Chapter 4: The Boys
GUSTUHIN KO mang sagutin at hindi sundin ang sinabi ni Lori ay hindi ko magawa. Baka lalo lang siyang ganahan sa pang-uutos. Alam n'yo na, "the more you resist, the more they insist." Well, imbento ko lang ang quote na iyon.
Anyway, heto ako ngayon naghuhugas ng napakaraming pinggan. Eh, paano, ang daming platong ginamit ng mga balahura. Isa sa kanin at isa-isa sa bawat ulam. Tsk.
Sanay naman akong maghugas ng plato. It's just that, ang rason lang kung bakit ako naghuhugas ang nagpapabigat sa kalooban ko.
"Ang sipag mo naman."
Bahagya akong naigting at napatigil sa paghuhugas dahil sa biglaang may nagsalita sa likuran ko. Paglingon ko ay 'yong mataas ang buhok na may dalawang piercings sa magkabilang tenga pala.
Hindi ko nalang siya pinansin at ipinagpatuloy ko nalang ang paghuhugas ko ng mga pinggan.
Lumapit siya sa akin kaya ngayon, nasa gilid ko na siya. "Jobella, right?" tanong n'ya. Hindi ako sumagot. Heck, kasali siya sa malalaki ang ulo.
Tsaka baka may masamang plano ito ngayon kaya siya nandito. Baka inutusan siya ni Lori.
"I'm Regliah Parot." sabi n'ya sabay lahad ng kanyang kamay sa akin. But, I just stared at it.
Hello, naghuhugas ako ngayon ng pinggan. May sabon ang mga kamay ko.
Napansin kong ibinaba nalang n'ya ang kaniyang kamay at tumawa nalang nang mahina. "I understand you. Siguro iniisip mo'ng katulad ako sa kanila. At dahil isa akong Knight na kasali sa officials ng chess ay masama na ang ugali ko." sabi n'ya. "But Jobella, I tell you. I'm not like them. Alam ko ang feeling na apihin dahil naranasan ko rin iyon."
Napatingin ako sa kan'ya. Her voice is very sincere to the point na mapaniwala ka talaga. Galing eh, 'no? Eh, kanina siya pa nga 'yong unang nang-utos.
"Kanina, inutusan ko si Blyth dahil siya naman talaga ang gusto ni Lori na gumising sa kan'ya." pagpatuloy n'ya. Parang nababasa niya ang iniisip ko.
"Anong punto mo?" tanong ko, still my eyes were fixed on the plates.
"Gusto kitang maging kaibigan." she muttered that made me stopped for a while. Napatitig pa ako sa kan'ya matapos n'ya iyong sabihin.
"Wow, ah?" I commented then let out a chuckle. "Isang Knight, makikipagkaibigan sa isang Pawn? Huh."
"I'm serious. I like your personality. Ganiyan ang gustong ko'ng maging kaibigan."
Hindi ko na siya sinagot. I'm not fully convinced. Maybe next time sasali siya sa isang networking company para alam n'ya kung paano mangumbinsi.
Mayamaya ay napansin ko'ng hinuhugasan n'ya ang mga sinasabon ko'ng pinggan.
"Hey..." saway ko sa kanya. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ng Queen kanina?" tanong ko sa kan'ya, highlighted the Q-word.
"Narinig." ikling sagot n'ya at pinagpatuloy n'ya ang kanyang ginagawa.
"Eh, ano itong ginagawa mo?"
"Obviously, I am helping you."
"So hindi mo naintindahan ang sinabi n'ya kanina?" natatawa kong tanong sa kan'ya sabay iling.
"No pawn shall going to help you." she stated and look at me, smiling. "And I am not a pawn. So, I can help you."
Napakurap ng ilang beses ang mga mata ko matapos niya iyong sabihin.
🏁🏁🏁
DAHIL SA tulong kanina ni Regliah, natapos ko nang mas mabilis ang paghuhugas ng pinggan. Panay rin ang paghingi ng tawad sa akin ni Veah and at the same time ay senermonan n'ya ako.
"Bakit ka ba kasi sumagot pa sa kanila? Ako naman ang inutusan, eh. Káya ko naman ang inutos ni Gina. Ayan tuloy naparusahan ka."
Iyan ang eksaktong sinabi n'ya sa akin. Pero pinalampas ko lang iyon sa aking tainga. I did not regret everything that I've said. They deserved to hear that.
"I sensed na gwapo ang King." sabi ni Gina, the eyebrow-drawed Bishop.
"Dapat lang. Siya kaya ang ka-tandem ko, right?" saad naman ni Lori sabay giggle.
Naglakad na kami ngayon papunta sa lugar na sinabi sa amin. Papunta kami ngayon sa isang room na kung saan magkikita raw kami ng mga lalaki. Nasa unahan sina Lori, Gina, Jing at Regliah—the chess officials. Habang kami namang mga Pawns ay nasa likuran nila.
Sabi ng babae kanina, pinauna n'ya kaming pinalabas ng aming dorm. Saka lang daw lalabas ang mga lalaki kapag nakapasok na raw kami sa room para raw totally surprised kaming makita sila.
Tsk. Ano sila, artista?
Pagkarating namin sa sinabing room ay umupo na kami doon para hintayin ang pagdating ng mga lalaki.
"Oh, my God. Excited na akong makita sila. Sana mga gwapo sila." rinig kong tili ni Jing, the blonde-haired Rook.
Kung ganyan lang naman ang habol nila, eh, malabong mananalo kami sa laban. We are here to learn and train. Hindi lumandi. Tsk. Duh...
Mayamaya, bumukas ang pintuan ng room kung nasaan kami ngayon. Lahat kami ay napatingin doon at naghihintay na may lumabas doon.
After a while, nagsipasukan na sila. Lahat sila matatangkad na pinangunahan ng isang pamilyar na lalaking maputi, matangos ang ilong at mahaba ang buhok na hanggang balikat.
Agad na lumapit si Lori sa kanila kaya napasunod na lamang kami.
She swayed her hair. "Hi, I'm Lori Janes. The Queen. And you must be the King?" saad n'ya sa lalaking mahaba ang buhok.
"Yeah. I'm Josh Montecillo. The King." sabi nito at nakipagkamay naman si Lori sa kan'ya. Halata ang naglalakihang mga ngiti ng huli. "These are our officials: James the Rook, Reynan the Knight and Benedict the Bishop." pagpakilala n'ya sa amin sa tatlong lalaking nakangiti habang kumakaway sa amin. "And these are our Pawns: Ren, Ain, Carl, and Charles." pagkatapos ay kumaway rin ang apat na lalaki.
I wonder kung inaapi rin ba sila ng mga officials. Especially sa King. Kilala ko siya...
Kami naman ang pinakilala isa-isa ni Lori. Sa bawat pakilala niya sa isa sa amin ay kinamayan sila ng mga lalaki.
Hmm... tsansing. Tsk. Tsk. Tsk.
Hanggang sa ako na ang ipinakilala ni Lori. "And this is Jobella. The last Pawn arrived just this morning." mabait ang boses na sabi n'ya.
Lumapit naman sa akin ang lahat ng mga lalaki para makikipagkamay sa akin. Pansin kong nakatingin lang sa akin ng diritso si Josh habang ako ay patuloy na kinamayan ang mga lalaki.
Seryoso ang mukha n'ya. His bluish eyes stared at me that makes me feel uneasy pero hindi ko na lang pinahalata.
Mayamaya ay lumapit na siya sa akin. Parang huminto ang lahat lalo na no'ng hinawi n'ya ang kanyang mahabang buhok. That was really his mannerism.
I really knew him. Really, really knew.
Inilahad n'ya ang kan'yang kamay sa harap ko. "I'm Josh." seryosong pakilala n'ya. I just smiled at him at tinanggap ang kamay n'ya para makipag-shake hands.
No'ng makita ko siya kanina ay hindi ko pinahalata na nagulat ako. I cannot believe na nandito rin siya.
Si Josh Montecillo.
Ang aking Ex-Boyfriend.
♨THE CHESS GAME♨
Vote and Comment!
I-bunos n'yo na rin sa akin ang pag-follow n'yo (hehe)
Aarjicii (R.G.C)
BINABASA MO ANG
THE CHESS GAME (Completed)
AcciónHave you ever thought that a simple board game will turn out to be bloody? Witness a real-life battle of pieces in a game called Chess. Shah City has this fearful tradition. Once every ten years, 16 people of each community; the Black and White comm...
