FOUR
BLAIR
Ellis Island, February 16, 2024
Tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Bumaba ako ng hagdan at ang amoy ng pancake ang bumungad sa akin. Nadatnan ko si Noah na nakaupo na at kumakain na sa mesa habang si Mama naman ay nasa harap niya. Both of their hairs were jet black. Nagmana kasi si Noah sa line nila Mama, while I inherited my father's. Opposite ang kulay ng buhok ko sa kanila. Mine was the shade of white blonde—white as the clouds, as my father used to say.
Marami nga ang nagsasabi na hindi daw kami magkapatid. Pero kapag napapatingin sila sa aming mga mata, na parehong kulay brown, doon nila nasasabing magkapatid nga talaga kami.
"Hmm," I said, savoring the luscious scent of freshly cooked pancakes. "Mukhang masarap ang nasa mesa, ha?"
Nakita kong napangiti si Mama. "Naku, ito ngang kapatid mo ay naka-lima na. At mukhang hihirit pa nga, eh."
It was my turn to smile. "Noah Arthur, hindi kita hahayaang ubusan ako ng pancake."
Umupo ako sa tabi niya at tinusok ang kanyang tagiliran. Natawa siya at sinubukang gumanti pero mabilis kong nakuha ang kanyang kamay.
"I hate my name," bulong niya pero nakangiti pa rin. "At Ate, please, 'wag mo na akong tawagin sa buong pangalan ko."
"And why is that? Ang ganda kaya ng pangalan mo," pang-aasar ko.
Sumingit si Mama. "Alam mo ba kung saan ko nakuha ang pangalan mo?"
Umiling ang huli. Nagpatuloy si Mama sa pagsasalita. "Si Papa mo ang nagbigay sa 'yo ng pangalan na 'yon. It was from her Father that he got Arthur and from your grandfather, Noah." Bumaling naman siya sa 'kin. "At ikaw naman, ako ang nag-isip ng pangalan mo."
I couldn't help but smile at that. "Where did you get mine, 'Ma?"
Bahagya siyang umiling at mahinang tumawa na parang may naalala siyang nakakatawa. "We were in Sydney, Australia that time na ipinagbubuntis kita. And I was reading this novel na ang pangalan ng main character ay Blair Jenn. I find that name beautiful kaya iyon ang ipinangalan namin sa iyo ng Papa mo."
"Well, fair enough," nagkibit-balikat ako.
May lungkot pa rin sa mga mata ni Mama sa tuwing nababanggit niya si Papa. Of course, all of us wouldn't be able to forget what happened. But Noah seemed to already did. Parang kami na lang dalawa ni Mama ang nakakulong pa rin sa alaala na iyon. Hindi ko alam kung makakaahon ba ako roon.
Mama had been better. Nakakangiti na siya nang maluwang at kapani-paniwala sa tuwing mapag-uusapan namin si Papa pero alam kong may bahid pa rin iyon ng kalungkutan.
Pagkatapos kong kumain, mabilis akong bumalik sa kuwarto ko at nagsimula nang mag-ayos. Nang matapos akong maligo at magbihis, isinukbit ko na ang leather bag ko sa braso ko at humarap sa salamin. Staring back at me was the girl that still hadn't overcome her regret, pain and sadness.
Naka-pony tail ang hanggang balikat kong buhok. Black ang kulay ng blazer namin, white ang blouse at checkered na black, red at white naman ang skirt namin na hindi umaabot sa aming tuhod.
Maagang dumating si Celaena. Si Noah naman ay sasabay daw sa school bus ayon kay Mama kaya hindi ko na muna siya ginising dahil masyado pang maaga. I took one last look around my room just to be sure I did not forget anything important.
BINABASA MO ANG
Glory and Gore (Completed)
Mystery / ThrillerIN THE GAME OF DEATH, THERE ARE ONLY TWO OPTIONS: YOU EITHER KILL OR GET KILLED. In Year 2029, the Earth's population increased ceaselessly. That was when the creators of humankind came down to Earth to wipe out the entire human race to start anew...