Chapter 55

48 6 0
                                    

ACT 55: Fourth Round (Part 6)

BATTLE ROYALE (Part 6)

25 STUDENTS REMAINING...

BLAIR

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malakas na pagputok ng kanyon. I was gasping for air when I opened my eyes. Awtomatikong bumalik ang sakit sa braso ko at sa aking hita. Masakit ang lahat ng parte ng katawan ko.

How did I get here?

Ang huli kong natatandaan ay nahulog ako sa bangin. And... and I saw a figure. At boses iyon ng isang lalaki. He said my name as if he knew me. Kilala niya ba ako? Pero paano?

Nang bumaba ang tingin ko sa aking katawan, may mga malalapad na dahon ang nakatapal sa isa kong braso kung saan ako natamaan ng baril. Meron din sa hita ko kung saan ako sinugatan ni Margaery.

She betrayed me. Namuo ang galit sa sistema ko. I thought she was trust-worthy, an ally. Pero mali pala ako. Hiniwaan niya ako sa hita para bumagal ang pagtakbo ko, para mahuli ako ng mga tumutugis sa 'min. And she did that to save herself. Naikuyom ko ang mga kamay ko sa galit. Bakit niya pa ako sinalba sa mga gumahasa sa 'kin na mga lalaki kung papatayin niya lang din naman pala ako?

Ako mismo ang papatay sa kanya kapag muli kaming magkita. I won't even let her speak. Sisiguruhin kong mukha ko ang huli niyang makikita bago siya mamatay.

Bumalik sa isip ko ang boses ng lalaki. Blair...

Malakas ang kutob ko na siya ang may gawa nitong mga dahon na nakatapal sa mga sugat ko. I looked around me. Nakapwesto ako sa likod ng isang malaki at malapad na bato. Makapal na ang mga punong nakapaligid sa 'kin.

Wala akong ideya kung ilan na ang namatay. Pero nagising ako sa putok ng kanyon. May isang namatay ngayong araw.

Gaano ba ako katagal nawalan ng malay? Tanong ko sa sarili ko.

Ilang hakbang mula sa puwesto ko, nakita ko ang nakatalikod na pigura. Nakaupo siya sa lupa at naghahagis ng mga bato sa kung saan. Madumi na ang unipormeng suot niya. May ilang punit na rin iyon sa likuran. Mukhang naramdaman niya ang pagtitig ko sa kanya kaya bumaling siya sa puwesto ko.

Natutop ko ang bibig ko nang humarap siya at nakita ko ang mukha niya. Kahit na mahaba at magulo na ang kulay itim niyang buhok, sigurado akong si Maru ang lalaking nakatingin sa 'kin pabalik. Naramdaman ko ang pag-iinit sa dulo ng mga mata ko. I blinked several times to make sure I wasn't dreaming. The last time I saw his face was when I was injected with a vial. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ni Maru.

Pero napagtanto kong wala ako sa panaginip. Totoo itong nakikita ko.

Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Saka tuluyan ng bumagsak ang mga luha pababa sa pisngi ko. Patakbo siyang lumapit sa 'kin at mahigpit akong niyakap. I hugged him back tightly. I buried my face on his shoulder. Hindi ko namalayang humihikbi na pala ako.

"M-Maru..." anas ko.

He kissed my head many times and then my forehead. Bahagya niya akong inilayo sa kanya para tingnan ako sa mga mata.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" malungkot ang ekspresyon niya nang tanungin niya ako.

Gamit ang likod ng kamay ko, pinunasan ko ang basa kong pisngi at nginitian siya. "I-I think I'm fine," sagot ko.

Muli niya akong niyakap. "God, I thought I'd never see you again, Blair. I missed you," he whispered. Nakapatong ang baba niya sa ulo ko. "Alam mo bang halos ginalugad ko na ang buong gubat para lang mahanap ka. I almost gave up. Almost. But I'm fucking glad that I didn't. Sa wakas, nahanap din kita."

Chaotic emotions swirled inside me. Masaya akong nakita ko siya, na nahanap niya ako. I'm happy to know that I'll have someone familiar with me now. Pero naroon sa isip ko na walang kasiguruhan na makakalabas kaming dalawa rito nang magkasama. Mabilis kong pinalis ang isiping iyon. I should just let myself enjoy this moment for now.

Sa mga lumipas na araw, I never thought of seeing someone I know, here in this game. Naalala ko noong bago kami mahuli ng mga indibidwal na naka-roba sa abandonadong siyudad, iniwan namin siya roon ni Jem nang matamaan siya ng baril. I thought he was dead. But I was wrong.

Here he was, hugging me tightly. Hinayaan ko ang sarili kong pumaloob sa init ng yakap niya. It was a familiar feeling.

I feel safe in his arms, I admitted to myself.

*****

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon