Chapter 16

81 13 3
                                    

SIXTEEN
Blair

This could be a trap, I told myself. Pero mabilis din iyong nawala nang banggitin ni Jem ang pangalan ni Maru. That was a possibility—that some of our classmates were still alive. A hope had started to spread inside me. Katulad din ng sinabi ni Celaena sa akin, may ilang nakalabas bago pa man sumabog ang bus.

I silently hoped we weren't wrong about this.

​Bumaling ako kay Jem na nakatingin nang maigi sa dingding. "Yeah," he nodded like he'd just thought of something. "I'm positive that this was Maru's hand writing. I'm definitely sure of it."

Humakbang siya palayo sa puwesto at tumingin sa kanyang kanan.

​"Paano kung isang trap lang pala 'to?" ani Kaleon, voicing out the question that was swirling in my head at that moment. "At pa'no kung sinundan natin 'tong arrow na 'to—then what? Madaming posibilidad. We can't just say that this is Maru's writing. Some person can copy someone's writing, right?" bumaling siya sa akin, hinihintay ang pagsang-ayon ko.

May punto siya. Maaaring isa nga lang itong patibong para linlangin kami.

​Inilapit ko pa ang mukha ko sa dingding. Medyo burado na ang sulat pero mababasa pa rin nang malinaw. But one thing was for sure; kung sino man ang nagsulat nito, masasabi kong kahapon siguro ito naiukit dito sa pader. Sa paraan ng pagkakaukit ng ginamit na bagay—na malamang ay isang bato—makikita mo na may mangilan-ngilan pang pulbos ng bato roon.

​"You're right, Kaleon. Kailangan nating pag-isipan ito nang maigi," umupo ako sa malaking bato at tinitigan ang lupa. Wala akong maisip na ideya. Every choice we would make from now on, we ought to know that there would be no assurance of our safety. And it could be our death that was waiting for us at the end of this wall.

​Bumaling si Jem sa amin. "Kilalang-kilala ko ang sulat ni Maru. I knew him better than both of you..." halos ibulong niya ang huling pangungusap.

​Tumingin ako sa kanya. "May punto ka, Jem. Hindi namin kilala si Maru kagaya ng pagkakakilala mo sa kanya. Maraming bagay ang puwedeng mangyari. Maybe those creatures are just tricking us—playing with our minds,' suhestiyon ko.

​Bumuntong hininga siya. Muli niyang pinakatitigan ang pader. "I just—" Nagbaba siya ng tingin."I'm sorry," aniya.

​"What do we do now?" tanong ni Kaleon na naghahagis ng mga maliliit na bato sa kung saan, nagpapalipas ng oras.

​Kahit ako ay hindi ko alam ang isasagot. Was I right about those creatures? I hadn't literally seen them kill my best friend, but I'd heard them—enough to know what they were capable of. At isa pa ang katawan ni Stacey—those familiar veins.

​Maaari na nila kaming patayin ngayon, pero bakit hindi nila iyon ginagawa? Baka hinihintay nila ang tamang oras kung kailan kami walang laban—kung kailan mahihina kami. But we could fight them. Puwede naming depensahan ang aming sarili.

​Natawa ako sa sarili ko dahil sa nasabi. Depensahan? Sa paanong paraan? Wala kaming kahit na anong armas. How would we be able to defend ourselves then?

​An idea suddenly popped inside my head. "Puwede natin silang labanan, 'di ba? Lalo na't alam na natin kung nasaan sila Maru at ang iba pa nating kaklase. If we're together, we can be strong enough with our number," sabay silang nagtaas ng tingin. Nang walang nagsalita ni isa sa kanila, nagpatuloy ako. "Kung siguradong-sigurado ka, Jem, na si Maru nga ang nagsulat niyan, we should go there right now. We don't have enough time to think about this. Maybe those men are already catching up with us..." alam kong alam nila kung sino—mali—ano ang tinutukoy ko. I gave the place a quick scan, looking for some odd movements.

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon