TWO
Blair
Seven o'clock p.m. Iyon ang oras na nakalagay sa wristwatch ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa banyo. The girl staring back at me was unfamiliar. Mula sa kolorete na inilagay ni Celaena sa aking mukha at sa kinulot niyang buhok ko hanggang sa kulay rosas na sleeveless dress. Bahagya akong yumukod at binuksan ang gripo. Hinayaan kong umagos ang malinis na tubig mula roon.
I didn't really know how much time had passed since I entered this restroom. Nasa loob ako ng bahay ni John na halos mukhang mansion na sa kalakihan. Dumating kami ni Celaena gamit ang kotse niya ilang oras na ang nakalipas. And after that, she's gone before I even knew it. May mangilan-ngilang pamilyar na mukha akong nakita. But instead of looking for her, dumeretso ako sa restroom na ito. Luckily, it was empty.
I was not the party-type. Sa totoo lang, pumayag akong pumunta dito dahil kay Celaena—na biglang naglaho at nang-iwan. I hated the loud music, the scent of sweat, and the noise. Mabuti na lang at medyo nabawasan iyon nang isara ko ang pinto.
Naghilamos ako, pilit na tinatanggal ang koloreteng matindi ang kapit sa balat ko. When I finally got it off, kinuha ko ang putting towel na nakasalansan sa toilet rack. At nang hindi pa rin ako makuntento, I tied my hair into a ponytail.
I feel like myself now, sabi ko sa sarili ko.
Huminga ako nang malalim bago ko tuluyang buksan ang pinto. I made my way towards the front door amidst the grinding bodies, the loud music pounding in my ears. Wala akong makitang mauupuan kaya dumerecho ako sa kitchen area. Wala masyadong tao roon, maliban na lang sa couple na naghahalikan malapit sa pinto, at sa dalawang lalaki na tiningnan ako mula ulo hanggang paa at nginitian ako. I rolled my eyes at them.
Umupo ako sa kitchen benchtop at nag-browse na lang sa facebook feed.
"And why does a beautiful lady sitting here alone?"
Napatalon ako nang marinig ko ang boses na iyon sa likuran ko. When I turned, it was Maru. Hindi ko masyado maaninag ang kanyang mukha dahil walang ilaw dito sa kitchen pero sigurado akong lasing na siya. What's he doing here anyway? Hindi ba't dapat ay naroon siya sa labas at nakikisayaw?
"May I sit here?" he asked. Hindi na niya hinintay ang sagot ko at inokupa na ang bakanteng espasyo sa tabi ko.
Nang umupo siya ay saka ko lang nakita nang maigi ang mukha niya. Mali ako. Mukhang hindi naman pala siya uminom. As usual, naka-slick back ang buhok niya at nakasuot siya ng denim jacket at jeans. From his sharp jawline to his perfect nose, I could tell that what every girl had said about him was right. Nasa bintana ang tingin niya.
I was busy studying his features when he said, "Hanggang anong oras ka tititig sa 'kin?"
Mabilis kong inialis ang tingin ko sa kanya. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng pisngi ko. God, I hate him!
Tumikhim ako. "I-I'm not looking at you. Sa plato ako n-nakatingin."
Tumingin siya sa kaliwa niya at nagkibit-balikat. "Wala namang plato rito, Miss President. It's okay, you can look at me anytime you want naman."
I rolled my eyes at him. Egotistical monster, as always.
Itinuon kong muli ang atensyon ko facebook feed.
"Aren't you going to thank me for inviting you here?" aniya.
I could feel his eyes on me but I remained looking the my phone screen. "Uh, excuse me, sa 'yo nanggaling na si John ang nag-imbita sa amin dito."
BINABASA MO ANG
Glory and Gore (Completed)
Mystery / ThrillerIN THE GAME OF DEATH, THERE ARE ONLY TWO OPTIONS: YOU EITHER KILL OR GET KILLED. In Year 2029, the Earth's population increased ceaselessly. That was when the creators of humankind came down to Earth to wipe out the entire human race to start anew...