EPILOGUE: Murder Me Gently
It felt like forever. Nagising ako dahil sa malamig ng temperatura ng paligid ko. Is this the end? Iminulat ko ang aking mga mata. My eyes weren't ready for the amount of light throughout the room. Kulay puti ang bumungad sa akin. Gamit ang likod ng kamay ko, kinuskos ko ang aking mga mata para luminaw iyon. Pero may pumigil doon. May naramdaman akong karayom sa bandang braso ko. Nang tuluyan nang luminaw ang aking paningin, nakita ko ang nakakonektang tube sa IV Drip.
Everything was white—the walls surrounding me. May ilaw sa gitna ng kisame ng silid. Nasa puting kama ako. It was like I was in a hospital room. Pero ang pakiramdam ko ay parang nasa loob ako ng isang pinalaking cube. I don't even know if I could call this a room.
Sinubukan kong tumayo. Tila ba lahat ng enerhiya ko sa katawan ay naubos kasabay ng dugo ko. I could imagine my skin, pale white. Umiikot ang paligid ko. Nagawa kong umupo sa kama. Nang ipatong ko ang kamay ko sa malambot na tela niyon, may kung anong bagay akong nasanggi. Damit iyon. Gamit ang nanginginig at nanghihina kong kamay, dinampot ko iyon at itinaas nang may nahulog na piraso ng papel mula roon.
I unfolded the piece of paper and read its content.
Murder me gently.
Kulay pula ang ink na ginamit doon—it almost looked like a blood. Makapal din ang uri ng papel niyon. Tila naubusan ng dugo ang buo kong katawan sa nabasa. Where am I? Bakit ako narito? How long was I asleep...
Then I heard a voice. Nanggaling iyon sa speaker sa corner ng ceiling.
"Good day, Champions!" masiglang bati ng baritonong boses. Hindi na iyon ang pamilyar na boses ng babae. "Listen up because the last round is about to start. Rules will be explained later on."
Pagkasabi niya nang mga salitang iyon, naramdaman ko ang pagtigil ng tibok ng puso ko. It was almost like the machine was speaking. Robotic ang tono niyon. "You should wear your clothes now. You wouldn't know what's out there."
"Place your hand on the button placed on top of the table beside your bed," utos ng nagsasalita sa speaker.
Nag-aalangang tumayo ako at lumapit sa mesang nasa tabi ng kama ko, hawak ng kabila kong kamay ang IV Drip. Normal na mesa lang iyon kung titignan mo sa malayo kung hindi lang dahil sa parang metal na nakapatong roon. May buton doon.
Isang parte ng utak ko ang ayaw gawin ang sinasabi ng nagsasalita sa speaker at ang kabilang bahagi naman ay gustong subukan.
"Go ahead now. It won't bite you," tila ba sinagot niya ang tanong sa utak ko.
Dahan-dahan kong ibinaba ang kaliwa kong kamay sa metal na buton. The metal felt icy against my finger. Naramdaman ko ang gumanang makina sa loob ng mesa. May kulay pulang ilaw ang dumaan sa loob niyon. Naramdaman ko ang pagdaan niyon sa sensitibo kong palad.
"You are now registered, congratulations!" masayang sabi pa nito. Mabilis kong inalis ang kamay sa ibabaw ng mesa at naghintay ng sumunod pang sasabihin nito. "Now, say your name aloud."
I hesitated for a moment. "B-Blair..." paos ang boses ko. I could feel the dryness of my throat. "Blair Jenn Wadson."
I heard the man clapped in the speakers. "Good," aniya at tumawa pa. Ako lang ba ang kausap niya? But the way he used words, it seemed like an automated response. "See you in a moment."
Dumako ang tingin ko sa pinto ng silid na kinaroroonan ko. I walked towards the door, still holding the IV drip in my other hand. Pinihit ko pabukas ang seradura at hinila pabukas ang pinto.
Bumungad sa akin ang isang komedor. May malaking mesa sa gitna at puno iyon ng iba't ibang mga putahe. There were paintings plastered on the white walls around the room. Tuluyan na akong lumabas ng silid.
May mga camera rin sa bawat corner ng silid. I couldn't help but watch them one by one. Their heads were following me every time I move. They're watching me, I thought to myself.
This didn't seem like a dangerous place. Where am I? Nasa loob pa rin ba ako ng hovercraft? Pero wala ng marahang pag-ugong sa sahig na tinatapakan ko. Maybe I'm in a different place now.
Kumulo ang tiyan ko nang muli kong tingnan ang mga pagkain sa mesa. But controlled myself. Hindi ako sigurado kung ligtas ba ang mga pagkaing ito. I'd rather starve to death than to be poisoned.
Lumipas ang ilang minuto at muling nagsalita ang baritonong boses sa speakers. "Kindly put on the fresh uniforms placed on the table," utos nito.
Dumako ang tingin ko sa isang mesa sa kabilang bahagi ng silid. Naglakad ako papunta roon at hinubad ang damit ko. Isinuot ko ang unipormeng nakalatag doon kagaya ng utos ng boses sa speakers.
When I'm finally done, he spoke again. "Now, enter the cylinder tube to enter the last round of the Game," the voice added.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. I looked around me and I saw a strange thing placed on the endmost part of the room. It seemed like a huge cylinder tube. Almost looks like an elevator. Awtomatiko iyong bumukas.
"Goodluck, Ms Wadson," anang boses sa speakers.
Naikuyom ko ang mga kamay ko at naglakad patungo roon. Pumatong ako sa isang bilog na metal plate. Nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa bawat paglipas ng segundo.
Mayamaya pa ay bumaba na sa akin ang isang glass cylinder. Hanggang sa dahan-dahan na iyong tumaas. Ilang segundo siguro akong nasa kadiliman bago ko naramdaman ang pagtulak sa akin ng metal plate palabas sa glass cylinder. I found myself in darkness for a few seconds. Until the lights started to turn on one by one around me.
Kinailangan kong ipikit ang aking mga mata sa nakakasilaw na liwanag. After a few seconds, my vision adjusted to the brightness. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid ko. I was standing in a circle metal plate. I realized I was not alone. May mga tao rin sa gilid ko. There are ten of us, if I counted right.
We are formed in a circle, ilang hakbang ang layo namin sa isa't-isa. Kagaya ko, nakabahid sa mga mukha ng kasama ko ang gulat at pagtataka. We have no idea what's waiting for us here.
At nakita ko si Margaery sa kabilang side ng circle.
She was smiling at me.
Maru was standing next to her.
Mula sa kung saan, a person emerged in the middle of the circle. Naka-pulang roba ito at naka-maskara ng mukha ng isang puso.
"Welcome, students, to the last round of the Game. We call this the Murder Trials. And there's only one way to get out of here alive," mababa ang boses na sabi nito. "Kill one of your classmates without getting caught."
BINABASA MO ANG
Glory and Gore (Completed)
Mystery / ThrillerIN THE GAME OF DEATH, THERE ARE ONLY TWO OPTIONS: YOU EITHER KILL OR GET KILLED. In Year 2029, the Earth's population increased ceaselessly. That was when the creators of humankind came down to Earth to wipe out the entire human race to start anew...