Chapter 2: Her Role
TAMA NGA ang sinabi nila. Expect the unexpected.
Noong sampung taon pa lamang ako, nakikita ko na ang totoong labanan. Nakita ko na kung paano nagpatayan ang mga tao sa Chess Field. I saw how the blood scattered into the area. Cries and cheers were also booming.
Pero ngayon, hindi ko akalain na maging kasali ako sa tinatawag nilang Chess Warriors—isa sa taong lalaban at makikipagpatayan para mapansin ng Shah House.
How cruel, isn't it? Kailangan pa naming manalo sa laro para may opurtunidad na lalapit sa aming community.
"Anak... mag-iingat ka doon, ah?" naiiyak na sabi ni mama. She hugged me for a while.
"At husayan mo ang pag-eensayo doon." dagdag naman ni papa matapos akong yakapin ni mama.
I nodded my head and showed them my smile. A bitter smile, I suppose.
Alam ko na sobrang lungkot nila ngayon—kahit ako. I don't want to be involved in the stupid fight. Dalawa lang kasi ang kahahantungan ko sa huli. I can either survive or die.
Pero sabi nga ng babae kahapon, once na napili ka sa Shah House, wala ka nang magagawa pa kundi ang sumunod na lamang dahil alam namin kung gaano ka walang puso ang namumuno sa siyudad na ito.
Ngayon, pupunta ako sa isang academy. Ang Chaturanga Academy. Ito ang academy kung saan tuturuan kami kung paano lumaban, dumipensa, maglaro ng chess, gumamit ng weapons at...
...pumatay.
Dala ang malaking bag, nilisan ko ang aming bahay. Ihahatid ako ni papa dahil hindi ko maaaring dalhin ang kotse ko doon dahil doon kami mananatili para sa training at hanggang sa darating ang araw ng labanan.
Sa totoo lang kinabahan ako. Sino ba'ng hindi? Buhay ko ang nakataya dito. Kung pwede pa sanang umatras ay umatras na ako.
Mayamaya lang ay narating na namin ang sinasabi kong academy. Nasa kaliwang bahagi lang ito ng Sentro. Isa itong magarbo at napakaganda ng desinyo nito. Sobrang classic. Maraming vines na nakadikit sa pader na nagdagdag sa kagandahan at aura ng gusali.
"Ingat ka, anak." sabi pa ni papa pagkababa ko ng sasakyan. I just smiled at him at nagsimula na akong maglakad papasok sa malaking gate.
So this school is really big, huh? Masyado itong malaki para sa tatlumpu't dalawang katao. As what I've heard, dito sa iisang paaralang ito mamalagi ang Blacks at Whites. Pero, magkaiba ng guro at classrooms para raw iwas gulo. Pero kung may vacant time naman daw, maaaring magkikita ang Blacks at Whites. Depende naman daw kung gusto namin. At sa palagay ko, parang hindi iyon mangyayari. In the very first place, we are here to train and to fight against them in the end. So, sino ang magkakalaban na maging close sa isa't isa? Definitely none.
Pagkapasok ko sa malaking gate, isang babae ang sumalubong sa akin. "You must be Ms. Krista?" she said, more of a statement than a question. Nakasuot siya ng formal attire. Tinanguan ko naman siya bilang sagot. "Here's the key to your room." sabi niya sabay bigay ng susi na may tatak na room #8. "Tara, ihahatid kita sa dorm." she smiled at umunang maglakad.
Tinahak namin ang sobrang lawak na open field. Napatingin-tingin ako sa paligid hanggang sa umaabot ang paningin ko sa itaas. May nakita ako doong isang mahabang tulay.
"That bridge connects the two dorms. Sa mga taga-Black at sa inyong mga taga-White. Maaari kayong magkakita diyan kaya mas mabuting iwasan n'yo ang pumunta diyan para iwas gulo." biglang sabi ng babae. Hindi siya nakatingin sa akin dahil diritso lang siya sa paglakad.
BINABASA MO ANG
THE CHESS GAME (Completed)
AcciónHave you ever thought that a simple board game will turn out to be bloody? Witness a real-life battle of pieces in a game called Chess. Shah City has this fearful tradition. Once every ten years, 16 people of each community; the Black and White comm...
