SPECIAL: SEEKING HELP (Josh)

111 10 0
                                        

A/N: Introducing Josh's POV before the assembly.

Special Chapter: Seeking Help (Josh)

🏁JOSH🏁

THE BATTLE of this year that most of the people here feared the most is finally over. White Community won the game. We won the game. However, many lives were taken away including all the people na naging malapit sa akin.

After the closing ceremony of the game, kanya-kanya nang umuwi ang mga tao. May nag-iyakan, may nagsigawan sa tuwa at meron ding parang wala lang.

I am glad that I survived the game. At masaya rin ako na pinatili niyang mabuhay hanggang sa huli. She fulfilled what she have promised. She's been crying and I know that even if I will try to comfort her, hindi siya magiging maayos agad-agad. She needs time to heal at ibibigay ko iyon sa kaniya.

Ilang araw ang lumipas ay parang wala lang nangyari. Balik na agad sa normal na buhay. Minsan pinupuntahan ko sina James, Benedict at Ren para may makausap ako. Sila na lang tatlo ang natitira na kasa-kasama ko sa dorm dati. Fortunately I knew where are their house no'ng isa-isa kaming hinatid pauwi noon. Minsan iniimbetahan rin namin si Blyth.

"Why not puntahan natin si Jobella? Hindi pa natin siya nakakausap." sabi ni Blyth. Same as usual, nasa coffee shop kami dito sa Sentro.

"Oo nga. Palaging tayong lima lang ang nag-uusap. We forgot na anim tayong naka-survive sa game." saad naman ni Ren at tumingin silang lahat sa akin.

I brushed my hair using my hands first before I spoke. "I guess she's not ready to talk to us yet."

"Bakit naman? Para namang may kasalanan tayo sa kanya..." Benedict muttered habang inilapag ang tasa niya sa mesa.

"Josh is right," Blyth spoke next kaya natuon ang atensyon namin sa kanya. "She's so fragile. She's not yet ready to talk to us, not because she have issues with us, but maybe because talking to us might bring back the memories of what happened to the game. Ang dami natin dati but look, anim na lang tayo." she continued and they all nodded.

That's exactly the reason. Blyth knew Jobella well dahil magkasama sila sa dorm while me, I know her because there was an us before. Naging kami ng ilang taon but because we both busy to the point na nawawalan kami ng time sa isa't isa, we decided to end our relationship first. That's a mutual decision. We became friends hanggang sa umabot na nga na hindi na kami nagkakita pa dahil naging hands-on na ako sa business ng pamilya namin.

"Papalipasin muna natin ang panahon." sabi ko sa kanila. Gustong-gusto ko na siyang puntahan sa kanila dahil nakapunta na ako sa kanila noon. But 'yon nga, I understand her. I knew that she will be the first one na makikipagkita sa amin if that time comes.

I hope you're fine, Bella...

🏁🏁🏁

"UHM JOSH, I forgot to tell you. May dumating palang messenger kagabi mga alas 8. May ibinigay siyang envelop na may pangalan mo. Kaso parang tulog ka na sa mga oras na iyon." biglang sabi ni mommy.

Alas 12 y media na ng tanghali at kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian. Nagtaka naman ako saglit sa sinabi ni mommy.

"Kanino galing, mom?" tanong ko at sinubo ang pagkain.

THE CHESS GAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon