Chapter 7

130 20 4
                                    

SEVEN
Blair

Nasa ilalim ako ng tubig. I was gasping for air. Pero wala... Hindi ko magawang makapunta sa itaas na bahagi nitong tubig. Hindi ko rin makita nang malinaw ang paligid ko. I tried shouting for help. Ngunit tanging mga bula lang ang lumalabas sa bibig ko.
Was this it—the end?

Napasinghap ako nang magising. I was catching my breath. Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makahinga nang maayos. Inikot ko ang paningin ko. Nasa loob na ako ng bus. Katabi ko na si Celaena, na mahimbing na natutulog.
I closed my eyes again. Sinubukan kong huminga nang normal. I was waiting for the water to come out of my mouth, pero wala.
"Dream..." I told myself. Hinawakan ko ang dibdib ko. "It was just a dream, Blair. Panaginip lang."
Mayamaya pa ay umayos na ang paghinga ko. Nararamdaman ko na rin ang marahan na pag-ugong ng engine ng bus. Nakita kong nagising na rin si Celaena sa tabi ko.
"Hey, do you feel okay now?" bungad niya. Tinanggal niya ang neck supporter niya at inilagay iyon sa itaas. Kinuskos niya ang mga mata niya at saglit na nag-unat.
I smiled at her and nodded. "Yeah, I think I feel okay now."
May kinuha siya sa bulsa ng jacket niya. Isang pakete ng medisina. "Uminom ka raw nito pagkagising na pagkagising mo. Nahimatay ka raw dala ng pagkahilo mo sa biyahe at lamig sa gubat kanina. Hindi ko nga alam na may pagka-doktor pala 'yang si Sir Denver, eh," she explained. "Here," pumilas siya ng isa at inabot sa akin iyon.
Kinuha ko iyon at isinubo kasama ng pag-inom ng bottled water. Naramdaman ko ang pagdaloy ng malamig na tubig sa lalamunan ko. Napapikit ako sa sarap na para bang ilang araw na akong hindi nakakainom ng tubig.
"What happened there, Blair? Nakita kitang lumabas ng bus habang nag-uusap kami ni John, then when you came back, buhat-buhat ka na ni Maru," nakatitig lang siya sa akin, naghihintay ng sagot.
Napalunok ako. Bakit ako ang buhat ni Maru? Ano'ng nangyari kay Bridget?
"H-ha? Anong buhat ako ni Maru? Baka nagkamali ka lang ng tingin. Si Bridget iyon," sabi ko. "Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari sa 'kin. But I saw something there."
It all came back—the images of the men in red cloaks swiftly walking towards my direction, Maru and Bridget's cry for help and after that, darkness.
Biglang nawala ang kunot sa noo niya at sumeryoso ang kanyang mukha. "Ikaw ang buhat-buhat ni Maru," pagkukumpirma niya. "What did you see there? Tell me."
Tumikhim ako bago nagsalita. "I know you're going to say that maybe I'm just imagining things or making things up. But no, I know I saw something, Celaena. There were a group of men dressed in red cloaks. Hindi ko maaninag ang mukha nila pero naglakad sila palapit sa akin. And that's when Maru came," paliwanag ko. "I was so scared na akala ko mamamatay na ako."
Siya naman ang napalunok. "A group of men dressed in cloaks? Hindi ba namamalikmata ka lang? Kasi—"
I quickly cut her off. "Listen to me, Celaena," hinawakan ko ang braso niya. "I saw something there. I'm not kidding. At hindi ako namamalikmata. Sigurado ako sa nakita ko."
Umiling-iling siya. "Maybe it's just yourself trying to scare you," aniya. "Kasi nasa gubat ka, right? And it was dark there. Baka mga puno lang iyon or whatever."
Hindi na lang ako sumagot, sa halip ay iniba ko ang usapan. "Kumusta na nga pala si Bridget? Sino ang nagbuhat sa kanya papunta dito sa bus?"
Umayos siya ng pagkakaupo. "Si Sir Denver. Meron siyang parang kagat ng ahas. But the thing was, isang tuldok lang iyon," she said. That's exactly what I thought it was. "And there were violet veins pataas sa leeg niya. Ang sabi ni Sir Denver ay baka raw dahil lang sa lamig iyon." Nagkibit-balikat siya.
Dahan-dahan akong tumango. Maybe Sir Denver was right—maybe it was because of the coldness. Bahagya akong tumayo at tumingin sa likurang bahagi ng bus. Halos ang lahat sa amin ay tulog na. And then there he was—Maru, playing with his phone. Gusto ko siyang pasalamatan. If Celaena was right that I was the one he carried, why did he choose me over Bridget who clearly needed immediate help more than me?
Umupo na lang ulit ako at tumingin sa labas. Wala pa ring araw. Ano ba ang inaasahan ko? Siguro ay minuto lang akong nakatulog.
"Kung alam ko lang, Blair, I should've come with you there. Bakit hindi mo 'ko tinawag man lang?" si Celaena.
Bumaling ako sa kanya. "It's my fault. Dapat tinawag nga kita. But I don't want to bother your conversation with John," I smile at her, knowingly.
Pabiro niyang inikot ang mata niya. "I'm happy that you're okay," she hugged me tightly.
Kumawala ako sa yakap niya. Kinuha niya uli ang neck supporter at ipinikit ang mga mata niya. Lumingon ako sa bintana. May kaunti na ring liwanag dala ng mga ilaw sa daan. Doon ko nakita ang gilid ng daan na tinatahak namin. Bangin.
Hindi ko napigilang mapasinghap dala ng gulat. Pakiramdam ko ay ilang hakbang lang ang layo namin sa bangin. Nanlamig ang mga kalamnan ko. Wala sa sariling sinipat ko ang kamay ko na kanina lang ay may malagkit na likido. But it was no longer there. Napabuntong hininga ako at sumandal sa upuan ko.
Kinuha ko ang phone mula sa bag ko at binuksan iyon. There was a message from Mama saying,
Have a safe trip, anak! Kumusta ka d'yan? Text me kapag nakarating na kayo sa destination ninyo, ha? I love you. Miss you already.

Hindi ko nagpigilang ngumiti. Ibinalik ko iyon sa bag ko at sinubukang pumikit. But sleep seemed to be out of my system now. I realized that I should go and thank Maru for what he did to me. Nang lingunin ko si Celaena, mukhang nakatulog na agad siya kaya dahan-dahan akong tumayo. I walked towards his direction, careful not to make any sound. As I passed every seat, I could hear someone snoring, someone's even breathing—indikasyon na halos lahat na nga sa amin ay mahimbing na nakatulog na.
Mukhang napansin niya akong naglalakad papunta sa kanya kaya pinatay niya ang phone niya at nagtaas ng tingin. A familiar smile was plastered on his face.
Nang tuluyan na akong makalapit, he whispered, enough for me to hear him, "Hi again, Miss President, come here to thank me?"
Mahina akong tumikhim. "A-actually, oo..." nauutal na sagot ko. "Salamat sa... ginawa mo kanina. Celaena told me about it."
He nodded. "Okay. You're welcome," umayos siya ng upo at saglit na tiningnan si John na natutulog sa tabi niya. "How are you feeling?"
Instead of asking him kung ano ang paki niya I forced myself to smile. I should at least be grateful that he didn't leave me there to die in the cold. "U-uhm... fine, I guess." Lumipas ang ilang segundo bago ko na-realize na dapat ay ibalik ko sa kanya ang tanong. "I-ikaw?"
"Same," tipid niyang sagot.
Ngumiti ako sa kanya at akmang tatalikod na para bumalik sa upuan ko when I felt the engine slowly stopped. Napahawak ako sa seat na nasa gilid ko. Nang lingunin ko si Maru ay mahigpit siyang nakahawak sa arm rest. Pero mabilis siyang bumitaw roon at tumayo para hawakan ang braso ko—to steady me. And that's when I—we—heard it. The hissing sound of a flat tire. Naramdaman ko ang bahagyang pagtagilid ng bus, at naramdaman ko ang sarili kong tumagilid din. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko. I found myself leaning onto him. I could hear my own heartbeat... and his.
There was a moment of silence. May ilang nagising dahil sa tunog ng nayuping metal at ang iba naman ay nakatayo at pinipilit buksan ang bintana. Tumayo si Sir Denver sa unahan at sinabing, "Please stay calm and—" ngunit hindi na niya naituloy ang sasabihin pa sana niya dahil muling gumalaw ang bus at napakapit siya sa pole.
Napalingon ako kay Maru. I felt his breath against my cold cheeks.
Then I heard it—screams.
"Hold my hand," I didn't expect him to say that. But I did what he said. Maru clasped our hands together, heat against cold. Ang isa niyang kamay ay umalalay sa likod ko, pulling me into his body. It was hopeless to do anything. When I turned to him, nawalan na ng kulay ang mukha niya. It was pale white, indicating he was also scared.
Naramdaman ko ang pag-alpas ng mga luha ko pababa sa aking pisngi. This time, tuluyan nang bumaligtad ang bus na sinasakyan namin. At tila ba lahat ng dugo ko sa katawan ay nawala.
Nahigit ko ang hininga ko. Before I finally closed my eyes, I found his, staring at mine. The moon made his eyes gleam in the darkness. Tuluyan ko nang ipinikit ang aking mga mata, hinihiling na sana ay panaginip lang ang lahat ng ito. Wala akong naramdamang sakit nang tumama ang ulo ko sa bintana.
Will I ever see my family again? Is this the end? This was just like in my dream.
Many questions swirled inside my head. At sa ikalawang pagkakataon, dumilim ang paningin ko.

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon