Nagtakbuhan ang mga bangkilan nang paulanan ni Mattias ng bala. Hindi na talaga niya matiis na magmasid lamang habang may ibang tao ang nasa piligro. Kung mayroon naman siyang magagawa para tulungan ang mga tanod, bakit hindi pa niya gawin? Batid niyang hindi iyon ang pakay nila sa pagpunta sa lugar na ito, ngunit, hindi rin bato ang puso niya para hindi maramdaman ang paghihirap ng ibang tao.
Mga hinayupak kayo! Ano'ng karapatan n'yong paglaruan ang mga taong walang kalaban-laban? Wala kayong karapatang kumitil ng mga inosenteng buhay!
Maganda ang nais gawin ni Zie, kaya sumang-ayon siya sa plano nito. Ngunit, oras 'di piligro na, mamatay ang tanod kung wala siyang gagawin.
Nang lingunin niya si Zie ay tila natulala na ito, isa pa'y mukhang hindi na rin tatalab ang plano nito. Kaya wala siyang nagawa kundi pagbabarilin ang grupo ng mga hinayupak na Bangkilan.
Napangiti siya nang matanaw na may ilang humandusay sa lupa. Hindi pa rin pala nawawala ang kakayahan niya kahit ilang taon na rin siyang hindi humahawak ng totoong baril.
Biglang humarap sa gawing kinaroroonan nila ang pinuno ng mga Bangkilan. Tila may sinasabi ito ngunit hindi niya iyon gaanong marinig. Mas lamang ang ingay ng mga nagkakagulong Bangkilan na tila mga palaka na hindi alam kung saan pupunta. Ang karamihan ay pumasok sa ilalim ng kinalalagyan nila. Mukhang nasa itaas sila ng bunganga ng kuweba kung hindi siya nagkakamali ng hinala.
Nang matanaw niyang biglang umalis ang babaeng Faustina ang pangalan, iyon ang narinig niya kanina na malakas na isinisigaw ng mga kauri nito habang pinapahirapan nito ang isa sa mga bihag. Sumunod naman ang lalaki na muntikan ng makahuli sa kanila kanina. Pumasok ang dalawa sa kakahuyan at biglang naglaho sa kanyang paningin ang dalawa.
Langya! Taguan na naman amputa!
Agad siyang naalarma at biglang nilingon si Zie. Nasanay na ang kanyang mga mata sa dilim at malaking tulong din ang liwanag ng buwan para maaninag niya ang mukha ng katabi, tulala pa rin ito at sa matandang Bangkilan nakatuon ang paningin.
Hinila niya ang braso ng kaibigan.
"Hoy! Ano na? Kailangan na nating umalis dito bago pa tayo masukol!" aniya.
"M-Mattias... salamat sa ginawa mo. M-magaling," anito.
Napakunot noo siya. Hindi niya inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig nito.
"W-Walang anuman." Nagkibit-balikat siya. "Hindi ka galit? Inaasahan ko pa naman na babatukan mo ako!"
"T-tama lang ang ginawa mo. Wala na akong panahon para batukan ka pa. Sa ibang araw na lang," anito.
"Okay! Sa ibang araw na la-"
Bigla siyang hinila ni Zie.
"Aray! Ang sakit, ah!" daing niya nang tumama ang kanyang ulo sa bato.
"Yumuko ka kasi," bulong sa kanya ni Zie.
Nagtataka na talaga siya sa babaeng ito. May night vision yata itong kaibigan niya.
Ginawa na lang niya ang sinabi nito at kinapa ang bato na nasa itaas ng kanyang ulo. Dahil may katangkaran siya kaya medyo nahirapan siyang pagkasyahin ang katawan sa ispasyo sa silong ng malaking bato na nagkukubli sa kanila.
"'Wag kang mag-iingay," wika ng katabi na hindi niya maaninag sa dilim. Ramdam niya ang mahigpit na pagkapit nito sa kanyang kamay.
Pinipigilan din niya ang pagbahing dahil sa amoy lumot na sumusuot sa kanyang ilong.
Ilang sandali pa'y may kung ano'ng mabigat na bagay ang bumagsak sa ibabaw ng batong nagkukubli sa kanila. Bigla siyang napakislot mula sa pagkakaupo, maging si Zie ay napayakap sa kanyang kaliwang braso.
BINABASA MO ANG
BANGKILAN TRIBE: Mount Of Death
МистикаMasamang balita ang nakarating kay MacKenzie tungkol sa kanyang kapatid na si Allison at sa kasintahan nito. Hindi na nakabalik ang dalawa matapos mag-camping sa Mount Balbaruka. Maging ang kanilang ama, pati na rin ang mga kasama nitong rescuers ay...