Chapter 1

431 42 11
                                    

ONE

Blair

Ellis Island, February 13, 2024

Pumasok si Sir Denver sa classroom namin. He's our class adviser.

He wrote something on the board, his back on us.

"Class, attention please," nakikiusap ang tono niya. Humarap siya sa amin matapos magsulat sa white board. Nakasuot siya ng kulay blue na long-sleeve polo. I wasn't informed that such polo even existed. Sir Denver was wearing a horn-rimmed glasses that was too big for his small face. Mayroon siyang visible na stubbles na halatang minadali niya sa pag-shave dahil sa hindi pantay iyon.

Binaling ko ang atensyon ko sa librong nakapatong sa harap ko—War and Peace by Leo Tolstoy. This was the book I'd chosen to review for our Literature class.

Saglit kong tinignan ang puwesto ni Celaena pero wala siya roon. Napakunot-noo ako. Where did she go? I said to myself. Ibinaling ko ang buong atensyon kay Sir Denver na bahagyang nakasandal na sa desk niya habang naka-krus ang mga binti at ang dalawa niyang kamay ay nakapaloob sa bulsa ng itim niyang pantalon. Magmumukhang bata si Sir Denver kung hindi lang dahil sa malapit nang makalbong na ulo niya. Bahagya niyang iniayos ang glasses niya saka tumikhim nang makitang wala pa ang atensyon ng iba sa kanya.

It's a given here in our class na kapag tumikhim na si Sir Denver, it only meant that whatever you were doing, drop it and focus your attention to him right at that moment. Kaya naman awtomatikong lumingon ang grupo ni Evangelyn na busy kani-kanina lang sa pagku-kuwentuhan at umayos ng upo.

"So, we will have an exclusive retreat just for you, Seniors. Since mayroong six sections ang Twelfth year, nahirapang maghanap ang school ng available na mga bus. But luckily, kani-kanina lang ay may tumawag sa office at sinabing available sila, so there's that."

Namayani ang katahimikan sa buong klase, hinihintay ang mga sunod na sasabihin ni Sir Denver sa amin. Muli siyang tumikhim bago nagpatuloy.

"Kaya sa February 17, which is Friday, ang napagpasyahan ng office na perpektong araw para sa retreat ninyo," aniya na naglakad patungo sa board at isinulat doon ang date na sinabi niya.

Excited shouts erupted from behind me. I couldn't help but feel happy and excited, as well. Si Maru na nasa harapan ko ay tumayo pa at sumayaw-sayaw na parang bata. Nagtawanan ang mga lalaking palagi niyang kasama at iyong mga kaklase kong babae na sabik na sabik na makuha ang atensiyon niya—just like a pack of hungry wolves. I could only roll my eyes at them.

Si Maru Raul Alegria ang hari ng Ellis University—or so I heard most of them say. Anak siya ng may-ari ng school namin which made him the king. Siya rin ang captain ng football team ng unibersidad. Halos lahat ng girlfriend niya ay kung hindi princess-ish, ay model. Ni hindi ko na nga mabilang kung ilang babae na ang naloko ng mukha niya.

May kaibigan siya na kasama niya palagi—his best buddy—si John Emmanuel Caliente, na opposite ng ugali niya. Mabait si Jem—palayaw niya—minsan nagkakausap kami pero madalas ay hindi. Kapag siguro ay may mga group project lang at kabilang siya sa grupo ko. But the other day, tinulungan niya ako sa biglaang recitation namin sa Physics dahil na-late kami ni Celaena.

I don't hate Maru that much. Siguro ay ayaw ko lang na kapag wala kaming teacher, which made me the responsible one for the class, since ako ang itinalaga nilang presidente ng klase, ay hindi siya nakiki-cooperate at siya pa mismo ang pasimuno ng ingay at kaguluhan—talk about the childishness he still had in him.

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon