Chapter 20: The Best Strategy
TAHIMIK LANG kaming lulan ang isang malaking sasakyan na kasya ang 16 na katao—walong katao sa bawat side. Sobrang bigat ng ambiance at mukhang walang magtatangkang basagin ito.
Lahat kami ay mukhang malalalim ang iniisip.
Lungkot at kaba ang nakaguhit sa aming mga mata ngayon. Lungkot, dahil posibleng ito na nga ang huling araw na magkakasama kami. Posibleng ito na rin ang huling sakay namin pabalik sa kanya-kanya naming tahanan. Kinakabahan, kasi búkas na ang laro. Búkas na ang araw kung saan maglalaban na kami sa mga Blacks. Búkas na ang araw kung kailan maraming dugo ang dadanak. Búkas na ang araw na malalagasan kami.
At maaaring búkas na rin kung kailan ako magpapaalam na sa mundo.
Kanina ay sinabihan kami ng mga staffs na doon kami matutulog sa aming bahay at dapat sa eksaktong alas 6 ng umaga bukas ay nakakabalik na kami sa Academy para makakapag-prepare sa laro. Sinabi rin ni Sir Jessie sa amin na sa actual na laro lang huhubarin ang 10-kilos na nasa bewang namin. Malapit na nga naming nakalimutan ang bagay na iyon dahil nasanay na kami.
Nakita kong unti-unti nang nagsibabaan ang ibang kasamahan ko.
Sa pagtigil ng sasakyan at sa pamamagitan ng pagsabi nila ng, "Una na ako," ay ibig sabihin, bababa na sila.
Ilang minuto pa ang lumipas at unti-unti na rin kaming kumaunti sa loob ng sasakyan. Nandito pa si Josh sa kanan ko habang si Blyth naman ang nasa kaliwa. Anim na lang kami ang nandito kasama sina Benedict, Ren, at James sa kabilang side.
Mayamaya ay huminto ang sasakyan. Tiningnan ko isa-isa ang mga kasamahan ko at nginitian sila.
"Una na ako." sabi ko at dahan-dahang tumayo at kinuha ang aking bag na nasa unahan ng sasakyan.
"Sige. Magkita nalang tayo bukas." saad ni Benedict.
Tumango lang ako at nagtungo sa pintuan ng kotse. Bago pa ako nakababa, narinig kong nagsalita si Josh.
"Ingat." sabi niya kaya napatingin ako sa kan'ya.
"Ingat rin..." tugon ko at pagkatapos ay tiningnan ko silang lahat. "...kayo. Ingat rin kayo."
Pagkatapos ay bumaba na ako sa sasakyan at bumungad sa akin ang gate ng aming bahay. Mayamaya ay umandar na ang sasakyan.
Pagkapasok at pagkapasok ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng yakap ni mama. Nakaupo sila ni papa sa sofa kanina at parang hinintay nila talaga ang pagdating ko.
"Anak..." umiiyak na usal ni mama habang hindi kumakalas sa pagkayakap. Ramdam na ramdam ko ang pagkasabik niya. Mayamaya ay nararamdaman ko ang mga luha niya sa aking leeg.
Unti-unti ring nagsipatakan ang mga luha ko sa mata dahil unti-unti na ring bumibigat ang dibdib ko.
"I missed you, ma..." mahinang sabi ko kay mama sabay haplos ng kanyang likuran. Si papa naman ay nakatayo lang sa harapan ko kaya agad ko siyang hinila para mayakap. "I missed you, pa..."
Maraming what ifs ang bumabalot sa akin ngayon. Pero hindi ko in-entertain ang isa sa mga iyon ngayon. Ayokong mag-isip ng masama ngayon.
Gusto kong makasama ang pamilya ko ngayon nang walang mga bagabag sa utak. Pero hindi ko alam kung magagawa ko ito dahil pilit na kumakawala ang mga bumabagabag na bagay na iyon ngayon.
"Sobrang miss ka rin namin anak. Walang araw o gabi nang hindi ka namin iniisip." sabi ni mama pagkakalas niya sa mahigpit na yakap.
"Gusto ka man naming puntahan sa Academy ay hindi pwede." sabi naman ni papa.
BINABASA MO ANG
THE CHESS GAME (Completed)
ActionHave you ever thought that a simple board game will turn out to be bloody? Witness a real-life battle of pieces in a game called Chess. Shah City has this fearful tradition. Once every ten years, 16 people of each community; the Black and White comm...
