Chapter 11

109 13 4
                                    

ELEVEN
Blair

My heart can beat all it wants, but this body won't move until daylight breaks through the canopy above.
Parang natulos ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin; kung gigisingin ko ba si Celaena o hahanap ng pangharang sa pintuan.
I have to move, I told myself. Lumingon ako sa paligid. Evangelyn was on the couch, asleep. Nasa carpet naman si Celaena, mahimbing din na natutulog.
I had to find something that would hold them from getting inside the cabin. Kahit ilang segundo lang. Ngayong mga oras na ito, magiging mahalaga para sa akin ang bawat segundo.
Sa wakas ay nagawa kong kumilos. Una kong ginising si Celaena. Inilapat ko ang hintuturo ko sa labi ko para ipahayag na huwag siyang gumawa ng ingay. Itinuro ko ang pintuan. With hesitation and confusion written on her face, she slowly nodded.
Sunod ko namang ginising si Evangelyn. I did the same to her.
"They're outside," I whispered. Narinig kong suminghap siya habang nanlalaki ang mga mata.
Celaena's face was blank. Emotionless.
"Humanap tayo ng bagay, kahit ano, na puwedeng iharang sa pintuan. And we have to move fast—" tumayo agad si Evangelyn at nagtungo sa kuwarto. Ganoon din ang ginawa ni Celaena.
Muli akong sumilip sa labas ng bintana. Halos mahigit ko ang hininga ko nang may nakatayo roon. There they were, wearing that creepy cat-like mask, staring at me like a predator staring at its prey.
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Umatras ako at sumunod sa kuwarto, ngunit si Evangelyn na lang ang naroon. The doors of the cabinet were all wide open. Nagkalat din ang mga bagay sa paligid. Natatakpan ng kurtina ang bintana kung saan ko nakita ang ilog kaninang umaga.
Nagpa-panic na tumingin siya sa akin at umiling.
God, help us.
"Try harder," saad ko at nagsimula na ring mag-ikot sa buong kuwarto, trying my best to look for anything that would help us from the monsters outside. Ngunit hindi maalis sa isip ko ang posibilidad ng kamatayan. It's always a possibility. I shook my head inwardly. Hindi ako dapat nag-iisip ng mga ganitong bagay sa mga oras na ito.
Nasaan si Celaena?
"Evangelyn," I whispered through the darkness. There was a faint glow coming from outside, giving us enough light to see things.
Naiinis na lumingon siya sa akin. "What?"
"Where's Celaena?" tanong ko.
"Why the hell would I know?" aniya at bumalik na sa paghahalungkat sa damitan.
Isinara ko ang cabinet at nagtungo sa sala. Nasa sulok siya. Sa tingin ko ay umiiyak siya. Mabilis ko siyang nilapitan.
"Hey, we're going to get through this, okay?" nagtaas siya ng tingin.
Umiiyak nga siya. "I'm scared, Blair," she whispered. "I'm scared as hell."
"I am, too. Pero ang kailangan natin ngayon ay ang isa't isa," sabi ko.
"What if... we'll die? What if we'll end up like Stacey?"
We don't have time for this, Celaena... I wanted to say.
Napalunok ako. "C-Celaena, 'wag kang mag-isip ng ganyan, please." Namumuo na rin ang luha sa gilid ng mga mata ko. But I fought it back. Huminga ako nang malalim.
"I-I know. Pero pa'no kung hayaan nila tayong makatakas? Malay m-mo bibigyan nila t-tayo ng chance, 'di ba?" umaasang saad niya, her lips quivering.
Umiling ako. "Celaena, I know you know what they did to Stacey. Isipin mo na lang ang baby ninyo ni John." Bumaba ang tingin niya sa kanyang tiyan.
"I-I know... Pero si Stacey, you know her, she's bitchy! Baka kung i-a-approach natin sila as nicely possible, maybe they'd let us go..." nagsimula uli siyang umiyak. "I don't want to die.""
"Celaena, you're being insane. You're trying to kill yourself!" hindi na ako nakatiis. Nababaliw na ba siya? She was about to risk her life and the life inside her. Akala niya ba madadaan lang sa usapan ang mga ganitong bagay? Ni hindi nga namin alam kung ano ba ang dahilan nila at bakit nila ito ginagawa sa amin.
A moment passed. Walang nagsalita ni isa sa amin.
"I-I'm going to stay here. Tulungan mo na si Evangelyn doon. Babantayan ko ang pintuan," nauutal na sabi niya.
Tumango ako. "Just think about your child, Celaena." I said before I stood up from the floor and went back inside the room.
Nang makita ako ni Evangelyn na pumasok, may itinago siya sa likuran niya.
"W-wala akong mahanap. Susubukan ko sa sala," bahagya siyang ngumiti. Her lips quivered, indicating that she was lying.
I stared at Evangelyn for a minute at mabilis siyang kumilos nang marinig ko ang boses ni Celaena mula sa labas. "Don't dare to come inside. We have weapons," natigil ang mga kamay ko. It was as if my entire body suddenly ran out of blood. Dahan-dahan akong lumingon sa nakabukas na pintuan. Evangelyn was standing there, mouth agape.
"Oh my, God," she whispered.
May kinuha siya mula sa bulsa ng palda niya at pumunta sa bintana ng kuwarto. Tinabing niya ang kurtina. The windows were sealed by a rope.
Si Celaena ang nagtali niyon kanina, for safety.
Gamit ang kutsilyong hawak ni Evangelyn, sinimulan niyang putulin iyon.
"What are you doing, Evangelyn?" I asked her.
She didn't bother looking at me. "Your bestie is a stupid bitch—trying to kill us. So choose, live or die," naikuyom ko ang mga kamay ko. She continued on cutting off the rope. "And I choose to live."
Bago ako lumabas ng kuwarto, tuluyan nang nabuksan ni Evangelyn ang bintana. "Have a happy life, Blair," nakangising sabi niya at sumiksik palabas ng bintana.
"Traitor." I said through gritted teeth. And then I heard the door pushed open, by force.
There was a moment of silence. At muli kong narinig ang boses ni Celaena.
"Please, let us go. We didn't do anything wrong to you. Bakit—" I heard her gasp. At sumunod ang pagbagsak ng bagay sa sahig ng cabin—mali, ang pagbagsak ng katawan.
"No, Celaena!" umalingawngaw ang sigaw ko sa buong cabin. May isa pang sigaw at isa pa. I started crying, sobbing. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pero kailangan kong kumpirmahin kung totoo ba ang hinala ko.
"C-Celaena..." tanging nasabi ko, unti-unting nauubos ang hangin sa dibdib.
I was about to crawl my way out of the room to see what happened to Celaena when I heard boots squeaked against the wooden floor.
Napatda ako kinauupuan ko, ang dalawang kamay ko nakatutop sa bibig ko. I'd never wanted to be so safe in my life.
I wishfully thought that if I would have the chance to swing my body off the top of building, or just shoot myself instead of letting those creatures kill me, I wouldn't. Because above pain, I fear death.

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon