A/N 1: Expect Third Person's Point of View to this part and to the succeeding chapters.
A/N 2: Check out the media above. Focus only to the Chess Field (hindi sa mga nakatung-tong kasi wala tayong kabayo lol!)
Chapter 22: Start Of The Fight (The Twins)
PAGKATAPOS NG lahat ng speech sa stage, may nagsidatingang mga staffs. Pumunta ito sa amin at isa-isang inilapag ang sandata at sapatos namin kung saan kami nakatayo ngayon. Napatitig lang ako doon at nakita kong bago nga ang sapatos at ang spear na gagamitin ko. Mayamaya ay lumapit ito sa akin upang tanggalin ang bagay na nakakabit sa bewang ko. Pagkatanggal niyon ay walang pasabing umalis ito.
At tulad ko, nakarinig ako ng mahahabang exhales galing sa mga kasamahan ko. Gumaan ang katawan ko bigla. Para akong lumilipad. Parang papel na lamang ang pakiramdam ko at wala akong ma-feel na bigat sa katawan.
"At this moment, the players now wear the Chess Shoes. If you are already settled, just stand up for us to know at para sisimulan na natin ang laro at i-activate na natin ang Chess Field." sabi ng host. Agad naman namin itong tinalima.
Dahan-dahan kaming umupo para maisuot ang sapatos. De-sintas ang sapatos kaya matagal iyong maisuot. At ito siguro ang benefit ng pagsuot namin sa 10-kilos na bagay na iyon dahil para bang ang bilis na ng aming mga galaw dahil ang gaan na ng aming katawan.
"And remember, you should familiarize the faces of your opponents. Alamin n'yo ang kanilang mukha at kung ano ang role nila nang sa gano'n ay may ideya kayo kung ano ang movements nila. Walang costume na nagpapahiwatig na siya ay king, o queen, o di kaya'y bishop at iba pa." paalala ng host.
Hindi n'ya naman kailangan sabihin pa iyon sa amin kasi sa training pa lang ay iyan ang isa sa aming naisipang strategy. Ano ang tingin nila sa amin? Mga bobo? Tsk. At saka the swords itself are already indicators.
Matapos kong maisintas at maisuot ang aking sapatos na may tatak na 'Pawn' sa screen ay tumayo na ako at hinawakan nang mahigpit ang aking spear.
Matapos ng ilang sandali ay nakita kong nakatayo na ang lahat. Nagsimula nang tumambol ang dibdib ko dahil sa kaba. Napatingin ako sa gawi ng mga kasamahan ko. Nakita ko sa bandang kanan ko si Mami V na nagsa-sign of the cross.
Tumingin ako sa likuran ko kung nasaan si Josh. Nagtama ang paniningin namin at sobrang seryoso niyon. Bahagya siyang tumango na para bang sinasabi niya na 'give your best.' Sa gawing kaliwa naman niya ay si Lori na malalim ang iniisip. No'ng nakita niyang nakatingin ako sa kanya ay napangiti siya. Ngiting mapait.
"PEOPLE IN SHAH, GET READY BECAUSE WE CAN NOW WITNESS THE EXCITING GAME!" sabi no'ng host at nagsimula nang mag-ingay ang paligid. Iginala ko ang paningin ko sa crowd pero hindi ko nakikita sina mama at papa. "Chess Warriors, ready yourself because we will begin in 3, 2, 1..."
Pagkatapos sabihin iyon ng host ay naramdaman na namin na nag-activate na ang chess field. Ibig sabihin, magsisimula na nga ang laro at walang pagsisidlan ang kabang aking nararamdaman ngayon.
"Go!"
It's a cue for us to start moving. Nagsimula nang umingay ang paligid. From my view, nakita kong nagsigalawan na agad ang mga kasamahan ko at 'yong mga blacks. Nag-aabantehan na ang mga pawn. Ang katabi ko kanina na si Carl ay nado'n na sa ikalawang square na kulay itim. Pumalit sa pwesto ni Carl si Gina and I saw 10-second timer on the square where they are standing. Ito 'yong napag-praktisan namin.
Pero, parang hindi ko magawang makagalaw.
Taka akong tiningnan ni Gina at parang sinabihan ako na kailangan kong gumalaw at sundin ang napagplanuhan namin pero hindi ko magawa!
BINABASA MO ANG
THE CHESS GAME (Completed)
БоевикHave you ever thought that a simple board game will turn out to be bloody? Witness a real-life battle of pieces in a game called Chess. Shah City has this fearful tradition. Once every ten years, 16 people of each community; the Black and White comm...