18: REAL GAME IS COMING

184 15 1
                                        

Chapter 18: Real Game Is Coming

NAKITA NAMING umalis si Sir Jessie matapos niyang ibinaba si Ms. Alyssa na ngayon ay parang namumula ang pisngi—eh? Namba-blush ba siya?

Anyways, sabi ni Sir Jessie ay kukunin lang daw niya ang mga sapatos namin.

"Uhm, may itatanong lang ako," This time, ako ang nagtaas ng kamay. All of them looked at me and I guess I should went on. "Yes, we all know how our shoes will work pero nagtataka lang ako, sa larong chess, magsasalitan ang dalawang players ng kanilang galaw. Pero 'yon nga, kami mismo ang gagalaw, isn't it confusing? We can move whenever we want kahit na hindi pa namin turn."

Naisip ko lang kasi iyon. Kahit pa sasabihin nilang may turns ang Blacks and Whites, still hindi mawawala ang thought na posible namin itong suwayin. Knowing humans, we are rule breakers—not all but we can generalize.

Suddenly, Ms. Alyssa flashes a smile. "Thanks for reminding that one. I guess you will understand all the rules of the game once you wear your shoes and try to step on the chess field. But, because you asked, I will answer that," sabi niya. "I'll tell you na walang salitan ng galaw kagaya ng totoong laro ng chess. Everyone can move at the same time. Pero..." she paused, raising her forefinger, and looked at us one-by-one. "...once you will take a step, hindi ka makakagalaw ng sampung segundo."

Kahit na hindi kami totally naliliwanagan ay tumango na lamang kami. I guess she's right. Maiintindihan lang namin ang mga sinasabi niya kapag suot na namin ang sapatos at makaapak na kami sa chess field.

Mayamaya ay dumating na si Sir Jessie kasama ang ilang staffs dito. Mukhang dala na nila ang mga sapatos na aming gagamitin. Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-excite o kabahan dahil feel ko na ang totoong laro.

🏁🏁🏁

MISS PAZ reminded us about our places. Matapos naming masuot ang aming sapatos ay pinapunta na kami sa aming assigned places na kapareho no'ng seating arrangement namin.

Naka-indicate sa screen ng sapatos ko ang salitang 'Pawn'.

"This time, all you need to do is to practice your moves. And take note, especially to the officials, only the Knights can jump over the other. One wrong move, mare-repel kayo." paalala ni Sir Jessie.

Nakita ko namang tumango ang mga kasamahan namin sa likod. Hindi naman namin pinansin ang mga Blacks sa kabilang parte.

"Okay, I will activate now the field." Pagkasabi no'n ni Sir ay may naramdaman ako bigla sa kinakatayuan ko. Parang may something sa square na inaapakan ko ngayon.

Base on my learnings about chess, pwede mag-take ng 2 steps forward ang Pawn kapag first move pa lang and the proceeding steps ay isa na lamang.

Susubukan ko sanang i-violate ang movement ko kaso baka masakit kung tatalsik ako katulad no'ng nangyari kay Ms. Alyssa kanina. Nakita kong sinubukan na ng ibang kasamahan ko ang kanilang galaw. Nakita ko ang iba na natumba at 'yong iba naman ay nagtawanan. Mukhang ini-enjoy nila ang paggamit ng sapatos.

I decided to take two steps forward. Malaki ang squares. Mukhang kasya ang siyam na katao kaya ibig sabihin, malayo ang pangalawang square kaya dapat akong tumalon nang napakalakas at napakataas.

Wait, how can I jump that far? Ang layo ng pangalawang square for Pete's sake!

But luckily, biglang nagsalita si Ms. Paz dahilan para maliwanagan ako. "Your shoes has a spring kaya magiging mataas ang talon n'yo. I-practice n'yo kung paano ito gagamitin." Nakita ko namang tumango ang mga kasamahan ko.

I took a deep breath. Tumalon ako nang malakas at nagulat ako kasi ang lakas talaga ng talon ko. As in sobrang taas. Dahil sa gulat ay parang hindi ko ma-control ang talon ko at parang hinigop ang sapatos ko doon sa unang square pa lang kaya hindi ako nakaabot sa pangalawa.

THE CHESS GAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon