Chapter 59

66 6 0
                                    

ACT 59: Fourth Round (Part 10)

BATTLE ROYALE (Part 10)

11 STUDENTS REMAINING...

BLAIR

Hindi ko alam kung ilang oras na ba kaming naglalakad ni Maru. But we kept on walking without any direction. Panaka-nakang buntong-hininga niya lang ang naririnig ko. Hindi na ulit pumutok ang kanyon.

I didn't feel any remorse or regret after what I did. That guy deserved it. Kung hindi kami mabilis na umakto ni Maru, we could've died back there. It would've been our body lying there on the ground.

It was mercy to kill that guy. Kaya sinigurado kong hindi siya makakalakad ng maayos. He will die sooner or later. He won't be able to walk that far. Not with his ruined foot.

Namalayan na lang namin na nakalabas na kami ng gubat. Pero hindi dagat ang bumungad sa ami ni Maru. Staring back at us was what seemed like a village. An abandoned village. May masangsang na amoy na nanggagaling sa kung saan.

Nagkalat ang mga malalaking bitak ng bato sa daan. The small houses we passed by were either burnt to the ground or simply abandoned. Basag na rin ang mga salamin ng mga bintana.

Natutop ko ang bibig ko nang mapadako ang tingin ko ilang hakbang mula sa puwesto namin. It looked like a pile of garbage. Baka doon nangagaling ang mabahong amoy. Tinakpan ko ang ilong ko gamit ang likod ng aking kamay. We decided to come near it to see what was inside of it.

Hindi ko napigilan ang pagsuka ko sa bumungad sa amin. Mali ako. It was a pile of dead, rotting bodies. Nakasalansan ang kanilang mga katawan sa hugis ng isang pyramid. May mga langaw at maggots na nagkalat sa kanilang mga katawan. Nang umatras ako, natumba ako sa aspalto.

When I tried to get up, I felt my hand touched something slimy. Tiningnan ko ang daliri ko at may bahid na iyon ng sariwang dugo. I realized I touched a body lying on the ground. I almost screamed at the sight. Nakamulat ang katawan ng babae, ang isang mata ay wala na. Her hands were tied behind her back. May mga bulate rin na naglalabas masok sa kanyang nakabukang bibig.

What happened here? Bakit napakaraming katawan ang namatay? They seemed like they were students. Nakasuot din sila ng parehong uniporme na suot namin. They were brutally killed just by looking at them. What kind of monster did this?

The kind of monster who wants to outlive everyone, sagot ng isang parte ng utak ko.

Mabilis na tinakpan ni Maru ang bibig ko at tinulungan akong tumayo.

"Umalis na tayo rito," bulong niya.

We started running. Umalingawngaw mula sa loob ng gubat ang isang putok ng baril. Kasabay niyon ay ang pagputok ng kanyon. Someone died. Iyon kaya ang lalaking iniwan namin doon?

And just like that, we're down to 10.  

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon