Chapter 14

107 13 4
                                    

FOURTEEN
Blair

Nag-aya si Kaleon na maligo kami dahil daw simula ng makaakyat siya sa itaas ng puno, hindi siya sumubok na bumaba dahil sa takot. Since ang ginawa namin kanina ni Jem ay paglalaro lang, pumayag na rin kami.
Si Kaleon ang unang lumusong sa tubig.
"Doon ako banda maliligo," sabi ko kay Jem. Mukhang naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin dahil tango lang ang isinagot niya. I made my way farther from their place. Nang sa tingin ko ay sapat na ang layo ng puwesto ko sa kanila, sinimulan ko nang hubarin ang basang blouse ko. Sinunod ko ang palda ko. Itinira ko ang bra at ang underwear ko. Saglit kong pinasadahan ng tingin ang paligid ko.
Muli kong naramdaman ang kalamigan ng tubig nang lumusong ulit ako. Ang sarap sa pakiramdam. Ipinatong ko ang mga basa ko ng damit sa malaking bato at ibinabad ang sarili ko sa ilog. Isang araw lang ang lumipas noong huli akong naligo, pero mabilis kong na-miss ang pakiramdam sa balat ng malamig na tubig. It was refreshing, I had to admit.
Ipinatong ko ang batok ko sa damuhan at tumitig sa langit. Nahaharangan ng mga puno ang araw pero may sapat na butas para makita kung gaano kaaliwalas ang langit ngayon.
"Two days..." I whispered.
Yes, it had been two days since the accident. At marami nang nangyari. It was all unexpected. Alam kong dapat ay hindi ako magtiwala sa kahit na sino man ngayon dahil nang sinubukan kong magtiwala kay Evangelyn, she just betrayed and left us. At alam kong ganoon din ang ginawa ko kay Celaena. No, Blair, you saved yourself, sabi ng isang bahagi ng isip ko.
Nararamdaman ko ang init na hatid ng araw sa mukha ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ko ang sarili kong makaramdam ng init. Naririnig ko ang masayang tawanan nila Jem sa kabilang bahagi ng ilog. Mabuti pa sila... masaya.
Ikiniling ko ang ulo ko. "You can do this, Blair," I said to myself.
Muli kong naalala ang mukha ni Mrs Chua at ang mga salitang binanggit niya. When the time comes, tell your classmates that I was sincerely sorry that I couldn't do anything about it, her voice echoed inside my head again. Ms Wadson, you should ready yourself for what is about to happen. It was a warning... at ito ba ang babala na sinasabi niya sa akin? If so, she knew that this would happen? Pero bakit niya ito hinayaan... Dahil wala siyang nagawa... that's what she had said to me. I should've taken that seriously.
Tell them I tried, Mrs Chua's serene face staring back at me.
The pin... I suddenly realized. Lumapit ako sa malaking bato at kinuha ang palda ko. I took out the thing that was still inside its pocket. What is the meaning of this thing?
Para itong puzzle na gusto kong resolbahan. But I just couldn't seem to find its pieces.
I decided to get out of the water. Tinuyo ko ang sarili ko gamit ang panyo ko at nagbihis na. I have to tell them...
"Jem, Kal! I have to tell you something!" I called out for them.
Bumalik ako sa puwesto nila Jem nang makita ko siyang nakatingin sa itaas—sa mga puno. Bahagyang nakakunot ang noo niya.
"How's the view, Blair?" mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakitang si Kaleon iyon. His hair was obviously wet at may ilang tubig na tumutulo galing doon. Nakangisi siya.
Nang ibalik ko ang tingin kay Jem, saka ko lang na-realize na ang tanging suot niya lang ay boxer briefs. Mabilis kong tinakpan ang mga mata ko at tumalikod. Kanina kasi, naka-polo pa siya nang lumusong kami. At ngayon...
Narinig kong humagalpak ng tumawa si Kaleon.
"Hoy, John Emmanuel, magdamit ka nga!" sabi ko. I could still hear Kaleon laughing. He was enjoying this, asshole.
I flinched when I felt Jem walked past me. Kinagat ko ang ibaba kong labi at naikuyom ang mga kamay ko.
"Miss President, full name ko pa talaga ang ginamit mo," I heard him say. "I didn't realize you were there."
Gusto kong lumubog ngayon sa lupa sa kahihiyan. But I wasn't checking on him. Sa mukha niya lang ako nakatingin. At pumunta ako sa puwesto nila para sabihin ang conversation namin ni Mrs Chua.
Kaleon was saying something to Jem. "Yeah, actually medyo kanina pa nga, eh. She said that she wants to tell us something," ani Kaleon at humagalpak ng tawa.
Nakadamit na ba siya? Gusto ko nang banatan itong si Kaleon. Baka akalain pa ni Jem, binobosohan ko siya. Madiin pa ring nakalapat ang kamay ko sa aking mukha.
"Okay na, Blair! Nakadamit na siya," tila ba nabasa ng huli ang nasa isip ko.
May naramdaman akong kamay na humawak sa kamay ko. Dahan-dahan niyang ibinaba iyon.
"Presentable na akong tingnan," si Jem.
Nagmulat ako, my hands were still ready to block my eyes if he was still nude. Bumungad sa 'kin ang mga mata niya. Masyadong malapit ang kanyang mukha. He was smiling at me. Sa hindi ko malamang dahilan, bumilis ang tibok ng puso ko. Kinailangan ko pang kumurap. May narinig akong tumikhim sa likuran namin—si Kaleon.
"A-ah... o-okay," halos bulong na sabi ko. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa mga mata niya. Baka kapag nanatili pa akong nakatingin sa kanya, maubusan na ng hangin ang katawan ko. I felt heat crept up on my cheeks. Sigurado akong mas mapula pa iyon sa kamatis.
Nakadamit na nga silang pareho. Lumapit si Kaleon sa puwesto namin. "You have something to say, right?"
Tila ba bumalik ako sa sarili ko. Huminga ako nang malalim bago nagsimulang magsalita. "O-oo. I know it will sound like I'm making this up, pero hindi. Iyong gabi ng field trip natin, Sir Denver told me to meet him sa room natin to fix some documents. And pumasok si Mrs Chua sa room," I said to them.
I told them every bit of what I heard that night, maliban na lang sa pin na ibinigay sa akin ni Mrs Chua.
Bumahid ang takot sa mukha ni Kaleon matapos kong ipaliwanag ang lahat sa kanila. "So sinasabi mo na alam ito ng ating principal? That this was a well-thought plan?" aniya at tumalikod, hinihilot ang sentido niya.
Tumango ako. "Oo, I'm positive but not really sure."
Lumingon ako kay Jem na nakakunot ang noo. "O baka lahat ng mga teachers," sabi niya.
Pumihit paharap si Kaleon. "This is absurd. At bakit nila ito gagawin sa atin?"
Si Jem ang sumagot. "Hindi ko rin alam," he was still looking at me. "You know what, let's just go and find the others. Malapit nang lumubog ang araw."
Walang nagawa si Kaleon kundi sumunod kay Jem na nagsimula ng maglakad. I looked around before following them, makings sure that we were not being followed.


Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon