Chapter 54

48 6 3
                                    

ACT 54: Fourth Round (Part 5)

BATTLE ROYALE (Part 5)

26 STUDENTS REMAINING...

BLAIR

Muling umalingawngaw ang putok ng kanyon. May dalawang nang namatay. I heard multiple shots from behind me. I stayed on the ground for a few seconds before deciding to stand up. Humihiyaw pa rin ang mga humahabol sa akin. Their voices are getting nearer. Nararamdaman ko pa rin ang sakit sa hiwa sa kanan kong binti sa bawat paghakbang ko.

I leaned on the nearest tree. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Wala akong oras para magalit kay Margaery. I have to prioritize to hide myself right now. Marahas akong humugot ng hangin at iika-ikang naglakad ulit.

It happened so fast. A bullet hit me in the arm. Natutop ko ang bibig ko. Impit akong napasigaw sa sakit. Bumuhos ang luha ko. Now's not the time to cry. I have to get out of here. Get ahold of yourself, Blair!

I tightly clutched my wounded arm and started walking again.

I heard another gunshot but I didn't look behind me. Naghanap ang mga mata ko ng pwede kong pagtaguan. Nang tingnan ko ang braso ko, nagkaroon ako ng ideya. Pumunit ako ng piraso ng tela mula sa blouse ko at pinahiran iyon ng dugo mula sa aking braso. Sinabit ko ang piraso ng tela sa pinakamalapit na halamanan at saka tumakbo papunta sa opposite direction. This will probably buy me some time to find a hiding spot. Alam ko sa sarili kong hindi ko na magagawa pang lumayo dahil sa hiwa sa binti ko at sa bala ng baril sa braso ko.

Habang paika-ika akong tumatakbo, mas lalong lumalalim ang sakit sa braso ko. I can feel the bullet penetrating deeper in my skin. Sa palagay ko ay umabot na iyon sa buto ko o baka halos tumagos na. Pero hindi ko na iyon muling tiningnan.

I looked around me. Maninipis ang mga puno rito. Wala akong pwedeng mapagtataguan.

Unti-unting lumalabo ang paningin ko. I blinked several times hoping my vision would clear up. But it didn't. Sa halip ay nagsimula na ring umikot ang paligid ko sa hindi ko malamang rason. What's happening?

Ang tanging naririnig ko lang ay ang marahas kong pagbuga ng hangin. Hanggang sa nahihirapan na akong huminga. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang tumakbo pa, sabi ko sa sarili ko. But my feet refused to stop. Hindi ko alam kung tumatakbo ba ako o naglalakad lang. Hindi na ako sigurado sa nakikita ko.

Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Muli akong kumurap ng ilang beses. Pero wala 'yong saysay.

Hindi ko namalayang natapos na pala ang lupang inaapakan ko. When I continued to run, I didn't realize that I fell off a cliff. Nagpagulong-gulong ako pababa ng bangin. I didn't know how many times I hit my head on the protruding rocks. Hinayaan ko ang sarili kong gumulong. Hindi ko magawang tumigil.

Hanggang sa marahas akong bumagsak sa malambot na mga damo. My head was spinning now. Sinubukan kong idilat ang mata ko, readying myself for what's about to come—my impending death. Tama, ito na siguro ang kamatayan ko. Dito na matatapos ang lahat.

When I finally managed to get my eyes open, I turned my head to my right. May bumagsak na pigura mula sa puno. I couldn't see the face of the figure clearly because of my blurry vision.

"Blair?" lalaki ang boses niyon.

How did he know my name?

Muli akong kumurap. But my vision stayed the same. Yumukod ang pigura sa tabi ko. I realized the figure was wearing a uniform as well. Sobrang dumi na niyon. I wanted to ask him who he was but I couldn't make my mouth open to speak.

Masyado nang masakit ang lahat ng parte ng katawan ko.

Nang ipikit ko ang mga mata ko, hindi ko na nagawang dumilat muli. Tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang paningin ko.

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon