10: ADDED WEIGHT

216 19 0
                                        

Chapter 10: Added Weight

NAKAHIGA AKO ngayon sa kwarto nang biglang may kumatok. "Pasok." sabi ko at agad namang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Veah.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya. I just nodded my head in reply.

I'm fine. Parang nahimasmasan ako sa sinabi ni Wawa kanina. Lori is just a victim of cards. Nabigyan kasi siya ng maraming oportunidad. She is living her life comfortably, magaling siya, maganda at siya ang Queen namin.

She has it all. Nasa kaniya ang magagandang cards. Siguro inisip n'yang hangga't nasa kan'ya pa lahat ng cards na iyon, might as well lulubusin n'ya na. Kaya ngayon, hindi ko na siya masisisi kung bakit siya gano'n. Maybe, panahon nalang ang magdidikta sa kan'ya. Karma is real. Opps!

"Gusto ka sanang sundan ni Josh kanina kaso sabi ni Ms. Paz ay hahayaan ka muna namin." saad n'ya at hindi na ako nagtaka pa.

"I'm fine. Pasensya na kayo sa inasal ko kanina." I said. Umupo ako mula sa pagkahiga at sumandal sa headboard ng kama.

She seriously looked at me. "Kung nakita mo lang si Josh kanina, tiyak ay matatakot ka rin."

Napakunot ang noo ko sa kan'yang sinabi. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Sinigawan n'ya si Lori. 'Yong sigaw na nakakatakot. Hindi nga rin nakaimik si Ms. Paz kanina, eh." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. He did that?

"Seriously?" I blurted out and she just smile, nodding. "A-Anong reaction ni Lori?"

"Ayun, speechless. Para siyang naging tuta kanina."

Napabuntong hininga na lamang ako.

Si Josh... Hindi n'ya kailangang gawin iyon. Pinalala n'ya lang ang sitwasyon namin ni Lori. Tiyak, mas magiging agresibo 'yon sa pang-aapi sa akin. Tsk.

"Anong mga ginawa n'yo kanina?" I diverted the topic.

"Wala naman. Sinabi lang ni Ms. Paz kung ano ang Pawn Promotion. Pagkatapos ay pumasok rin si Ms. Alyssa." sabi n'ya at napatango na lamang ako.

Hindi ko na kailangan malaman kung ano 'yang Pawn Promotion na iyan. Mukhang hindi naman 'yan maa-apply sa totoo'ng laro.

"And by the way... may nasabi sa amin kanina si Ms. Alyssa patungkol kay Wilhelm Dacua." dagdag na sabi n'ya. Napukaw naman ang atensyon ko.

"Sino siya?" tanong ko. Ngayon ko lang narinig ang pangalang iyan.

"Si Wilhelm Dacua, siya 'yong namuno noon sa bayan natin. Pero iilan lang ang nakakaalam sa kan'ya dahil itinatago ito sa atin at pinagbawalan na ikuwento iyon. Pero sabi ni Ms. Alyssa ay kailangan raw nating malaman iyon." sabi n'ya na ikinataka ko.

"Bakit naman?" Bakit itinago sa amin ang patungkol sa kaniya?

"Kasi ayaw itong ipaalam ni Master Herod sa mga bagong henerasyon." sagot niya.

"Bakit? Anong meron kay Wilhelm?" takang tanong ko.

"Sabi ni Ms. Alyssa, no'ng si Wilhelm pa raw ang namuno sa bayan ng Shah, payapa at pantay ang Black at White community. Walang laro'ng nagaganap," sabi n'ya. "Pero no'ng namatay siya, pumalit si Master Herod. At ayun, bigla nalang nagbigay si Master Herod ng batas patungkol sa laro na nakapagbago sa nakasanayan ng lahat."

Napaisip ako sa sinabi n'ya. Wilhelm may be a good leader pero namatay siya. Whatever the reason behind his death, tiyak ko'ng may kinalaman si Herod dito. Siguro pinapatay n'ya para siya ang pumalit. Knowing him, he's heartless.

"Sige na. Kain na tayo. Bukas ay magsisimula na ang training natin." sabi niya at tumango na lamang ako.

🏁🏁🏁

THE CHESS GAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon