Chapter 17: Something New
"ROSY, IBILI mo nga ako ng face cleanser doon sa mini park. Ubos na kasi, eh. Tsaka samahan mo nalang rin ng shampoo." utos ni Gina pagkalabas niya ng kan'yang kwarto. Nakasakbit sa baliktat niya ang kanyang tuwalya.
Halos patapos na kaming lahat pero siya ay mukhang kagigising pa lang. Alas 8 na ng umaga at alas 9 ang training namin.
Tatayo na sana si Rosy kaso pinigilan ko siya. "'Wag, Rosy... hayaan mo siyang siya ang bumili." sabi ko.
Halata sa mukha ni Rosy ang pagkabigla and at the same time, she hesitates if she will follow what I said, or follow Gina's command.
"Huy, Jobella, ano na naman 'to? Hindi ka na ba natututo? Sige na Rosy... anong oras na, oh." nakapamewang na sabi ni Gina. Her unnatural thick eyebrow raised. Tsk.
For the second time, pinigilan ko na naman si Rosy. "No, Rosy... Umupo ka."
Parang nalilito si Rosy sa kung ano ang kanyang gagawin. Nakita ko pang napakamot siya sa kanyang noo. She even adjusted her eyeglasses.
"Hayaan mo na siya, Jobs. Baka gulo na naman ito." bulong sa akin ni Mami V. Halata sa tono niya ang pag-alala.
I just gave her an assuring look.
"Dali na, Rosy! 'Di ba ako ang susundin mo—?"
Natigil sa pagsalita si Gina dahil biglang lumabas si Lori galing sa kanyang kwarto. Halata sa postura niya ngayon na tapos na siyang maligo at magbihis.
"Anong nangyari dito?" kalmado niyang tanong sa amin.
"Eh, Queen, inuutusan ko kasi itong si Rosy pero nang-e-epal na naman itong si Jobella!" pagsumbong ni Gina kay Lori sabay turo sa akin.
Bahagyang tumingin sa akin si Lori pagkatapos ay kay Gina. "Ano ba'ng inuutos mo?" tanong niya.
"Face cleanser and shampoo. Maliligo na kasi ako. Baka sila pa ang dahilan kung bakit tayo male-late!" sagot ni Gina.
"Ikaw ang gagamit, right?" Lori asked her with her arms folded together.
"Oo..." Ngayon, halata na sa mukha ni Gina ang pagtataka. Umiba kasi ang tono ni Lori.
"Eh 'di, ikaw ang bumili. Ikaw ang gagamit, 'di ba?" natatawang sabi ni Lori na ikinaawang ng mga labi ni Gina.
"What?! A-Anong—"
Lori cut her off. "Simula ngayon, hindi na tayo mang-uutos ng iba para sa ating pansariling interes, maliwanag?" ma-awtoridad na sabi ni Lori. "Now go, buy your cleanser and shampoo."
Napasimangot bigla si Gina. Hindi n'ya siguro in-expect na biglang magkaganito si Lori.
"Oh, wait, Ginagirl..." biglang sabi ni Lori no'ng magsimula nang maglakad ni Gina paalis. Napatingin lang ang huli sa kanya. "Bilisan mo, ha? Baka male-late tayo." nakangiting saad n'ya. 'Yong tono n'ya ay may halong pang-pipikon.
Nakarinig kami ng isang malakas na kalabog galing sa pintuan dahil sa padabog itong isinara ni Gina.
Lahat sila ngayon ay naging tahimik at mukhang pinoproseso pa ng utak nila kung bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin kay Lori. Well, except for me. I am happy on what I saw to her right now.
Nakita kong tumingin siya sa akin at nginitian ako ng napakatamis. I showed her my thumbs up at gano'n rin ang iginawad niya.
For me, the best thing you can give to yourself is to be who you are. And that is what Lori is doing right now.
🏁🏁🏁
ILANG ARAW na ang lumipas at puspusan na ang pagte-training namin. The days passed, went so smooth. Payapa na ang lahat. Hindi tulad ng dati, masaya na ang dorm namin. Tumatawa na kami, nagkukwentuhan nang walang bangayan na nangyayari. Nakilala na rin namin ang isa't isa. Lumalabas na rin ang mga kalokohan namin. Ngayon ko nga lang na-realize na masaya pala dito. May iba't iba kang nakakasalamuha.
BINABASA MO ANG
THE CHESS GAME (Completed)
ActionHave you ever thought that a simple board game will turn out to be bloody? Witness a real-life battle of pieces in a game called Chess. Shah City has this fearful tradition. Once every ten years, 16 people of each community; the Black and White comm...
