26: MIDDLE OF THE GAME (Second Parent)

109 12 0
                                    

Chapter 26: Middle Of The Game (Second Parent)

"Mami V!"

HALOS MAPUTOL ang lalamunan ko kakasigaw kay Mami V. She's crawling on the ground with a scared look on her face! May maraming dugo sa damit niya at napansin kong may tumutulo sa bandang gilid ng ulo niya.

Hindi!!!

Napatingin ako doon sa kanyang kalaban. Ang square na inaapakan nila ngayon ay hindi kapantay kung nasaan ako ngayon. Mas ahead sila ng isang square—then two squares to my right side.

Nakita kong dahan-dahang pinulot ng babaeng kalaban niya ang Katana na nasa lupa.

K-Katana... then this means that...
...this means that Mami V is fighting against the Black's Queen! Sa pagkakatanda ko, her name is Lovely Laurent!

"Mami V!!!" sigaw ko ulit. Halos mapaos ako sa kakasigaw. No... hindi pwede!

Patuloy na gumagapang nang mahina si Mami V papalayo sa direksyon ni Lovely. Kita ko kung paano nanginginig ang kanyang braso at paa sa bawat gapang niya. At alam ko kung bakit siya gumagapang—not because she wants to avoid Lovely but to get her spear. I know that she wants to fight even though she's already in a weak state!

Mami V looked at my direction. A portion of her wavy hair covers her face. Suddenly, she gave me a genuine smile. A smile that she always gave to me whenever I need some motivations. A smile that no one can buy. A smile that probably the last—no! She won't die!

Gustuhin ko man siyang tulungan ay wala akong magawa. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang hinahampas-hampas ko ang kamay ko sa lupa.

With teary eyes, I looked around hoping to see Gina or Regliah or someone that has a capacity to save Mami V gaya ng pag-save nila sa akin. But I found none. They are busy with their own fights. And if there is any, malabong matulungan nila si Mami V.

Lovely just stood still while her Katana rested on her shoulder—looking at Mami V's direction. Seems like she is waiting for Mami V to get the spear.

Seryoso ang mukha ni Lovely. Wala kang makikitang ibang emosyon kung hindi galit at pagkauhaw na manalo.

Hindi na ako mapakali. I want to save her but I can't! Urgh!!!

Ilang saglit ay nakuha na ni Mami V ang kanyang spear. Trembling, she stood up at nakita ko ang napakaraming galos sa kanyang katawan. Her body was covered by sweats. She turn herself to face the Black's Queen. Bakas sa mukha ni Mami V ang pagkatakot. Sa bawat patak ng kanyang luha ay nararamdaman ko ang sakit nito.

I put my two hands on my face at doon ako humagulgol sa pag-iyak. I wish for the miracle to come para mailigtas si Mami V. I repeatedly shook my head.

Shing!

Kasabay ng ingay ng paligid ay ang isang malakas na kalansing ng espada ang um-echo sa aking tenga. Paulit-ulit ko iyong naririnig at sa bawat tunog na iyon ay ang pamilyar na daing at iyak.

Patuloy ko lang na tinakpan ang mukha ko dahil hindi ko gustong makita ang nangyayari. Ayaw kong makita ang labanan ng nanghihinang si Mami V at sa  Black's Queen na si Lovely.

Patuloy na nagtatambol sa kaba at pagkabahala ang dibdib ko.

Shing!

A loud sound of a sword echoed into my ears at kasabay nito ang isang malakas na sigaw ng naghihiningalo.

"Ugh—!"

My tears are continuously flowing. Para akong nabingi dahil parang tumahimik ang paligid nung narinig ko ang pamilyar na boses na iyon. I immediately removed my hands that cover my face and my spear rolled over the ground where I was kneeling after I saw what happened.

THE CHESS GAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon