam na pwede itong mabago dahil magre-reshuffle ang mga cards." seryosong sabi niya. He's still looking above na animo'y nando'n ang kaniyang kausap.

Napaisip ako sa sinabi n'ya. He's right. Hindi parating masaya ang ating buhay. Hindi parating maginhawa ang ating pamumuhay. Dahil may panahong mababago ito depende sa husga ng oras. Maaaring ngayon, alas pa ang hawak mo, ang pinakamataas na halaga ng cards, pero maaaring mapapalitan 'yan ng dos pagsapit ng panahon. Or worst, a joker na hindi masyadong ginagamit.

"Gaya n'yong mga Whites. You all think that you are superior dahil nasa inyo pa ang oportunidad. Mataas ang tingin n'yo sa sarili n'yo dahil nasa inyo pa ang Ace Card. Pero darating din ang panahon na mapapalitan rin 'yan." pagpapatuloy n'ya.

I let out a chuckle no'ng narinig ko iyon. "Oo, ganyan nga ang mga taga-White. Makasarili, mapang-api, mataas ang tingin sa sarili and such." pagsang-ayon ko sa kan'ya. Kung ano ang ugali ni Lori, gan'yan ang majority ng pag-uugali ng mga Whites. She is the perfect representative of all the Whites.

Napansin ko'ng napatingin siya sa akin causing him to display his intense gray eyes.

"Degrading your fellow Whites, huh?" he said then I heard him chuckled.

Bahagya ako'ng napatawa sa sinabi n'ya. "I'm just agreeing on what you've said. Totoo naman, eh."

"So, you also admit na ganiyan ang ugali mo? You belong to White community, remember?" sabi niya. Ibinalik niya ang paningin niya sa itaas.

Napabuntong hininga ako. "Hmm... bahala ka nalang kung ano sa tingin mo ang ugali ko. Pero ito lang ang masasabi ko sa 'yo, I don't like those Whites who think that they are superior among others especially to the Blacks like you." sinserong sabi ko. Napatingin ako sa itaas. Ang ganda na nitong tingnan. Naghahalo ang kulay asul, pula at dilaw sa kalangitan.

Nakita ko siyang gumalaw at bumaba na sa puno. "I think you're different from them." sabi n'ya pagkababa n'ya at seryoso'ng nakatingin sa akin.

"Why do you say so?" I asked him. I mean, bakit n'ya nasasabing iba ako sa kapwa ko Whites? Agad ba siyang naniwala sa sinabi ko kanina?

"Ikaw 'yon, 'di ba?" he asked in reply. Nasa tapat ko na siya ngayon habang pinapagpag ang kan'yang damit.

Napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya. "Ang alin?" takang tanong ko.

Tumingin siya sa akin. "Ikaw 'yong nag-iwan ng pera sa lugar namin, 'di ba?" sabi n'ya, confirming his thoughts.

Nakaramdam naman ako ng iba pagkatapos n'yang sabihin iyon. So he saw me? Isa siya sa mga tao'ng nakatingin sa akin noong pumunta ako sa Black community at nag-iwan ng pera?

I'm glad that he recognized me. Parang gumaan ang pakiramdam ko ngayon.

Hindi na n'ya inantay ang sagot ko at unti-unti na siyang humakbang paalis. Napatingin na lamang ako sa kan'ya at sumilay ang ngiti sa labi ko.

Ilang sandali ay bigla siyang napatigil sa paglalakad. Without facing at me, he spoke. "Thank you for helping us."

Pagkatapos n'yang sabihin iyon ay nagpatuloy na siyang umalis hanggang sa narating na niya ang pintuan ng mini park at lumabas. Nakita ko pang sinalubong siya ng isang lalaking Black rin at pagkatapos no'n ay hindi ko na sila nakikita dahil sumarado na ang pinto.

"You're welcome..." mahinang sabi ko nalang.

THE CHESS GAME

THE CHESS GAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon