Chapter 49

58 7 1
                                    

ACT 49: Fourth Round (Part 1)

BATTLE ROYALE (Part 1)

47 STUDENTS REMAINING...

BLAIR

At muling nabalot ng katahimikan ang paligid, tanging ang marahang pag-alon lang ng karagatan ang naririnig ko.

Gumapang ako papunta sa dagat. I splashed my face with water to wake my senses up. Masarap 'yon sa pakiramdam. Nagising ang diwa ko. I was able to see clearly what was around me. The sea stretched out beyond. Wala akong makitang kahit na ano kundi ang kahabaan lang ng karagatan. We're in an island as the woman stated. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na baka may makatulong sa amin dito. This was my first time being outside after we entered the arena.

Nagawa kong makatayo nang tuwid, pero nakakaramdam pa rin ako ng bahagyang pagkahilo. Then from somewhere, I heard the flapping of wind. Nang magtaas ako ng tingin, a huge box was falling from the sky. Napansin kong nakasabit ang malaking box sa isang parachute. Ito siguro ang sinabi ng babae na naglalaman ng mga weapon and essential things. Sigurado akong may pagkain doon. Pero kagaya nga ng sabi niya, sa gitna iyon ng isla babagsak. Isa lang ang ibig sabihin niyon, gusto nilang magpatayan agad kami. They're trying to lure all of us into killing each other. If I'll go there, it will be bloodbath. Hindi ko sigurado kung sino ang mga estudyanteng natira. I wasn't even sure if Xavier made it to this round.

I silently prayed he's okay. Siya lang ang tanging tao na matatawag kong kaibigan at mapagkakatiwalaan dito. If he's here, I have to find him. Pero hindi dapat 'yon ang iprayoridad ko ngayon. Kailangan kong makahanap ng maiinom na tubig. Tama, 'yon dapat ang una kong hanapin.

I remembered playing a game on a website back then—back when everything was still normal. I played this game called "If you were stranded on an Island, which celebrity would you take with you?" It had pictured of actors and actresses and questions that will help you pick who you should take with you. Nakapaloob din doon ang mga priority mo if ever nga na mangyaring ma-stranded ka sa isang isla. The first thing on the list was to look for a fresh water. That will be a major key in your survival, I remembered it was stated there on the website.

May magandang naidulot din pala sa 'kin ang pagki-click ng mga kung ano-ano sa google dati. I glanced at my sides to check if there's any person near me. Mukhang wala naman. Naglakad ako papasok sa kasukalan ng gubat. Wala akong ideya kung gaano kalaki ang islang ito. At kung totoo man ito at hindi isang simulation lang, I should also be aware of creatures inside this forest.

Makakapal ang mga puno sa loob ng gubat. Ang mga dahon ay bahagyang tinatakpan ang sinag ng araw mula sa itaas. Hindi gaano mainit ang temperatura dito dahil sigura sa mga puno din. Pinagmasdan ko kung anong klaseng mga puno ito. Hindi pamilyar sa akin ang ilan pero may ilang mga palm trees akong nakikita. Isa kaya itong tipikal na isla lang?

Tinalasan ko ang pandinig ko. Every time a twig snap, I quickly ran to hide behind the nearest tree. Para makasigurong wala akong kasama sa bandang parte ng kagubatang ito.

47 of us are thrown here. Malaki siguro itong isla kaya hindi ako makakita ng isang estudyante. Or maybe they're already hiding. Pero magandang bagay siguro na wala pa akong nakikitang estudyante. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may nakita ako dito. Kung tatakbo ba ako o lalaban. If ever I will fight, what weapon will I use to defend myself? Mga bato?

Tahimik akong naglakad. Hindi ko alam kung saan ako tutungo but I know I should just keep on walking. Kailangan kong makahanap ng maiinom na tubig dahil kung hindi, I wouldn't last here. We are almost at the last of us. Kumbaga na-filter na kaming lahat na nandito. Nalagpasan na namin ang ilang round. At isa lang ang ibig sabihin niyon—lahat kami ay hindi magdadalawang-isip na pumatay agad kapag nakakuha kami ng pagkakataon. Dahil sa pagpatay ng kapwa-estudyante, iyon lang ang tanging makakapagpanatili sa aming buhay para makarating sa sunod na round.

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon